bc

ALWAYS YOURS NEVER MINE

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
family
HE
opposites attract
second chance
friends to lovers
pregnant
single mother
heir/heiress
drama
sweet
bold
cheating
rejected
poor to rich
affair
addiction
like
intro-logo
Blurb

Sabi nila, hindi namamatay ang unang pag-ibig. Pero paano kung ang lalaking minahal mo noon ay maging asawa ng matalik mong kaibigan?

Bago naging asawa ni Rachell si Bi Min-Ho, siya muna ang unang pag-ibig ni Nadine. Nangako silang magsasama habambuhay, hanggang sa isang hindi pagkakaunawaan ang sumira sa kanilang pangarap.

Makalipas ang ilang taon, muli silang pinagtagpo ng tadhana. Kasal na si Min-Ho kay Rachell, habang si Nadine ay isang inang mag-isang nagpapalaki sa kaniyang apat na taong gulang na anak na naghahanap ng ama.

Upang tulungan ang kaibigan, may kakaibang pakiusap si Rachell kay Min-Ho, magpanggap itong ama ng anak ni Nadine.

Ngunit ang simpleng pabor ay gumising sa mga damdaming matagal nilang ibinaon. Habang napapalapit si Min-Ho sa bata, bumabalik ang masasayang alaala at muling nabubuhay ang pag-ibig na akala nila'y tuluyan nang naglaho.

Sa pagitan ng babaeng bahagi ng kaniyang nakaraan at asawang nangakuang mamahalin habambuhay, mapipilitan si Min-Ho na harapin ang katotohanang matagal niyang tinakasan.

Ngunit sa oras na gumuho ang lahat, nagbalik si Liao Yang-zhen, ang lalaking iniwan si Nadine bago isilang ang kanilang anak. Determinado siyang bawiin ang nawalang puwesto sa buhay ng bata at muling makuha ang puso ni Nadine. Pero sapat ba ang mga pangako upang burahin ang apat na taong pagkawala?

Habang ipinaglalaban ng dalawang lalaki ang kanilang pag-ibig, nabubunyag ang mga lihim, nasusubok ang pagkakaibigan, at nasasaktan ang mga pusong pilit kumakapit.

Babalik ba si Min-Ho sa babaeng nagmamay-ari ng kaniyang nakaraan, o pipiliin niya ang asawang nagtiwala sa kaniya? Mapapatunayan ba ni Yang-zhen na karapat-dapat siyang pagkatiwalaan, o kailangan ni Nadine na tuluyang bitawan ang nakaraan upang protektahan ang kinabukasan?

Dahil minsan, ang pinakamahirap tanggapin ay ang katotohanang may taong mananatiling iyo sa mga alaala, ngunit hindi kailanman magiging iyo upang angkinin.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - THE NIGHT YOU LET US GO
✨ NADINE POV. ✨ ➖➖➖➖➖➖➖➖ Bumubuhos ang malakas na ulan nang lumabas ng bahay nila si Yang-zhen at nilapitan ako na nakatayo sa labas ng gate. "Ano na naman, Nadine?" Galit at singhal niyang tanong sa akin ng makaharap ako. Pareho na kaming basa at naliligo sa ulan ngunit mas malamig pa sa ulan ang tingin niya. "Mag-usap tayo!" Singhal ko rin sa kanya. Napakagat ako sa labi. Nanginginig ang mga kamay kong nakahawak sa resulta ng pregnancy test na kanina ko pa gustong ipakita sa kaniya. "Buntis ako." Pagpapatuloy ko. Natahimik siya. Saglit akong kinabahan, pero nang makita kong unti-unting nagbago ang ekspresyon ng mukha niya, nabawasan ito. "Yang-zhen, magkakaanak na tayo." Wika ko pa at nakatitig sa mga mata niya. "Pu**ng-i**, Nadine!" Bulalas niya. Napaatras ako sa bigla niyang paglapit. Pero sa halip na pagalitan ako, hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at mariing niyakap. "Sigurado ka ba?" Halos pabulong niyang tanong. Tumango ako. Napahawak siya sa batok ko, saka idinikit ang noo niya sa noo ko. May munting ngiti sa labi niya habang paulit-ulit na hinihimas ang pisngi ko. "May anak na ako..." Mahina siyang natawa. "T**gi*a, magiging tatay na ako!" Napatawa rin ako kahit naiiyak na. "Ang bastos mo talaga." Wika ko. Mahilig kasi talaga siyang magmura. "Eh, ano bang gusto mong sabihin ko?" Hinaplos niya ang ilong ko gamit ang kaniya. "Congratulations, future Mrs. Liao!" "Yang-zhen!" Masayang bulong ko sa pangalan niya. Tumawa siya bago ako hinalikan sa noo. Nang akmang lalayo ako, hinila niya akong pabalik. "Isa pa." "Alin?" Hinalikan niya ako sa labi. Mabilis lang, pero sapat para makalimutan kong nasa gitna kami ng ulan. "Para sa anak natin." Bulong niya. "Sinungaling. Gusto mo lang akong halikan." Natatawang wika ko. "Edi alam mo naman pala." Ipinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya. Sa sandaling iyon, naniwala akong kahit anong mangyari, kakayanin namin. Pumasok kami sa malaking bahay ng mga Liao at magkahawak kamay kaming humarap sa Mama ni Yang-zhen habang binabalita na magkaka-anak na kami. Apo niya. "Gusto kong magpakasal na kami Mama, bago pa isilang ang anak namin." Masayang wika ni Yang-zhen sa ina. "Hindi mo siya pakakasalan." Nagkatinginan kaming dalawa nang marinig ang sagot ng Mama niya. Matalim itong tumingin sa akin bago muling nagsalita. "Ayoko sayo para sa anak ko. Para sa akin hindi kayo bagay." Direktang wika niya. Napayuko ako at nagpigil na wag umiyak. Ang sakit marinig mula sa bibig ng Nanay nang lalaking mahal mo na ayaw niya sayo. "Pero Mama!" Parang batang nag tantrums si Yang-zhen. "Ma, mahal ko siya." "Kaya mo bang talikuran ang lahat? Ang bahay na ito? Ang mga negosyo? Kami ng Papa mo?" Natahimik si Yang-zhen. At sa katahimikang iyon, unti-unting namatay ang pag-asa ko na ipaglaban niya kami ng magiging anak niya. "Yang-zhen?" Mahina kong tawag pero naramdaman kong unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Lihim akong napasinghap at gusto kong sumigaw na wag niyang bitawan ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya pero hindi siya tumingin sa akin. "Ma, wag mo naman gawing ganito." May pakiusap ang tono na wika niya. "Kung pipiliin mo ang babaeng iyan, wag ka nang magpakita dito. Itatakwil kita at mamumuhay kang mahirap. Kakayanin mo ba iyon, Yang-zhen?" Alam kong mahal ako ni Yang-zhen. Nakita ko kung paano niya ako alagaan kapag may sakit ako, kung paano niya ako sinusundo kahit dis-oras ng gabi at kung paano niya ako yakapin nang mahigpit kapag pakiramdam niya na may ibang lalaking lumalapit sa akin. Matigas at mainitin ang ulo niya. Palagi siyang galit kapag may gusto siyang sabihin pero sa kabila nang lahat, mahal na mahal ko siya. Dahan-dahan na lumingon sa akin si Yang-zhen habang ako naman napatingin sa kamay niyang hindi na nakahawak sa kamay ko. "Hindi ko kayang mawala ang pamilya ko, Nadine." Parang may kung anong dumurog sa dibdib ko nang marinig ang sinabi niya. Hindi ito ang inaasahan kong katapusan sa usapan namin ngayong gabi. Ang saya niya kanina ng malaman niyang magkakaanak na kami pero ngayon, just like that bibitawan niya kami ng anak niya. "Paano naman kami ng anak mo?" Malungkot na tanong ko habang tinitingnan siya sa mata. Yumuko siya halatang umiiwas ng tingin. Nang muli siyang magsalita, galit na siya at alam kong ito ang ginamit niyang panangga sa takot na makita kong nanginginig sa mga mata niya. "Bakit kasi ngayon ka pa nabuntis?!" Bulyaw niya sa akin. Napahawak ako sa tiyan ko. Ang lalaking ilang minuto pa lang ang nakalilipas ay halos lumuha sa tuwa nang malaman niyang magkakaanak kami ay siya ring taong ngayon ay pinagsisisihan ang pagdating ng bata. "Hindi mo ba siya gusto?" Nanginginig kong tanong. Bigla siyang nag-angat ng tingin at tumitig sa akin. "Wag mong sabihin 'yan! Anak ko rin 'yan!" Bulyaw niya ulit. "Kung anak mo siya, bakit parang kasalanan kong dinadala ko siya?" Bulyaw ko rin sa kanya. Wala siyang naisagot. "Mahal kita, Yang-zhen. Kung mahal mo kami nang anak natin, panindigan mo naman kami." Napayuko siya. Nakakuyom ang mga kamao niya na para bang nakikipaglaban siya sa sarili niyang desisyon. At sa huli, ang takot ang nanalo. "Hindi ko kayang mawala ang pamilya ko Nadine, pati na ang buhay na nakasanayan ko." Malungkot akong ngumiti. DUWAG. "Ganun nalang ba yun kadali, Yang-zhen?" Hindi siya sumagot at nakayuko lang. "Ikaw lang naman ang kailangan namin ng anak natin. Pamilya mo rin kami." Hindi parin siya sumagot. Nakita kong bahagyang napapangiti ang Mama niya habang pinapanuod kami. Ilang segundo ang lumipas nag-angat siya ng ulo at tumingin sa mga mata ko. Nakita kong may namumuong luha sa mga mata niya. Pero hindi siya lumapit, hindi rin siya nagsasalita. Nakatitig lang siya sa akin kaya umatras na ako. Ako na ang nagsalita. "Alam mo kung ano ang pinakamasakit, Yang-zhen?" Hindi parin siya sumagot at nakatitig lang sa akin. "Hindi dahil hindi mo ako kayang piliin. Kundi dahil alam kong mahal mo ako, pero mas mahal mo ang buhay na ayaw mong mawala." Mabilis akong tumalikod pagkatapos kung magsalita. Pero bago ako tuluyang makalayo, narinig ko ang boses niyang basag na basag. "Nadine..." Huminto ako. "Please." Isang salita lang. Isang salitang dati, sapat nang lumambot ang puso ko. Pero nang lingunin ko siya, nakatayo pa rin siya sa kinatatayuan niya at walang balak na lumapit para pigilan akong umalis. Mapait akong ngumiti sa kanya bago ko pinili na magpatuloy sa paglalakad. Hawak ang tiyan kong naglalaman ng batang bunga ng pagmamahalan namin, tahimik akong umiyak habang papalabas ng bahay. Dahil ngayong gabi, natutunan kong hindi lahat ng lalaking nagmamahal ay marunong manindigan. -------------------- Dahan-dahan akong bumangon at umupo sa kama. Apat na taon na ang nakalipas pero sariwa parin ang sakit na nararamdaman ko sa ginawang pagtalikod sa amin ni Yang-zhen. Apat na taong gulang narin ang anak naming si Chengxu ngayon, at sa loob ng apat na taon parang nakikita ko parin siya araw-araw dahil kamukhang-kamukha niya ang anak namin. Nagbuntong hininga ako. Bakit kaya napanaginipan ko ang nangyari sa amin ng gabing iyon? Hindi ko na naman siya iniisip. Hindi deserve ni Chengxu na magkaroon ng isang ama na walang balls. Napaigtad ako ng marinig ang ingay sa labas ng kwarto ko. Malakas na naman ang boses ng yaya ni Chengxu, panigurado makulit na naman ito. Napapangiti akong bumaba sa kama, nag-ayos ng sarili bago lumabas ng kwarto. Nasa hapag kainan sila at kasalukuyang kumakain ng breakfast. "Mommy!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Yüzbaşının Cerrahı

read
1.6M
bc

The Silver Wolf

read
626.1K
bc

The Billionaire’s Intern

read
1.2M
bc

Chosen, just to be Rejected

read
911.3K
bc

Inferno Demon Riders MC: My Five Obsessed Bullies

read
1.2M
bc

Claimed by the Biker Giant

read
2.3M
bc

Unscentable

read
2.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook