(Cara)
"Patingin naman ng sched mo my dearest beshie,"maagang bulabog sa akin ni Annie habang nasa locker kami.Siguradong malulungkot ito dahil hindi kami pareho ng sched at kahit pa nga luncbreak ay hindi pa kami magsasabay.Pati day off hindi rin.
"Pinaghihiwalay na tayo ng tadhana my pangit na biik,"pang-iinis ko sa kanya.
Nakasimangot naman itong napatingin sa akin.
"Natutuwa ka pa?"sabi nito sabay irap.
"Hindi noh!,"sabay tawa.
"Aishhh,i hate you!"
Tumawa na lang ako at hindi muna siya pinansin.Busy pa ako sa pagme-make up eh!
"Beshie?Saan ka nga pala naka-assign?,"bigla niyang tanong.
Napa-isip muna ako bago ko siya sinagot.Baka kasi biglang magka-komplikado ang lahat kapag sinabi kung ako ang napiling maging maid ng amo namin.
"House keeping!"Maikli kung tugon.Totoo namang na belong ako sa house keeping.
Kaya minsan hindi ko tuloy maiwasang mainggit kay Annie.Assistant Event Planner na pala siya dito.Hindi man lang niya naikwento sa akin.
"Galingan mo na lang beshie para maka-akyat ka kaagad,"sabi niya habang naglalagay ng lipstick.
Nabuhayan naman ako ng loob sa sinabi niya.Ibig sabihin non kapag galingan ko lang iyong trabaho ko ay makaka-alis din ako sa pagiging yaya ng amo namin na hindi ko pa naman nakikita.
"Bakit?Nag-umpisa ka rin bang ganito?"
"Oo naman,halos lahat naman ng mga tao na umangat ang mga posisyon ay dumaan muna sa kamay ni Ms. Reo.At isa pa mag-iingat ka sa witch na iyon at ang kaisa-isang habilin ko na huwag na huwag kang magtitiwala kahit kanino dito."
"Oo na,pero totoo bang mamayang hapon na ang dating ng anak ng may ari?"
"Ewan ko,iyon ang sabi-sabi.Pabigla-bigla lang naman kasi iyong sumusulpot na parang kabote kaya kita mo.Lahat sila alerto ngayon.Natataranta na animoy may paparating na malakas na bagyo."
"Bakit?Ikaw ba kalmado lang?"
"Syempre hindi,sinong kakalma kapag ganyan.Isang mali mo lang mawawalan ka na kaagad ng trabaho.Kahit mabangga mo lang nga ng hindi sinasadya ang isang guest kapag nakita ng anak ng may ari.Automatic na tanggal ka na."
"Ga-non siya ka lupet?,"nauutal kung tanong.
"Oo,kaya malas kung sino man ang naatasang magsilbi sa kanya."
"Bakit naman,"nanlaking mata na tanong ko na titig na titig sa kanya.
"Tsssh!Interesado?Nakakatakot ka naman,"sabay hawi sa mukha ko na nakatabon sa malaking salamin niya.
"Bakit nga?,"medyo kalma ko nang tanong na medyo nagsisimula na ring kabahan.
"Syempre,sino ba naman ang komportableng makita iyon oras-oras.Nakakatakot pa kaya iyon sa ama niya.Pero infairness medyo mapalad din naman ng kunti ang taga-silbi niya."
"Bakit naman,"interesado ko ulit na tanong na hinarang ko na naman ulit ang mukha ko sa salamin na nasa harap niya.
"Ano ba,"naiirita niyang bulyaw. "Beshie huwag ka nga munang magulo.Hindi naman ikaw iyong taga-silbi kaya tumigil ka nga diyan.Pero ito na lang para matigil na rin niyang curiosity mo.Alam mo kasi kapag ikaw ang pinalad na tagasilbi niya.Syempre mataas ang ibabayad niya sayo tapos may posibilidad na umakyat kaagad ang posisiyon mo.Pero iyon nga lang kung matatagalan mo ang ugali niya na mala-monster.Monster na gwapo,"tila kinikilig niyang sambit sa huling sinabi niya.Baliw lang ang peg!
"Ganoon ba iyon?Mataas ang sahod plus aakyat agad ang posisyon?OMG!This is it Cara!It's really your turn to shine!"
"Anong pinagsasabi mo?Lakasan mo dahil hindi ko madinig,"angal ni biik pero hindi ko na siya pinansin at basta ko na lang siyang iniwan.Para simulan nang pagsilbihan ng mabuti ang susi ng mga pangarap ko.
Dumiretso na ako kaagad kay Ms. Reo para hiramin iyong access card niya sa kwarto ni Grumpy boss,palayaw iyon sa kanya ng mga empleyado niya.Narinig ko lang naman kaya ginaya ko na. Hahaha!
"Ang aga mo naman,gusto ko iyan!"Komento ni Ms Reo sa akin na nakataas pa rin ang kilay.Pero infairness ang galing niyang magkilay ha,mukhang walang palya.Maganda iyong pagkakaguhit,bwesit kakainggit naman.Hindi ako biniyayaan ng ganyang talent.
"Anyway dahil nandito ka rin naman,kinakailangan ko na rin sigurong i-discuss sayo ang mga rules."
"Po?,"gulat na sambit ko sa kanya.Bakit kasi laging may mag surprises na nakahanda sa akin palagi.Ano na naman kaya ang susunod?
"Hindi ka naman siguro binge kaya hindi ko na dapat ulitin kaya makinig kang mabuti!"
"Opo,Ms. Reo!"Sabay kuha ng ballpen at papel.
Blanko ang mukhang napatingin ito sa akin.
"Para po matandaan ko lahat,mukhang marami-rami iyong rules na sasabihin nyo,"nag-aalangan kung sabi.
"First,ayokong ma late ka dahil ikaw ang maghahatid at maghahanda ng breakfast ni Dae,magliligpit ng kama niya, etc.At iyong pinaka-importante,ikaw iyong gigising sa kanya tuwing umaga.Kailangan before 10 ng umaga,gising na siya at nasa opisina na niya mismo."
"Eh kung ayaw niya pa pong magising?"
"Problema mo na iyon!,"masungit niyang sagot.
"Ok po!"Natatakot kung sagot.
Bakit kasi pati taga-gising naging trabaho ko pa.Ano bang klaseng tao iyong magiging boss ko?Bakit pahirapan pa sa pag-gising.
"Second,huwag na huwag mong ipagsasabi kahit kanino kung ano man ang nasasaksihan mo sa loob ng kwartong iyon.Ayaw na ayaw niya na pinag-uusapan ng ibang tao ang pribado niyang buhay.Third,maintain cleanliness!Galit iyon sa magulo at madumi.Fourth,dapat alert ka kaagad kapag tinatawagan," sabay lapag ng isang box sa table niya.
"Cellphone iyan at sayo na iyan kaya dapat mong bitbit palagi.Dalawang number lang ang naka-save sa contact niyan.Number ko at number ng boss mo kaya tumawag ka kaagad sa akin pag-nagkaroon ka ng problema."
"Okey po,Ms. Reo."
Kinuha ko na iyong box sa table niya sa sobrang excitement.Ikaw ba naman,instant na naging bago ang phone mo.Aakma na sana akong lumabas ng tinawag niya ako ulit.
"Tungkol nga pala sa sahod mo.Maliban sa sahod mo dito bilang empleyado ng hotel ay may karagdagan ka pa ring bayad.Kapalit iyon ng mabuti mong serbisyo at pagtikom ng bibig mo."
"Bakit po naman ganoon iyong sitwasyon ko dito?,"hindi ko napigilang itanong sa kanya.
"Dahil maswerte ka!,"mabilis nitong sagot na nakangiti. "At pasalamatan mo lahat ng hotel na pinagtrabahuan mo na nagbigay sayo ng experiences.Dahil doon ikaw ang tanging nangibabaw sa lahat ng applikante."
Tumayo ito at humahakbang papalapit sa akin.Parang na used na rin talaga siya na laging hawak-hawak ang pinakamamahal niyang stick.
"Kaya pagbutihin mo at galingan mo ng hindi ako mapahiya,"masungit na naman niyang singhal.Pero hindi na ako natakot sa kanya.
"Opo!Pagbubutihan ko po kahit ano man ang mangyari."Masigla at nakangiti kung sabi ngunit inirapan niya lang ako.Mas lalo pa tuloy akong napangiti.
Tama!Kailangan ko talagang pagbubutihan.Wala na akong paki-alam kung anong klaseng halimaw ang pagsisilbihan ko basta this time.I'll make sure na magiging proud na ulit sa akin si Mama.
"Okey!You may go,"taboy na niya sa akin sabay hagis ng access card sa mesa niya.Kinuha ko iyon at kaagad ng umalis.
Hawak-hawak ko pa rin ang papel na pinagsulatan ko ng mga sinasabing rules ni Ms. Reo kanina.May karagdagan pa kaya ito?Tanong ko sa isip ko.
Sakto namang bumukas na ang elevator kaya kaagad na akong pumasok sabay pindot sa 18th floor na button.Napansin kung may dalawang babae akong kasabay sa likod ko kaya nilingon ko muna sila saka nginitian.Mukhang nasa front desk ang mga ito base na rin sa uniform nila.
"Nakita mo ba kanina ang anak ni big boss?,"chika nong isa.
"Hindi eh,bakit dumating na ba?"
"Oo kanina pa daw iyon,pero parang umalis din naman kaagad dahil may pupuntahan pa raw."
"So ano?Gwapo ba?,"puno ng excitement na tanong ng isa.
Ako naman tahimik lang na nakikinig sa kanila.Kung iyong ibang empleyedo takot sa anak ni big boss may ilan din naman pala na hindi.
Pero teka nga?Nandito na iyong anak ni big boss?Si Mr. Grumpy nandito na?Hala,mukhang nagpapanic na iyong puso ko.
Pero kalma muna dahil sabi nila umalis pa siya kaya matatapos ko pa ang lahat ng dapat kung ayusin sa suites niya bago siya makarating.Ang dapat ko lang na gagawin ay bilisan na ang kilos.Cara,fighting!
"Sobrang gwapo girl,"tila kinikilig na sambit ng isa na hindi rin mapigilang mapatili ng isa.
Hay,mga engot talaga!Tsk!
Nauna silang bumaba kaya ako na lang iyong naiwan sa loob.Tapos may isang lalaking naka-headphone na pumasok.Naka-leather jacket ito na itim at rugged na pants.Naka-shades din ito ng makapal at naka-mask pa kaya hindi mo makikilala kung sino talaga siya.
"Artista siguro toh,"hula ko sa loob-loob ko lang. "Or vocalist ng banda?"
Ni hindi rin nito napansin na may kasama siya sa loob dahil siguro malakas ang music na pinapatugtug niya.
Ilang minuto lang bumukas na naman ang elevator,nagulat ako dahil lumabas din siya.Tama nga siguro ang hula ko na artista iyon.Sa ganitong mga floor kasi nandidito ang mga pinaka-mamahal na mga rooms.
Gusto ko pa sanang usi-sain kung ano iyong room number niya pero mukhang magkalahi sila ni flash dahil bigla na lang nawala.
Pagkatapat ko mismo sa room ay kaagad ko na sinu-wipe ang access card.Pumasok na ako kaagad pagkabukas nito at natigilan ako bigla ng may lalaking nakatayo habang nakaharap sa malaking painting.
"Si flash!," piping sabi ng isip ko. "Naligaw ba siya?Ngunit paano?"
Natutup ko iyong bibig ko dahil saka ko lang na realize na baka ito na iyong anak ni big boss.Para akong na-glue sa kinatatayuan ko sa sobrang pagpapanic.Hindi kasi ako prepare,mukhang may marami pa akong gamit na dapat punasan. PapaJesus!Help naman po!
"Pag-gising ko kailangang malinis na ito,"biglang sabi niya na ang tinutukoy siguro nito ay ang painting na minamasdan niya.
Ibig sabihin alam nitong nandito lang ako at nasa likod lang niya.Pero wait bakit mukhang familliar ang boses na iyon sa pandinig ko.Kaya ibinalik ko ulit ang paningin ko sa lalaki na nasa harapan ko lang.
Kahit na nakatalikod ito pero alam kung hindi ako magkakamali dahil ganito din kabilis ang pintig ng puso ko noong una ko siyang makita.Wala pa ring pagbabago pala.
Napansin siguro nitong hindi ako nakasagot sa kanya kaya lumingon ito.At parang naging slow mo na lang bigla ang lahat sa akin.
So,ito na pala siya matapos ang mahigit apat na taon.Mukhang naging maayos naman ang naging buhay niya.Given naman iyon dahil sa yaman niya.Ako lang naman ang naging miserable.Dumaan sa maraming paghihirap.
Mukhang pinaglalaruan talaga ako ng tadhana.Pinagtagpo ulit kami sa maling pagkakataon na naman.Kung saan na nagigipit ako at kailangan ko ng trabaho.TsssH!