Chapter 6

1102 Words
(Cara) Kahit siya ay natigilan din ng makita ako.Kahit na suot-suot pa rin niya ang salamin sa mata ay alam kung gulat na gulat din ito na makita ako sa harapan niya mismo. "You?,"sambit niya sabay tanggal sa salamin na suot nito.Gusto siguro nitong siguraduhin kung tama ba ang nakikita niya. Ako naman ay parang na glue din ang dila.Hindi makapagsalita.Gustong gusto ko talaga siyang murahin sa mga oras na ito kaya lang parang may pumipigil sa akin.Malamang,pag-ginawa ko iyon katapusan ko na talaga.Kaya hindi pa pwede,tiis-tiis lang muna. "Woah,"sambit pa niya ulit na parang hindi talaga makapaniwala na nakikita niya ngayon.Mabuti na lang dahil hanggang sa ngayon ay na-recognize niya pa rin ako.Sa dami ba namang babae na dumaan sa buhay nito maswerte na rin siguro na natatandaan ka pa niya. "Akalain mo nga naman,life is really full of surprises.Nice meeting you again,my beloved bitch.So,how are you?,"tila nanunuya niyang tanong saka pasalampak na naupo sa malambot na sofa.Nakamasid lang ito sa akin na tila bored naman ang expression ng mukha. Ang sarap niya talagang pigain kagaya ng labahin kung maaari nga lang. Tumawa ako ng pagak ng makabawi na mula sa aking pagkabigla.Syempre mukha ka na ngang tinapakan noon magpapatapak ka pa ba ulit? "Nice to meet you too,sir!,"magalang kung sabi at pilit na pinasisigla ang boses.Gusto kung ipakita dito na hindi na ako affected ng nakaraan. "Pasensya na po kung hindi ako kaagad naka-sagot.Masyado na po siguro talaga akong makakalimutin.Pilit ko po kasing ina-alala kung saan nga ba tayo nagkita,then I just suddenly remember na oo parang naging part ka nga ng buhay ko." Na gustong gusto ko ng makalimutan! Matapos kung sabihin sa kanya iyon ay isang pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanya. Galit at halos hindi maipinta naman ang mukha nito sa narinig mula sa akin.Naapakan siguro ang ego niya dahil feeling niya hindi siya basta-basta makakalimutan.Duh! "Tumigil ka nga b***h,hindi bagay sayo ang umarte ng ganyan,"iritado nitong sabi at tinapunan naman ako ng mga nanunuya niyang tingin.Pinilit kung hindi magpa-apekto sa dating niya.Kahit nangangalay na ang panga ko sa kangingiti sa kanya ay wala akong paki-alam.Basta isa lang ang nasa isip ko,iyon ay ang ipamukha sa kanya na wala siyang halaga sa buhay ko para maalala pa siya. "Hindi po ako nag-iinarte sir,"nakangiti ko pa ring sabi na nagpipigil pa rin na mapatay ko ang lalaking ito.Hanggang ngayon ba naman ayaw niya pa rin akong tantanan sa tawag niyang bitch.Isa talagang malaking katangahan ang pumatol sa kanya. "You are!Kaya itigil mo na iyan dahil para kang sira!" "Hindi talaga ako nag-iinarte sir,"pag-iinsist ko pa rin na hindi talaga ina-alis ang pilit na ngiti. "Damn that s**t!,"malakas niyang sigaw na napa-pitlag ako sa gulat. Salbahe talaga ang hinayupak na ito!Galit na galit na ito na nakatingin sa akin kaya hindi ko na nagawang ngumiti ng pilit ulit.Ano kaya ang problema nito?Bakit hindi na lang mag-go with the flow para walang problema! Kung kanina kaya ko pang pigilan ang galit ko ngayon parang hindi na.Sasabog na talaga ang bulkang Pinatubo. "Oo na,naalala na kita!,"sobrang lakas at galit kung singhal. "Paano ko ba naman makakalimutan ang lalaking nakipag-break sa akin sa gitna ng ulan." Siya naman ang natigilan at kalaunan ay napatawa rin. "Iyan!Ganyan nga,iyan talaga ang Cara na nakilala ko.Kaya don't pretend to be someone I dont know.Hindi bagay sayo ang acting,wala kang talent non." "Can i make you a deal?,"matapang kung hiling sa kanya. Tumayo ito at lumapit palapit sa akin. Iyong malapit na malapit talaga.Gusto kung umatras pero nakalimutan kung wala naman akong ma-atrasan dahil sa ngayon nasa pintuan pa rin ako ng suite niya. Sa mata ko lang ito nakatingin kagaya lang noon.Noong una pa naming pagkikita.Ito talaga ang favorite niya na parte ng mukha ko.Ngumiti ito na tila aliw na aliw sa nakikita niya. Panay naman ang lunok na ginawa ko dahil kasabay ng pagtitig niya sa mata ko.Parang sirang plaka naman na nagwawala ang dibdib ko.Sunod-sunod ang kaba nito na hindi ko rin mapigilan. Pinapanalangin ko na lang na sana hindi niya mahalata na kaya pa rin niyang patibukin ng ganito ka bilis ang bobo kung puso. "I missed this two lovely sight.They are still beautiful,"aniya saka lumayo na at itinuro ang painting na pinapalinis niya. Pagkatapos non,pumasok na siya sa nakatago niyang lungga.Sana nga hindi na lang siya lumabas,diyan na lang siya hanggang sa mag-end of the world na.Tssh!Hindi man lang niya sinagot ang hinihingi kung favor. Anong kamalasan na naman ang dumating sa buhay ko ngayong araw pa.Una,isang demonyo ang biglang nagpakita tapos boss ko pa.Pangalawa naman umuulan ng malakas.Wala pa naman akong dalang payong.Anong oras kaya ang out ni biik baka may payong na dala iyon. Napilitan tuloy akong tumambay muna sa pinakamalapit na 7 eleven.Bumili ako ng ice cream. Bigla ko tuloy naalala kung bakit ayaw na ayaw ko tuwing umuulan.Bumabalik lang kasi ang sakit nang nakaraan.Parang ako lang siguro ang taong kumakain ng ice cream kapag umuulan.Sa ganoong paraan lang kasi naiibsan ang sakit. Krrriiiiinnnnnnnnnng!Kriiiiiinnnnnnnnnnnnnnng! Ringtone ng luma kung cellphone.Tumatawag pala si biik. "Saan ka ba,"tanong niya kaagad sa akin pagkasagot ko mismo sa tawag niya. "7 eleven,"maikli kung sagot.Ayoko ng e explain pa ng matagal dahil baka matunaw na kaagad ang ice cream na binili ko. "Sige,pupuntahan kita diyan." At pinatay na ang cellphone niya. After 10 minutes nandito na nga siya.Malungkot mang sabihin ngunit katulad ko wala din siyang dalang payong.Kaya hayon,pareho kaming tatambay dito na dalawa.Gusto ko pa namang umuwi kaagad,na miss ko na kasing laruin si bunso. "Pangit?,"nakabusangos niyang sambit sa akin. "Hmmm?Bakit na naman?" "Naiinis ako sa manager namin.Ako naman lagi ang nakikita.Tssk!Kung alam ko lang na ganito ka demonyita ang makakatrabaho ko.Eh, di sana hindi na lang ako lumipat ng ibang department." Akala ko ako lang talaga ang minamalas at laging nasa critical stage ng buhay.Ganoon din pala biik,kagaya ko lang rin.Hindi na lang ako nag-comment,wala din naman ako sa mood.Mabuti pa siya kaya niyang sabihin sa lahat ang problema niya.Samantalang ako ay hindi pwede at kahit gaano na ako ka naiinis kailangan ko pa ring magtimpi.Ganoon kasi ang guhit ng kapalaran ni Cara. "Tapos lahat sila puro ang gagaling.Eh,di sila na lang ang magtrabaho sa lahat.Hihingi-an ka ng idea tapos iinsultuhin din naman.Pag-wala kang sasabihin,pagsasabihan ka namang walang naambag sa trabaho," patuloy pa rin niyang maktol.Na hindi ko rin nadinig ang iba dahil namamasyal din ang utak ko sa ibang planeta. "Saan na lang ba ako lulugar beshie?" "Gusto mong uminom?,"wala sa sarili na tanong ko sa kanya.Parang gusto ko rin naman gawin iyon ngayon.Gusto ko munang tumakas pansamantala sa lahat. "Game!" Mabilis pa sa alas-singkong sagot niya.Problemado nga !
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD