Chapter 7

1245 Words
(Cara) "Naka-uwi ka ba ng maayos kagabi?," nag-aalangang tanong ni biik. Hindi muna ako sumagot at tiningnan siya ng masama.Paano ba naman,sinabing tag-dadalawang bote lang kami ng san mig pero akalain mo iyong naka-walo kami.Malala pa dahil hindi na niya magawang makatayo kaya binuhat ko siya hanggang sa apartment niya.Hanggang ngayon sumasakit pa rin ang likod ko sa nangyari.Hindi na talaga ako uulit kapag siya ang kasama ko.Mas mabuti na lang na mag-isa akong iinom.Hanggang sa ngayon mahina pa rin talaga siya sa inuman. "Mag-diet ka ha!,"singhal ko saka iniwan na siya dahil muntik ko ng makalimutan na kailangan ko pala siyang gisingin(Dylan). May isang oras at kalahati pa naman ako bago mag-10 A.M kaya panay takbo na ang ginawa ko. Maya-maya lang tumatawag na si Ms. Reo.Oo nga pala hindi ko na rin matandaan kung bakit parang nagamit ko na itong phone na binigay niya sa akin kagabi.Mabilis kung pinindot ang answer button. "Good morning po,Ms. Reo.On my way na po para gisingin siya." "Good,pakibilisan lang dahil malapit ng mag-10,remember kailangan nasa office na niya siya sa mga oras na iyon.Kailangan niyang magpakita sa mga empleyado niya sa unang araw mismo ng trabaho niya.Got it?" "Opo!,"at ibinaba ko na ang cellphone ko at patakbo ng sumakay ng elevator. Binuksan ko kaagad ang hightech niyang hideout.Tulog na tulog pa nga ito.Ewan ko ba sa taong to'h kung bakit hindi na lang kumuha ng sarili niyang bahay at doon matutulog.Binigyan pa tuloy ako ng mahirap na trabaho. "Sir,gising na po,"mahina kung sabi sabay yugyug sa balikat niya. Mukhang hindi niya marinig kaya nilakasan ko ng kunti ang boses ko pati na rin ang pagyugyug sa balikat niya. So,ito pala ang sinasabi ni Ms. Reo na kailangan by 10 nasa opisina na niya ito dahil pag hindi mo gigisingin malamang buong araw siyang matutulog.Ano kaya ang ginagawa nito sa buong gabi kaya sa puyat na puyat.Malamang nambabae na naman at siguradong sigurado iyon.Pero mukhang hindi naman siya amoy alak. One last time na pag-gising ko sa kanya pag hindi pa rin siya magising.Bubuhusan ko na talaga siya ng kumukulong tubig. Joke lang! Iyon po imposibleng mangyayari.Hahaha "Sir,gising na poooo!,"sobrang lakas na sigaw ko na nasa bandang tenga na nga niya.Pero parang useless din dahil may pagka-benge ata,wala talagang narinig. Dahil desperada na po ang inyong bida ay pikit mata ko siyang tinulak sa sarili niyang mismong kama. Isang malakas na aray ang kaagad na narinig kung daing nito.Medyo kinakabahan din naman ako sa ginawa ko pero no choice eh.Bahala na lang po si Batman at si Superman sa akin. Kaagad itong bumangon at tiningnan ako ng masama.Pero hindi ako nagpa-apekto bagkus ay ngumiti lang ako sa kanya. "Good morning po sir,sa wakas po ay gising na kayo.Sobra po akong kinabahan kanina dahil kahit anong gawin ko ay hindi kayo magising.Baka kasi ano na iyong nangyari sa inyo kaya hindi po sinasadyang naitulak ko kayo." Kunwari ay puno ng pag-alala na pagkasabi ko. "You!You do it in purpose right?"Tiim bagang niyang sabi. "Hindi po,talagang concern lang po ako na baka kung ano na iyong nangyari sa inyo.Masakit po ba iyong likod nyo?,"tangka ko sanang hawakan ang likod niya pero hinawi niya ito. "Keep your dirty hands off me,"singhal niya.Mukhang galit talaga kaya hindi ko na itinuloy. Nalungkot naman ako ng kunti sa sinabi niyang iyon.Paano niyang magawang masabi ang bagay na iyon sa kamay ko na hawak hawak lang niya noon.His totally a jerk! Pero ganon pa man pilit ko pa ring pinasisigla ang boses ko at ngumiti sa kanya. "Maliligo na po ba kayo,sandali lang po at ihahanda ko lang iyong towel nyo." Mabilis ko na itong ibinigay sa kanya at parang patulak pa siyang pinapasok sa banyo. Pagkatapos non,breakfast naman niya ang mabilis kung inihanda.Iniwan lang ito ng isang crew ng room service sa labas ng pinto kaya ako na lang ang kumuha.Maayos ko itong inilapag sa mesa dahil sabi ni Ms. Reo galit ito sa magulo. After 20 minutes ay lumabas na rin siya sa wakas sa kwarto niya.Nakadamit na ito ng pormal hindi kagaya ng suot niya kahapon.Mas lalo lang itong naging gwapo sa suot niya ngayon.Pero mas lalo lang siyang nakakatakot tingnan dahil sa aura niya na parang naging mas ma-awtoridad siyang tao. Pilit nitong sinasalubong ang tingin ko pero pilit ko lang iniiwas din.I will never fall to that damn charms of his anymore.Unang ipinangako ko iyon sa sarili ko na kung magmamahal man ako ulit sisiguraduhin kung hindi na sa kanya at mas lalong hindi na sa kagaya niya. "Next time kung maglalasing ka,huwag kang mambulahaw ng ibang tao,"sambit niya habang paupo sa silya.Kinuha nito ang isang tasang kape at sinimulang higupin iyon. "Po?,"kinakabahan kung tanong. "Wala kang naalala?" Iritado niyang tanong kaya napailing na lang ito bigla.Pilit ko ring inalala kung ano bang pinag-gagawa namin ni Biik kagabi. {Flashback} Pagkatapos kung maihatid si Biik sa apartment niya.Naupo muna ako sa simento sa gilid ng kalsada habang nag-aabang ng taxi na pwedeng masakyan pauwi. Tapos bigla kung naalala ang cellphone na bigay sa akin Ms. Reo.Kinuha ko iyon at kinalikot muna,infairness iphone 6 ang binigay niya sa akin.Medyo okey na rin,choozy pa ba ako. Tiningnan ko iyong contact abay nangunguna talaga sa listahan dito si Mr. Dae.Ang walang modo na Mr. Dae,palitan nga natin.Ano kaya pwede?Napapa-isip kung tanong saka aksidenti kung na dial ang number niya. Kaagad namang sinagot ng gag*. "Hey,my beloved b***h!Na miss mo na ako kaagad?,"tila nang-aasar niyang sabi sa kabilang linya. "Hayop ka!,"iyon iyong unang salita na namutawi sa bibig ko.Tapos parang biglang gumaan na lang ang lahat. "Walanghiya ka!Walang modo!Ikaw na iyong pinaka-worst na tao na nakilala ko.Bakit sa lahat ng tao sa mundo bakit ikaw pa?Bakit ikaw pa rin?" Hindi ko na napigilang umiyak. "Saan ka?,"ma awtoridad na tanong niya pero hindi ko ito sinagot at tuluyan ng tinapos ang aksidenting tawag na iyon Pinahid ko na ang mga luha ko saka ko na realize na bakit pati sa taxi minamalas pa rin akong makasakay.Malapit na kayang mag-hating gabi. Para maaliw ako habang naghihintay ay binibilang ko na lang ang bawat dumadaan na sasakyan sa harapan ko. Tapos may isang sports car na blue ang biglang huminto sa harapan ko.At kahit blured na ang paningin ko alam kung si Mr. Grumpy ang bumaba sa sasakyan na iyon.Pero alam kung imposible kaya iniisip ko na lang na nanaginip lang ako.I mean,binabangungot pala. Nilapitan ako nito at marahas na hinila patayo.Doon ako natauhan na hindi pala ako nananaginip.Totoong nandito pala siya. "Ano ba,"singhal ko sa kanya dahil medyo masakit din naman ang pagkakahila niya sa akin.Iwinaksi ko ang kamay nito na nakahawak sa pulsuhan ko pero hindi niya iyon binitawan.Mas lalo niya pa ngang diniinan ang pagkakahawak dito. "Iuuwi kita kaya sumama ka na ng maayos,"seryoso niyang sabi na hinila na ako papasok sa sasakyan niya pero nanlaban ako.Sa sobrang pagwawala ko para makawala sa kanya ay nakaramdam ako ng pagbaliktad ng sikmura ko.Gusto kung lumayo sa kanya at nag-sign language pa ako na masusuka na para bitawan na niya ako.Pero hindi ito nakinig kaya nasalo ng magara niyang damit ang suka ko.Ang malas naman niya! Doon na niya ako binitawan at sa sobrang takot ko ay napatakbo na ako ng mabilis palayo sa kanya.Maswerte namang may huminto na taxi kaya kaagad na akong sumakay doon. {End of flashback} "Naalala mo na,"untag niyang tanong habang kumakain. Gusto ko mang magsinungaling na hindi pero mukhang imposible naman niyang paniwalaan iyon.Kaya yumuko na lang ako at humingi ng pasensya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD