“Don’t make me fall in love with you if there’s no chance between us,” ***** “Kumusta na pakiramdam mo?” tanong ni Marco at nahiga sa tabi ko. Ngayon ko lang mas nakita ang ganda ng langit habang pinakikinggan ang agos ng tubig sa dagat. Nandito kami ngayon sa buhanginan at talagang nagbibigay ito ng kapahingahan sa akin. “Salamat,” bulong ko na may sapat na lakas upang marinig niya. Tumunog ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si Tiya Marie. Sinabi kong magkasama kami ni Marco kaya’t mukhang napanatag naman ang kalooban niya. Hapon na pala kaya siguro hinahanap niya ako. Hinatid na ako ni Marco at hindi na rin siya nagtagal sa bahay dahil may pag-uusap sila ng kaniyang ama na maaga siyang uuwi. May tingin si Tiya Marie sa akin na hindi ko maintindihan at mukhang hindi naman s

