CHAPTER 7

1216 Words

“Pleasing for nothing is just a worthless thing,”   Mag-alas dose na ay dilat pa rin ang mga mata ko habang iniisip ang mga nangyari. Hindi talaga ako makatulog. Pagulong-gulong ako sa kama na parang isang bola. Tumayo ako at humarap sa salamin habang pinagmamasdan ang kabuuan kong itsura. Ano bang dapat kong gawin para magustuhan din ng iba? Tumunog ang cellphone ko. Kunot noo ko namang tinignan kung sino ang magtetext sa akin ng ganitong oras at numero lang. From: Unknown number “Gising ka pa?” To: Unknown number “Hindi, tulog na” From: Unknown number “Joke ‘yan? Sige tatawa ako hahaha” To: Unknown number “Oks” From: Unknown number “Bitter ka na naman,” Kilala ko na ito kaya agad kong tinawagan at hindi nga ako nagkamali, si Marco. “Huwag ka mambulabog ng ganitong oras,”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD