“Nakauwi kana pala?” panimula niya. Sa totoo lang, hindi ko magawa sa kaniyang makatingin ng diretso dahil noong huli na aming pagkikita bago ako umalis, umamin akong gusto ko siya bago tuluyang sumakay sa bus. “Ah o-oo, ku-kumusta kana?” kabado kong tanong habang nagkukunwaring abala sa pagtingin ng mga gulay na dala niya. Dumating si Marissa na may dalang juice at tinapay na meryenda. Kinuha ko ang isang baso dahil mukhang matutuyuan ako ng laway dito. “Okay naman, ang totoo niyan ay magiging ninang kana,” Nagbigla ako sa sinabi niya at yung iniinom ko ay lumabas sa ilong. Maging siya ay nagulat sa nangyari. Agad siya kumuha ng damit at ibinigay sa akin. Isa sa mga nagustuhan ko sa kaniya ay pagiging ginoo. Si Jose ang naging bestfriend ko kaya malapit kami sa isa’t-isa kahit mas mata

