Maulan kaya wala kaming plano mamasyal. Disperas na ng pasko, naisipan na lang nila nanay na dito sa bahay sumalubong. Habang kami ay kumakain, biglang may kumatok sa pinto. Nagprisinta na si Marissa na magbubukas ng pinto. Ang lahat ay natigilan noong makita kung sino iyon, si sister Heliah. Hindi ko magawang ipaliwanag ang emosyon ni tatay noong makita niya ang kaniyang ina. Tumingin ako kay lolo na nakangiting sinalubong si sister Heliah. “A-anak,” tawag niya kay tatay. Dali-dali tumakbo sa kaniya si tatay Ricardo habang niyakap ito ng mahigpit. Nakita ko na lang tumutulo ang luha ko sa mga nangyayari. Gano’n pala talaga kapag sobra saya natin sa mga bagay na nangyayari ay hindi mapigilang maiyak. “Anak patawarin mo ako, mahal na mahal kita,” Napahagulgol naman lalo ng iyak si tata

