Naalimpungatan ako mula sa sinag ng araw, nandito ang katulong na nag-ayos ng damit ko noong pumunta kami ni lolo sa orphanage. Binuksan niya ang kurtina at ang bintana upang pumasok sa loob ang sariwang simoy ng hangin. “Señorita, pinapasabi po ni Señor na maaga siya aalis dahil may aasikasihin,” magalang niyang sambit at akmang lalabas na. “Wait…” Natigilan naman siya at tumingin sa akin. “A-anong pangalan mo?” tanong ko sa kaniya. “Cerisse po Señorita,” sambit niya nap uno ng paggalang. Tumango na lang ako at tuluyan na siyang umalis. Katatapos lang ng sportfest kaya walang pasok. Tinignan ko yung cellphone ko bagamat walang anumang mensahe akong nakita. Pumunta na akong cr para makaligo, sinanay kami ni nanay na maaga maligo para daw masaya na aming salubungin ang panibagong ara

