WEDNESDAY Tulad kahapon, wala nang klase kaya nag-uusap na lamang kung ano ang gagawin nila at kung saan sila pupunta. Siyempre, hindi mawawala yung payabangan sa isa’t-isa. Napatingin ako kay Marco para tanungin siya. “Ang sabi ni Daddy, sa America kami since nandoon ang cemetery ni mommy,” sagot niya. “Ikaw, saan kayo magpapasko?” balik niya sa akin ng tanong. “Kila nanay sa probinsiya,” Hindi naman na siya nagtanong pa. tumunog na ang bell at nagsimula nang maglabasan ang mga estudyante. Inaya ako ni Marco na sa kaniya na sumabay pauwi kaya hindi na ako tumanggi pa bagamat paglabas ay laking gulat ko na makita si Timothy na nakasandal sa kotse niya. Kumaway pa ito noong makita ako. Inaya na ako ni Timothy ng biglang hawakan ako sa kamay ni Marco. Napatingin ako sa kaniya bagamat ka

