CHAPTER 22: HEADLINE Louise's POV' Nang marinig namin ang sirena ng ambulansya sa labas ng hospital ay agad kaming tumayo sa inuupuan ni Prior at tumakbo papunta sa labas. Kumalabog ang puso ko nang makitang binubuksan ang pintuan ng ambulansiya at doon iniluwa si Prison. Napatakip ako sa baba at napahinto. Hindi ako makagalaw, tanging si Prior lang ang nagpatuloy tumakbo papunta doon. Nakasakay si Prison sa stretcher habang ang doctor naman ay gumagawa ng CPR sa kanyang itaas. Mukhang malubha nga talaga ang nangyari sa kanila. Naghintay pa ako ng ilang sandali subalit isinarado na ng staffs ang pintuan ng ambulansiya. Doon na ako natauhan at agad pumunta doon. "N-Nasaan si Bianca?" mabilis kong tanong sa kanila ngunit binigyan lang nila ako ng nagtatanong na tingin. "A-Ano, w-wal

