CHAPTER 23: MADRID SPAIN Tinitignan ng mga tao sa loob ng hospital ang isang lalaking pasyente na wala sa sariling naglalakad. Wala itong sapin sa paa at nakasuot pa ng hospital gown, kagagaling lang nito sa isang operasyon. Hindi din nito alintana ang dumudugong kamay dahil sa natanggal na dextrose na nakakabit dito. Walang pake ang lalaki dito, gusto nyang lumabas sa hospital. Nang makita ito ng mga nurses at doctor ay nagmamadali nilang awatin ang lalaki subalit hindi nagpaawat ang lalaki, malakas ito at patuloy pa ring naglalakad ng wala sa sarili palabas ng hospital. Sa kabilang dako naman, iniwan ng lalaki ang babaeng nagngangalang Louise sa loob ng kwarto na nakatunganga. Wala din ito sa sarili at humihikbi na lang sa isang sulok ng kwarto, mukha itong baliw na bumubulong n

