CHAPTER 03: BLACK COMMUNITY
I put my fingers on the window. I can see the streak of spotlights in the roadway, the color turns green and I look away. "Anong oras tayo makakarating?" tanong ko kay Prison sa gilid. Seryoso itong nakahawak sa manubela.
"It's already 5:00 AM. Maybe around 6:00 PM," he answered.
Nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi. Gan'on katagal? Ang layo naman nang Black Community na 'yan. Well, wala nang atrasan Bianca, napagdesisyunan mo ng sumama sa kanya.
"Ang tagal naman," reklamo ko at napasalpak sa upuan.
"Matulog ka muna, gigisingin kita pag nagstop-over tayo," he smiles. I did what he said. Nakatulog ako sa kalagitnaan ng byahe.
+ + +
Hindi ko 'akalaing ganito kalaki ang tinatawag niyang Black Community. Malayo ito sa syudad, parang...tago ito at hindi saklaw ng gobyerno.
Maraming pasikot-sikot na daan, may makapal na gubat din kaming nadaanan at hindi ko alam kung bakit nagsimulang magkarera ang t***k ng puso ko.
Ano pang meron sa Black Community? Bakit pakiramdam ko mali itong pinasok ko?
"You look tense," usal ni Prison sa gilid. Sinulyapan niya ako nang may kakaibang ngiti sa labi. I look away at him and focus on the front side.
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang makita ko na ang malaking gate na may nakapaskil na 'Black Community' sa itaas. It's wide open, walang nakabantay.
"T-Teka, w-wala man lang bang guard?" tanong ko sa kanya. Diretso lang kaming pumasok doon. He just shakes his head, sinenyasan nya akong tumahimik. Napabuntong-hininga na lang ako.
Sana walang nangunguha ng laman na loob dito. O di kaya, gagawin akong prostitute. I cringe and push away the thoughts.
Prison turn off the engine and look at me, intensely. I gasped. "A-Ano? D-Dito na ba?" tanong ko sa seryoso niyang mukha. Bakit pakiramdam ko nag-iba ang kanyang awra?
"Yeah,” maikli niyang sagot. Seryoso pa rin siyang nakatingin sa'kin bago napabuntung-hininga.
"Oh, a-anong tinitingin mo jan?" kabado ko uli'ng tanong.
"You can't expect me to turn around and open the door for you,” he said. After that, he gets out of the car.
Napalunok ako sa kanyang sinabi. Right. Mukhang nagbago ang ugali niya pagkarating namin dito. What a gentleman!
Mainadali kong kinalas ang seatbelt at lumabas ng sasakyan. Doon ko mas napagmasdan ng maayos ang lugar. Katulad na katulad ito sa syudad, pero ang pinagkaiba lang ay mapayapa dito.
Maraming esudyante ang tumitingin sa'kin-sa'min ni Prison, lahat sila ay naka-uniform na black and white long sleeves and skirt.
They look calm and innocent, parang wala na silang pinagdadaanang problema sa buhay. Are they suicidal like me, before?
A sight caught me.
'Black Community. A place where it's all free!' Isip ko habang binabasa ang motto na nasa harap ng pintuan sa'king kinatatayuan.
"This is the councilor's office," usal ni Prison sa likod at tumabi sa'kin.
Sinabi niya na kailangan kong magpa-register doon para maging valid citizen ako. Pagpasok ko pa lang ay puro black ang theme, furnitures and stuffs, even the walls was painted black. Nagtaasan lahat ng balahibo ko sa awra.
"Madame Venus," tawag ni Prison sa babaeng nakaupo sa harapan.
She is busy scanning all the files. She looks 30 and up years old, masasabi kong maganda siya kung aayusin niya ang itsura niya. Napahinto siya sa kanyang ginagawa nang magtagpo ang paningin namin. She shot me a cold stare pero napalitan agad iyun nang ngisi.
"Sit down, unica 'ija." I sit down on the black sofa. Prison remain standing at the side.
"N-Nandito po ako para magpa-register," pasiunang sabi ko.
"Good. Here, put down your signature and name. Afer that, Prison-turo niya kay prison gamit ang ballpen-will guide you and accompany you in the community." 'Yun lang at nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa.
That's it? Hindi niya ba ako hihingan ng ID or birth certificate, money or what?
I look at Prison and he nods at me. I sighs, pinirmahan ko agad ang papel at iniabot ito kay Madame Venus. She wickedly smiles and stand.
May kinuha siya sa black steel cabinet and hands it to me. Isang susi. "That's your cabin key. Enjoy your journey here."
+ + +
Prison tour me in this community. Just like a normal community, may hospital, may eskwelahan, may mga malls, may buildings sa mga namamahala o tinatawag nilang own government. It looks perfect, the only one thing I noticed is wala silang simbahan.
Tatanungin ko na sana si Prison tungkol dito nang pumasok kami sa isang matayog na building. Hindi ko maiwasang mamangha, ito na ba yung sinasabi nilang cabin? Bakit ang laki naman yata?
"In your cabin, nandoon na lahat nang kailangan mo. Your schedule tomorrow sa school ay 10:00 AM to 6:00 PM. Don't worry about your meal, may magd-deliver every breakfast, lunch and dinner,” seryoso niyang sabi habang sinusulyapan ang kanyang relo.
Mukhang nagmamadali siya, napansin ko ring nagbago ang ugali niya simula nang dumating kami ditto. Hindi na siya ngumingiti at palaging seryoso. I wonder why.
Alam kong hindi ko pa siya lubos na nakilala para sumama sa kanya dito pero may nagtutulak sa'kin na magtiwala sa kanya kaya heto ako ngayon. Even if this community sound suspicious, hindi ko maiwasang pasalamatan ito. Saan ako pupulutin ngayon kung hindi nila ako natulungan, diba?
Kahit na iba ang kutob ko dito, tumuloy pa rin ako at hindi na lang pinansin ang mga kakaibang kilos at bagay. Maybe, this community isn't bad at all. Siguro may mga tao pang hindi nangangailangan ng kapalit sa ginawang kabaitan.
Nang dumating kami sa harap ng pintuan, I turn to him, "Salamat ng marami, Prison," I genuinely says to him.
Wala man lang siyang reaksiyon habang nakatingin sa'kin. But after a few seconds, he mischieviously grins that sent chills on my spine.
What was that?
Huminga ako ng malalim nang maisarado ko ang pintuan at sumandal doon. Bukas... papasok na ulit ako sa school, sana maging maayos ang buhay ko dito.