Chapter 1: Under the Stars
“Happy Anniversary, Elissa” I said as I handed her favorite flowers
Ngumiti s'ya, isang bahagyang ngiti sa sinabi kong 'yon.
“Happy Anniversary din, Xiatros. I’m really happy we’re here together, ang ganda rito! Thank you kasi tinupad mo na naman isa sa mga nasa wishlist ko.”
Bago pa ako makasagot, bigla niya akong niyakap.
Mahigpit.
Mainit.
At sa isang iglap, marahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin at hinalikan ako sa labi.
Nanlaki ang mga mata ko sa nangyari. This is my first time na may gumawa sa'kin non. Kasi si Elissa ang una kong naging kasintahan, hindi rin naman ako humahalik sa kanyang labi ‘yon kasi ang tanging pagrespeto ko sa kanya, tanging sa pisngi lang ako humahalik. Kaya… gano'n na lang ang gulat ko sa ginawa niya.
'di ko kasi expect na gagawin n'ya sa'kin ang bagay na 'yon.
Parang biglang bumagal ang oras sa paligid namin. Ang mga dahon sa paligid ay— tila dahan-dahan itong bumagsak ng mga sandaling iyon.
Napahawak na lang ako ng aking labi at napalunok ng sarili kong laway matapos mangyari ito.
Hindi ko malaman kung ano ang magiging reaksyon ko sa sandaling 'yon. Ang alam ko ramdam ko na biglang uminit ang aking tainga— senyales na kinilig ako kapag nangyayari ito.
At alam kong napansin n'ya 'yon kaya siya medyo natawa sa naging kilos ko.
“Okay ka lang ba?” Ani niya, habang hinawakan niya ako sa braso
Hindi ako makasagot no'n, tanging.... ang pagtingin na lang sa kalangitan ang nagawa ko.
Nasa camping sites kami ng mangyari ang lahat ng 'to. Nakaupo kami sa damuhan kalapit ng aming tent, magkatabi sa isa't-isa, habang nakatingin sa mga nagniningning na bituin na saksi sa kung gaano kami kasaya ng mga oras 'yon, sa kung gaano ka memorable ang mga alaala na ito.
Sa puntong 'yon, tahimik lang naming pinagmamasdan ang bituin sa kalangitan.
Then suddenly, a streak of light passed across the night sky.
A shooting star.
“Xiatros, look! May shotting stars!” Elissa exclaimed excitedly, pointing up at the sky. “Let’s make a wish!”
I quickly followed where she was pointing. A thin line of light cut through the darkness before disappearing completely.
“Bilis, pumikit ka!” sabi nya habang agad na ipinikit ang kanyang mga mata at pinaglapit ang dalawa niyang kamay na wari'y nagdarasal.
Hindi ko mapigilang ngumiti sa tabi n'ya dahil sa ginawa niya.
That was Elissa. Even though she could be mature in so many things, there were moments when she acted like a child—at ito ang isa sa dahilan kung bakit mahal na mahal ko s'ya, kung bakit hindi ko kayang saktan s'ya.
Ipinikit ko na rin ang aking mga mata
Sa pagpikit ko na 'yon wala akong nais hilingin kung hindi ang matagal ko pa s'yang makasama.
When I opened my eyes. Nakita ko si Elissa na nakapikit pa rin. Pinagmasdan ko s'ya ng mabuti habang pansin ko na bahagyang gumagalaw ang mga labi nito na wari'y isang hiling n'ya sa Shooting star.
Mga ilang segundo lang ay nagmulat na ang kanyang mga mata.
Agad siyang napatingin sa'kin.
“Anong winish mo?” Ani nito habang nakangiti.
“H-ha? A-ako? W-wala ah, hindi naman ako nag-wish” Mautal-utal ko pang sabi.
Tumingin pa s'ya sa'kin na wari ay gustong makahanap na sagot.
“Ikaw ba, anong winish mo?” Sambit ko upang ibaling ko ang kuwento.
Sandali siyang natahimik sa kalapit ko, tumingin ito sa kalangitan sa kung saan dumaan ang shooting star.
“Ano pong winish mo?” Pagkalabit ko sa kanya.
Tumingin s'ya sa'kin saka nagwika.
“Secret” mahina niyang sagot.
Nagkatitigan kaming dalawa, habang ang mga mata namin ay parehas na nagtagpo. Sa puntong ito, biglang humangin nang bahagya sa aming paligid. Gumalaw ang mga dahon ng mga puno malapit sa amin at marahang gumagalaw ang tela ng aming tent.
After that, she leaned her head on my shoulder.
“Xiatros…” she called softly.
“Hmm?” I said.
“Sobrang saya ko sa gabi na ito”
Napalingon ako sa kanya
Hindi siya lumingon sa'kin tanging nakatingin lang siya sa mga bituin na nasa kalangitan. Kitang-kita ko na napangiti pa sya ng bahagya habang tumitingin dito.
Hinaplos ko ang kanyang buhok at hinalikan. Ito.
“Bakit?” Tanong ko sa kanya
“ Hindi ko lang kasi in-expect na...... makakarating tayo sa ganito, na sa kabila ng mga pagsubok na dumaan sa atin, nalampasan natingg dalawa.” sagot niya. “At hanggang ngayon, ikaw pa rin ang kasama ko.”
Wala akong na sabi, wala kahit na anong salita ang lumabas sa bibig ko. Sa halip ngumiti na lang ako at marahan na hinawakan ang kamay niya at saka ito hinalikan.