Episode 4

1593 Words
"Trina may gusto sana ako ipagawa sa iyo. Don't worry madali lang ito," sambit ni Clare. Ano naman kaya ang binabalak ng babaeng ito? Kinakabahan ako sa gusto niyang ipagawa sa akin. Masama ang kutob ko. "This past few months kasi nagpaparamdam ulit sa akin ang gago. Ayaw niya akong tigilan for pete's sake! At gusto ko na tantanan na niya ako dahil in a relationship na rin naman na ako at masaya na ako sa buhay ko," pagtukoy niya sa ex boyfriend niyang hilaw. "Ano ba iyon?" Tanong ko. "You must date the playboy. Simple lang naman hindi ba? Don't worry, paglalaruan mo lang naman ang feelings niya at kapag in love na siya sa iyo iiwan mo na siya," nakangisi niyang sabi. "Wait. Tama ba ang narinig ko?" Paglilinaw ko. Nababaliw na ata ang kaibigan ko. Ako pa talaga ang gagawin niyang bait. "Sure ka na ba riyan sis? Si Kat talaga ang gagawa ng plano mo? Bakit hindi na lang ikaw? Pagselosin mo si papi Max tutal may jowabels ka naman na," suhestiyon ni bakla. "Ano ka ba baks? Isipin mo ahh. Childhood friends silang dalawa, meaning to say may napagsamahan na sila. Hindi malabo na magkagusto si Maximiliam kay Katrina. Para man lang maranasan niya ang masaktan. Gagawin nating miserable ang buhay niya. Ipaparamdam ko sa kaniya ang naranasan ko," seryosong sabi niya. Problema nila iyon eh, bakit kailangan kong makisawsaw? Kapag tumanggi naman ako baka naman magalit sa akin si Clare. Minsan na nga lang siya humingi ng request hindi ko pa gagawin. Baka sa aking gagawin eh ako pa ang mahulog sa kaniya. Umiiwas na nga ako para hindi na lumalim pa ang nararamdaman ko. Ang hirap naman mag-isip ng matino! "Ano sis? Gora ka ba?" Tanong ni bakla habang naka pamaywang sa aking harapan. "May choice pa ba ako? Ano ba ang gagawin ko?" Pagsuko ko sa kanila. Good luck na lang sa akin. Hindi ko alam kung magagawa ko ng maayos ang paplanuhin niya. "Gaya nga ng sabi ko, makipag date ka sa kaniya. Kuhanin mo ang loob niya. Mag propose ka sa kaniya kung kinakailangan," sagot niya. "Kailan ba natin sisimulan?" Tanong ko. "Mamayang hapon may party siya na pupuntahan. Birthday ni Anton, friend namin. Ikaw ang papupuntahin ko in behalf of me. Ikaw na ang bahala kung anong strategy ang gagawin mo. Basta mamaya dapat nandoon ka." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Mamaya agad!? Wala man lang ako time para makapaghanda. My gosh Clare, hindi naman ganoon kadali ang pinapagawa mo," reklamo ko. Akala ko pa naman sa susunod na buwan pa o kaya naman sa susunod na mga linggo pa. Tapos mamaya agad? Biglaan naman kasi. "Anong oras na ba?" "Nine o' clock in the morning," sagot sa kaniya ni Danny. "Perfect! Meroon ka pa natitirang anim na oras para makabili ng susuotin mo at para makapaghanda. I think it's enough," she smiled. "Wala akong pera pambili ng damit. Si Danny na lang ang papuntahin mo roon. Sa susunod na lang natin gawin ang plano," ani ko. "Walang problema sa pera. Since ako ang nakaisip, ako na rin ang may sagot ng mga kailangan mo. Tuloy na tuloy ka na mamaya. Wala ng atrasan ito girl!" She cheerfully replied with a grin. "Ok fine. Gagawin ko na. I'm doing this for you," I murmured. "Thank you sis! You're the best! She needs a decent girlfriend, hindi iyong random chicks na napupulot niya kung saan-saan at itatapon na lang kapag pinagsawaan. Kapag feel mo ng may gusto na siya sa iyo then that's the time that you will break his heart!" She grin. I think this is the only thing I can do to make her happy. To part of her plan and spoiled her. Besides, there would be no emotions involved in this plan, no love at all. All I need to is to pretend, stay with him, keep him busy and break his heart. Simple like that. Ito na rin siguro ang panahon para makabawi ako sa lahat ng naitulong sa akin ni Clare. It's time to give back. "Are you ready Kat?" Clare asked me. "I'm not, but I think I can do this!" I assured him with a smile. "Great! Here's the money. Bilhin mo ang lahat ng magustuhan mo. Isama mo na rin si Danny para sa pamimili ninyo. Hindi ako makakasama sa inyo dahil may date kami ni Tyler ngayon," she giggled. Ayos pala ang babaeng ito. Siya mag-eenjoy kasama jowa niya habang ako sumasakit ang ulo kakaisip sa gagawin ko mamaya. "Enjoy your date! Ako naman enjoy the hell," sarkastiko kong sabi. "Katrina naman," ani ni Clare. "Joke lang. Sige lang sis, ako na ang bahala," sabi ko na lang. Umalis na siya at iniwan na kaming dalawa ni Danny. Napabuntong hininga na lang ako. Pumasok na naman ako sa gulo. "Sigurado ka baks? Kaya mo? Eh hindi ba may something ka kay Max? I mean may feelings ka for him," nag-aalalang tanong sa akin ni bakla. Sa aming tatlo si Danny lang ang nakaka-alam na may gusto ako kay Maximiliam. Natatakot ako na sabihin kay Clare dahil baka magalit siya sa akin. "Ayos lang, w-wala naman na akong nararamdaman pa para sa kaniya," pagtanggi ko. "Lokohin mo na ang iba, huwag lang ako. Obvious naman girl! Huwag na i-deny." Tinawanan ko na lang siya. Inaya ko na siya sa mall para makapamili na kami. Simpleng dress lang ang pinili ko ayaw ko magsuot ng magarbo. Bahala na sa mangyayari mamaya. Subukan niya lang ako pahiyain hindi lang sapak ang matatamo niya sa akin. • • • "What do you want?" Max asked impatiently. "Just make sure that this isn't a waste of my time." Pinagmasdan ko siya ng maiigi at nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko pa ang plano namin. Parang napasubo ako dito ah. Paano ko ba ito sisimulan? Paano ko siya kukumbinsihin na may gusto ako sa kaniya? Lalo akong kinakabahan dahil nasa amin ang atensiyon ng lahat. "Kung hindi ka pa magsasalita diyan aalis na ako," malamig niyang sabi. Potek kung hindi lang dahil kay Clare hindi ko naman ito gagawin. "Wait!" Pigil ko sa kaniya. "I'm waiting." This is it Kat! Hingang malalim. "Aissshhhh! Listen to me. Alam ko na hindi ako ang tipo ng babae na gusto mo. Hindi ako maganda at lalong hindi rin naman ako sexy. Walang wala ako sa mga babae na kinakama mo," panimula ako. "Hinila mo lang ba ako dito para sumbatan?" Maangas na tanong niya. Eh kung konyatan ko kaya siya? "No! Puwede patapusin mo na muna ako?" Pigil na inis kong sabi sa kaniya. "Continue." "Gaya nga ng sabi ko sa iyo kanina. Simple lang ako. I'm plain and no charm at all. Pero may gusto sana akong itanong sa iyo ngayon..." Kumuha ako ng lakas ng loob bago ko sabihin ang mga bagay na magpapabago sa buhay ko. Sana ay tama lang itong ginagawa ko para na rin sa ikabubuti ng kaibigan ko na si Clare. "Maximiliam Zepanta, can I be your girlfriend?" I murmured timidly. Silence... Lahat ay tila nabigla sa aking sinabi at hindi sila nakapagsalita lahat. Tiningnan ko ang mukha niya. He was frowning. Galit ba siya? May nasabi ba akong masama? Lumapit siya sa akin at ako naman ay napa-atras. Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko. "Are you serious? Don't mess with me Katrina? How come you want me now? You are crazy!" Wala ng atrasan ito. Kapag binawi ko pa ang sinabi ko ay baka mapahiya lang ako. "I'm not kidding. Totoo ang sinabi ko. I... I l-like you. I want to be your girlfriend." Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata at pinagdadasal na sana ay hindi niya mahalata na nagsisinungaling lang ako sa kaniya. "Naniniwala na ako sa kasabihan na the more you hate, the more you love the person. Since we were both young, I have a feelings on you. What I just said was true." Hindi ako makapaniwala na sinasabi ko ito ngayon sa kaniya. Nakita kong ngumisi siya. Nakumbinsi ko na kaya siya? "You like me? So are you willing na mapasama sa mga laruan ko?" Nakakadiri ka talaga Maximiliam Zepanta!!! Sarap mong ipatapon sa Mars! I cleared my throat before answering. " Hindi ako ganung tipo ng babae. Hindi ako kaladkarin gaya ng mga babae mo," sagot ko sa kaniya. "You're right! You're boring!! At sa tingin mo ba papayag ako na maging girlfriend kita? Tingnan mo nga ang sarili mo. Hindi ka man lang marunong mag-ayos!" Pang-iinsulto niya sa akin. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa kaniya. He's unbelievable and egotistical jerk! "Tama ka. Gusto ko lang subukan, na baka puwede tayo. Ayaw mo bang maranasan na magka girlfriend ng matino?" Tumawa siya ng malakas at ang mga tao man ay sinabayan siya. My gosh! Akala ba nila madali itong ginagawa ko! "You're insane. Sa tingin mo ba talaga ay magugustuhan ko ang katulad mo? Hindi ako papatol sa gaya mo anak ng panadero. Anong gagawin mo sa akin? Lalamasin mo ang mga pera ko? Puwede ka naman manghingi na lang hindi iyong huhuthutan mo ako!" Ang mga salita niya ay parang matalim na espada na tumarak sa aking puso. Sobra na siya. Ayos lang sa akin kung ako lang ang yuyurakan niya. Pero dinamay na niya ang mga magulang ko. Hindi na siya tao. Demonyo na siya. Halimaw! Kampon ni satanas! "Ito ang itatak mo sa isipan mo! Hinding hindi ako magkakagusto sa isang tulad mo! Get out of my sight!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD