Episode 3

1345 Words
"What are you doing here?" Magkasabay naming tanong sa isa't-isa. "Ano ba ang ginagawa ng isang Maximiliam sa isang salon na gaya nito?" Pagtatanong kong muli sa kaniya. "Well I'm here together with my girl. She's over there." Itinuro niya ang babaeng nakatayo at magpapa-ayos pa lamang ng kaniyang buhok. Iyon pala ang bago niya. Tinignan ko ang babae mula ulo hanggang paa. Masasabi kong mas maganda naman ang kaibigan ko kung ikukumpara sa hindot na ito. Mali pala, mas maganda pala ako. Sexy nga siya pero chaka face naman. Kumbaga sa hipon, tapon ulo. "The hell I care? Umamin ka nga sa akin. Ikaw ba ang may ari ng kotse sa labas?" Nanggagaliiti kong tanong sa kaniya. Malaman ko lang na siya ang may ari noon lagot siya sa akin. Lintik lang ang walang ganti. "Oh yes! Sa akin ang kotse na iyon. May problema ba?" Maangas niyang tanong sa akin. "Look at me. Tingnan mo ang itsura ko." Tumingin naman siya sa akin at sinuri ako. "Oh! So ikaw pala iyong girl na talak ng talak kanina doon sa kalsada? What happened to you? Bakit puro ka putik? Nakipaghabulan ka ba sa baboy?" Natatawa niyang tanong. "Aba sumosobra ka na ahh!!" Susugurin ko na sana siya pero pinigilan ako ni baks. Kung walang pumigil sa akin nakatikim na siya sa akin. Pinapainit niya ang dugo ko! "Kalma ka lang bes. Remember hindi lang tayo ang tao ditey!" "Paano ako kakalma kung ganitong makapal ang mukha ang nasa harapan ko!?" Gigil kong sabi. "And what's wrong with that? At least I'm handsome," he murmured. "Handsome? Nasaan? Hindi ko makita. Kahit gumamit pa si Dora ng mapa hindi makikita iyang sinasabi mo!!!" "Chill. Ano bang ginawa ko sa iyo at galit na galit ka sa akin?" Taas kilay niyang tanong. "Hindi mo talaga alam?" Kunot noo kong tanong sa kaniya. "Magtatanong ba ako sa iyo kung alam ko ang sagot?" "Umayos kang pilosopo ka kung ayaw mong pasabugin ko nguso mo. For your information! Muntik mo na akong hagipin sa kalsada. Nalaglag ang paninda kong cupcakes kaya wala akong benta ngayon! At ikaw rin ang dahilan kung bakit ako nadapa sa putikan at nagkasugat!!!" Galit na galit kong paliwanag sa kaniya pero parang wala lang ang mga sinabi ko para sa kaniya. Lalo tuloy akong nainis sa lokong ito. Tataas ata ang presyon ko dahil sa lalakeng ito. "Babe, anong meron diyan?" Maarteng tanong nung babae na kasama niya. Babe ampotek. Nagtataka ako kung bakit siya pa napili ng ungas na ito. Hindi ko inasahan na panget na pala ang taste niya. "Wala babe! Sige lang magpa-ayos ka lang diyan. I can handle this," sigaw ni Maximiliam. Napa-irap na lang ako sa kalandian ng dalawa. Wala man lang pasintabi. Harap-harapan talaga? Napaatras ako nang naglakad siya papalapit sa akin. Pinigil naman ako ni Danny sa aking likuran kaya naman napatigil ako sa pag-atras. Nang makarating siya sa aking harapan ay tinapat niya ang kaniyanhg mukha sa akin. Amoy na amoy ko ang kabanguhan niya. Nakaka-adik ang amoy niya. Napa-iwas ako ng tingin sa kaniya dahil pakiramdam ko ay namumula na ang pisngi ko. Nasaan ang tapang mo Katrina? Bakit biglang nawala? Huwag kang papa-apekto sa lalake na nasa harap mo. Play boy yan! Babaero! "Anong gusto mong gawin ko? Marami akong pera dito. Kung gusto mo ibibigay ko na sa iyo lahat. Kung kulang pa sabihan mo lang ako," bulong niya sa akin. Hindi ko napigilan ang aking sarili at nasampal ko siya ng malakas. Anong akala niya sa akin madadaan sa kayamanan niya? Napahawak siya sa kaniyang pisngi at sinamaan ako ng tingin. Tapos siya pa ang may ganang magalit sa akin ngayon. "Bakit? Pasalamat ka inaalok kita ng pera," nakangisi niyang sabi. Nakatanggap siya muli ng malakas na sampal sa akin pero sa kabila naman para mapantay ang pamumula. Sayang naman kung isa lang. Sulitin ko na. "Iyan na ba ang tingin mo sa akin? Porket umangat ka ang baba na ng tingin mo sa akin. Hindi ako mukhang pera gaya ng mga babae mo. Gold digger! Ibahin mo ako sa kanila. Ayusin mo ang tabas ng dila mo. Mukhang nadepektuhan na dahil kung kani-kaninong laway ang humahalo! Ipatingin mo na sa doktor bago pa lumala iyan. Sa iyo na ang pera mo! Isaksak mo sa bunbunan mo! Aanhin ko ang pera na mula sa masamang d**o!?" Mariin na sigaw ko sa kaniya. Umalis na ako sa harapan niya at nagtungo sa comfort room. Huwag na huwag niya akong kalalabanin. Hindi ako magpapatalo. Alukin man niya ako ng malaking halaga hindi niya ako mapapasubo. "Bes!!! Saglit!" Tawag sa akin ng kaibigan ko. "Huwag kang susunod!" Banta ko sa kaniya. Pagkapasok ko sa banyo ay naghilamos ako agad. Nang mapatingin ako sa salamin ay kusang nalaglag ang luha sa aking mata. Ang sakit naman kasi ng mga sinabi niya. Parang hindi na siya si Maximiliam na nakilala ko noong mga bata pa kami. Ang laki ng pinagbago niya. Pati ulo niya nasobrahan na ata sa paglaki. Hindi man lang niya inisip ang mararamdam ko sa sinabi niya. Alam kong mahirap lang ako pero hindi naman ako makapapayag na apakan niya ang pagkatao ko. Iba na siya. Nagbago na ang lahat sa kaniya. Hindi ko na siya kilala. Pero bakit kahit na ganoon siya ay bakit gusto ko pa rin siya? Nakakainis naman! Bakit kasi naging ganoon ang ugali niya!? Nilinis ko na ang ang aking sarili. Tinanggal ko ang aking damit na puno ng putik. Buti na lamang ay nakasando ako palagi. Paika-ika akong lumabas sa loob ng banyo at nagtungo sa counter at doon ako naupo. Naroon pa rin si Max at naka-upo na habang nagbabasa ng diyaryo. Hindi ko na lang siya pinansin dahil baka lalong ma stress ang brain cells ko. Huwag ko na lang sayangin para sa kaniya. "Ayos ka lang ba bes? Gusto mo pumunta na tayo kay Clare?" Tanong ni bakla sa gilid ko. "Ayos lang ako. Kaya ko naman makisama. Hindi ko na lang sila papansinin. Pagkatapos ng trabaho mo saka na lang tayo pumunta sa kanila," sagot ko sa kaniya. "Sigurado ka sis? Baka kasi may warla na naman na mamuo sa inyong dalawa." "Ako na lang ang lalayo kung ganun. Don't worry, mananahimik na lang ako. Pasensiya nga pala sa gulo na ginawa ko kanina. Hindi na kasi ako nakapag pigil. Para akong bulkan na sumabog," paghingi ko ng paumanhin sa kaniya. "Oksi lang iyon sis. May free cinema silang napanood. And the best actress award goes to Katrina Maglalang, hindi kinakalawang. Pero seryoso sis. Hanga ako sa iyo sa ginawa mo. Fight lang kung fight. Lavarn!" Aniya. "Loka-loka ka talaga. Huwag na nga natin pag-usapan iyon. Sumasakit ang bangs ko. Nakakaloka bakla!" Sabi ko sabay hawi sa aking bangs kahit wala ako nito. "Pakak! Sige lang bakla, baka tumanda ka bigla," biro niya. Napa-iling na lang ako sa kalokohan naming dalawa. Napatingin ako sa babae na kasama ni Max at laking gulat ko ng irapan ako ng hipon. Hindi man lang ako na-inform na umiirap na pala ang mga hipon ngayon. Nagpapaganda pa sa salon kahit wala ng pag-asa. Iba na talaga ang panahon ngayon pakalat-kalat na lang ang mga exotic na nilalang. Inirapan ko rin siya at binelatan. Akala niya ganda siya. Asa siya, kahit mukha ng aso aayaw sa kaniya. "Baks, nakatitig sa iyo si papi Maximiliam oh. Tinatawanan ka," bulong sa akin ni Danny. Napatingin ako sa loko at tumatawa nga siya. Nakuha pa niya akong pagtawanan. Sinamaan ko siya ng tingin pero kindat ang binalik niya sa akin. "Pigilan mo ako baks, naiinis na naman ako," mariin kong sabi pero mahina lang. Sakto lang para marinig ni bakla. "Hindi kita pipigilan sister. Kahit maglampungan pa kayo riyan sa gitna, baka matuwa pa kami at ang mga customer dahil may dalawang tao na parang may LQ," hagikgik ni baks sa aking gilid. Wala na akong nagawa kung 'di ang pigilin ang aking sarili. Iniisip ko kasi ang sinabi ni Danny na para kaming may LQ. In my dreams, malabong mangyari iyon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD