Kabanata 10

1574 Words
Kinabukasan ay tila naghahanda na sila. Busy si Lazarus at Leonidas. Nakatingin lang ako sa langit at bilog na bilog ang buwan. Rinig na rinig ko rin ang balita sa radyo tungkol sa paparating na eklipse bukas. “Sumama ka sa ‘kin.” Napalingon ako at nakita si Lazarus. Hinawakan niya ako at kinarga. Ilang sandali pa ay parang biglang bumilis ang lahat. Huminto kami sa isang malaking talon. Kaagad na napapikit ako at sobrang tuwa ng puso ko. Pakiramdam ko ay kaisa ko ang kalikasan. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganito ka kalmang paligid. Tiningnan ko si Lazarus na nakatayo lang sa itaas ng bato habang nakatingin sa akin. Lumusong ako sa tubig at parang may kung anong gumagamot sa kabuoan ko. Tiningnan ko si Lazarus at wala na siya roon. Kaagad na sinugod naman ako ng kaba. Tiningnan ko ang paligid at wala talaga siya. “L-Lazarus?” tawag ko sa kaniya. Napalunok ako at akmang aahon na nang may humila sa paa ko. Sa sobrang gulat ko ay kamuntik na akong mawalan ng hangin. “Hey!” ani Lazarus at tinulungan akong makaahon. Kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. “What happened?” tanong niya. “M-May humila sa paa ko,” sagot ko. Kumunot naman ang kaniyang noo at biglang sumeryoso ang tabas ng mukha. “Magpakita ka,” aniya. Walang lumabas. Nagulat ako nang biglang hindi na gumagalaw ang tubig. Napatingin ako kay Lazarus na nakatingin lang sa paligid. Ilang saglit lang ay lumabas ang isang babaeng maganda. Kaagad na nahirapan itong huminga nang itaas ni Lazarus ang kamay niya. Tila minamanipula niya ang paligid. Kaya niyang kontrolin ang ano mang nasa paligid niya. Napalunok ako. “What do you think you’re doing?” ani Lazarus dito. “P-Patawarin mo ako, gusto ko lang ng kalaro,” sagot nito at tila mawawalan na ng buhay. “Lazarus tama na,” sabat ko. Kaagad na nag-abot ang kaniyang kilay. “She almost killed you. She deserves to die,” wika niya. Umiling naman ako. “Please,” mahina kong sambit. Kaagad na huminga naman siya nang malalim at bumalik na sa normal ang lahat. Nawala na rin ang babae. Tiningnan niya ako at hinubad ang sout niyang jacket t’saka ibinigay sa ‘kin. “Pasensiya ka na hindi na ako nagdalawang-isip na tumalon. Sobrang ganda ng tubig,” saad ko. Naglakad na rin kami pabalik. “It’s fine,” sagot niya. Napatingin ako sa langit at makulimlim. Malaya siyang nakakalakad sa ilalim ng ganitong panahon. “Ano ba ang mangyayari bukas?” usisa ko. “Blood moon, iyan lang ang pagkakataong lumalabas kaming lahat. Lahat ng kampon ng demonyo para gawin ang mga bagay na gusto naming gawin. Kailangan kong magkulong ulit sa basement para mapigilan ang sarili kong gumawa ng hindi maganda,” sagot niya. “P-Paano kung makaalis ka sa kulungan mo?” tanong ko pa. “I will be drowned in hunger. Kahit sino wala akong sasantuhin. Maraming inosenteng tao ang mamamatay. Lalo akong mauuhaw sa dugo na sobrang tagal ko ng iniiwasan,” aniya. “Ang sabi nu’ng matanda ay hindi sasapat ang dugo ng usa para mapanatili ang kapangyarihan mo. Kailangan mo ng dugo ng tao,” wika ko. “Tama ‘yon, at wala akong planong gawin iyon. Maliban na lang kung kinakailangan na. Kung kailangan kong uminom ulit nu’n para maging malakas paniguradong gagawin ko lang iyon para maprotektahan ka,” saad niya. Parang may kung anong humaplos naman sa puso ko sa narinig. “Bakit hindi kita maalala? Paano kung magkaiba kami ni, Leandra? Paano kung hindi ako si Leandra? Paano kung kamukha ko lang siya?” tanong ko sa kaniya.Hindi naman siya umimik. “Paano kung isang araw biglang makita mo na siya? Paano kung hindi naman talaga ako isang reincarnation? Paano kung ito ang una kong buhay?” dagdag ko pa. Hindi pa rin siya umiimik. “Pagsisisihan mo lang na inubos mo ang oras at panahon sa ‘kin kung hindi naman talaga ako si Leandra—ang babaeng mahal mo,” giit ko. Tiningnan naman niya ako. “Then maybe this is my fate after all. Baka nga hindi ikaw si Leandra dahil imposibleng hindi mo ako makilala kahit kaunti. Pero ano ang magagawa ko? Hindi ko na kayang lumayo pa sa ‘yo Carmilla. Bawat kaugatan ko ay konektado na sa ‘yo. Alam ko sa sarili ko na hindi ko na kayang maghintay pa ng ilang daang taon ulit para lang makasama ka. Kung hindi si Leandra ang para sa akin ay wala akong pakialam. Hindi ‘to mangyayari kung hindi nakatadhanang maglapit ang landas natin. Handa mo bang tanggapin ang isang tulad ko? Isa akong halimaw. Sugo ng demonyo at kahit pagbabaliktarin pa ang mundo ay walang sapat na dahilan para mahalin ako. Dahil hindi ako kamahal-mahal,” sambit niya. Ako naman ngayon ang natigilan. “P-Posible bang mahalin ka sa unang pagkikita?” tanong ko sa kaniya. Napakurap-kurap naman siya at natawa. “Umuwi na tayo,” aniya at hinawakan ang aking mukha. Tiningnan ko siya at napangiti nang tipid. Wala akong karanasan sa pag-ibig. Pero mali ba kung sa unang pagkakataon ay iibig ako sa isang bampira? Pero kung tutuosin ay mas halimaw pa ang ugali ng tao kaysa kanila. Pagdating namin sa mansion ay kaagad na nilapitan ako ni Aling Rosalita para kumain. Umalis na rin si Lazarus at may aasikasuhin pa. “Mukhang nagkakamabutihan na kayo ah,” nakangiting saad niya. Kaagad na umiling naman ako. “Naku! Hindi po,” wika ko. Ngumiti naman siya. “Bakit? Hindi ka ba nakaranas ng pag-big? Wala ka bang nagugustuhan? Siguro naman ay may nagkakagusto sa ‘yo dahil sobrang ganda mo,” aniya. Naisip ko naman si Senyorito Anton. “May nagsabi po sa ‘kin pero hindi ko po pinapansin kasi maldita ang kapatid niya. Isa pa, malayo ang agwat namin sa buhay. Hindi ako nababagay sa kaniya,” sagot ko. “Iyon ba iyong anak ng amo mo? Minsan ko na ring nakita ang anak niyang babae nagpapakabit ng pekeng kuko sa tindahan ng intsek. Kadalasan ang pumupunta roon ay mga nakakataas at may sabi sa lipunan,” wika niya. “Opo, mahilig iyon sa kukong mataas at pulang-pula,” sagot ko. Tumango-tango naman siya. “Malapit na kaibigan ni, Lazarus ang kapatid nu’n dahil sa negosyo.” “Iyon nga po ang alam ko.” “Pero hindi naman talaga pumunta roon si Lazarus para makipag-usap sa kanila. Pinuntahan ka dahil alam niyang nandoon ka. Hindi mapakali kaya gumawa na ng paraan. Hindi na nakayanang magpakita sa ’yo sa panaginip. Sabik na sabik na ring makita ka,” aniya. “Aling Rosalita, posible bang si Leandra at ako ay magkaiba?” mahinahon kong tanong. Kinakabahan ako sa sagot niya. “Marahil ay pareha ang kapalaran niyo, pero posibleng ding hindi ikaw siya,” sagot niya. Parang nilalakumos naman ang puso ko sa sakit. “Paano kung bumalik siya? P-Paano kung hindi na ako kailangan ni, Lazarus?” tanong ko pa. Tiningnan naman niya ako. “Ang alam ko ay hindi bampira si Leandra kaya imposibleng babalik siya. Nagpakamatay siya nu’ng hindi siya nabalikan ni, Lazarus. Wala kaming alam kung saan. Kamukha mo siya at baka nga ikaw ang reinkarnasiyon niya. Pero nakakapagtaka lang kung bakit kahit ni katiting ay hindi naging pamilyar sa ‘yo si Lazarus,” sagot niya. “Masasagot lang ang mga tanong mo kapag nakapunta na tayo kay Apo Juanita. May kakayahan siyang alamin ang nakaraan mo at ang iyong pagkakakilanlan,” saad niya. Tumango naman ako. “S-Si Lola Pasing, wala ba siyang nababanggit sa inyo tungkol sa ‘kin?” usisa ko. Huminga siya nang malalim. “Ang lola mo ay may isang salita. Kung ano ang pinanumpaan niya, iyon ang susundin niya. Hindi siya bumibitiw sa usapan kahit pa mawala na ang taong kausap niya. May alam siya tungkol sa ‘yo Carmilla, dahil sa kaniya ka ibinilin. Pero hindi niya sinasabi kung ano ang tunay mong pagkatao. Kaibigan niya ang ina mo, kaya silang dalawa lang ang nakakaalam ng totoo,” sagot niya. “Malihim po talaga si lola,” wika ko. “Totoo iyan, sige na kumain ka na. Balang araw mabibigyan na rin ng sagot ang mga katanungan mo.” Ngumiti lamang ako nang tipid. Kumain na kami at pagkatapos ay nagligpit na ako. Pagkatapos ay nakatingin lang ako sa malaking portrait sa sala. Nakatitig lang ako roon pero ni isa ay wala akong maramdaman. Naglakad na ako papuntang second floor at natigilan nang makita ang isang pinta ng talon sa hallway. Lumapit ako roon at parang hinihikayat akong titigan iyon. Napakunot ang aking noo nang makita ang mukha ng babae. Ako iyon. Napahawak ako sa medalyong suot ko nang biglang umilaw iyon. Nanginginig ang kamay na ibinalik ko iyon. “Ang ganda ‘di ba? Obra iyan ng isang diwatang kaibigan ng pamilya namin. Kaso nawala na lang bigla.” Napalingon ako at nakita si Leonidas. Tumayo siya sa tabi ko at namulsa habang nakatingin sa painting. “Sino siya?” usisa ko. “Sino?” “Ang babae sa painting,” sagot ko. Tumawa naman siya. “Siguro napagod ka sa lakad niyo ni, Lazarus kanina. Walang babae sa painting at talon lang iyan. Magpahinga ka na, at kailangan na rin naming magkulong,” aniya. Naiwan naman akong hindi makaimik. Sigurado akong may babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD