Palabas na ako ng kusina nang makita ko si Lazarus na papunta sa ‘kin. Kunot na kunot ang noo niya.
“Bakit? May problema ba?” tanong ko.
“Magbihis ka, may hinanda akong damit sa kuwarto mo. They’ll be here in a minute,” wika niya. Seryoso ang mukha niya kaya tumango na lamang ako at hindi na nakipag-argumento pa. Pagpasok ko sa kuwarto ay nakita ko ang sweatshirt na parang turtle neck pa yata. Kinuha ko iyon at turtle neck nga. Isinuot ko na lang iyon at malamig naman dito sa mansion niya.
Pagkatapos kong magbihis ay umalis na ako nang makita ko ang babaeng nakatalikod sa bandang bintana. Kaagad na nagsitaasan ang balahibo ko sa aking braso.
“S-Sino ka?” Kinakabahang nilapitan ko siya. Pagharap niya ay napatigagal ako. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Ang laki ng bibig niya at dilat na dilat ang mata habang nakangisi sa ‘kin. Napaatras ako at hindi makasigaw.
Ilang saglit lang ay nasa harapan ko na siya. Nakatitig siya nang mariin. Napapikit ako nang mariin nang maramdaman ang buhok niyang tila pumapasok sa ilong at taenga ko. Hindi ako makahinga. Ibinuka ko ang aking mata at lalong lumapad ang ngisi niya na kitang-kita ko ang kabuuan ng kaniyang bibig. Ang taas ng kaniyang dila.
Ang takot ko ay walang pagsisidlan. Sinubukan kong gumalaw subalit hindi ko maigalaw ang aking katawan.
“T-Tulong,” mahina kong wika at ramdam ko na parang puputok na ang ugat ko sa aking ulo dahil hindi ako makahinga. Hindi ko alam kung ano ang gagawin.
Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto at mabilis na nahawakan ni Leonidas ang leeg ng babae at tila gulat na gulat pa ito. Hindi ito nakaiwas pa nang biglang dinukot nito ang ulo niya at basta na lang iyong hinila. Napanganga ako sa nakita. Ilang sandali nga ay nawala ito na parang usok.
Nahigit ko ang aking hininga at napaupo sa sahig. Napaubo pa ako dahil sa nahihirapan akong huminga.
“Okay ka lang?” usisa niya. Umubo pa ako nang ilang segundo bago naging pantay ang aking paghinga. Napatingin ako sa baba at huminga nang malalim.
“S-Salamat,” sagot ko. Tiningnan niya lang naman ako.
“Ang buong akala ko walang makakapanakit sa ‘kin dito, pero bakit nandiyan pa rin sila?” tanong ko.
“Sugo iyon ng ibang angkan namin. Hayaan mo at may paglalagyan sila. Tara na, hinihintay ka na ni, Lazarus,” wika niya. Tiningala ko naman siya at napatango.
Pagbaba nga namin ng hagdan ay kaagad na natigilan ako nang nakatingin silang lahat sa ‘kin. Tila handa na akong sunggaban. Kaagad na hindi ako makagalaw. Ang tatapang ng mukha nila at ang tatalas ng pangil.
Akmang lalapit pa ang isa sa akin nang mabilis na pumaitaas ito at biglang bumagsak sa sahig. Napapikit ako nang mabiyak ang sahig at kalahati ng katawan nito ay bumaon. Mabangis ang mukha nilang napatingin sa kasamahan nilang hindi makabangon sa ilalim. Sirang-sira na ang marmol na sahig. Hindi ako makapagsalita sa labis na pagkagulat.
“Lumapit ka kay, Lazarus,” utos ni Leonidas sa ‘kin. Mabilis na lumapit naman ako at tumayo sa likuran niya.
“Huwag niyo ng hintaying gawin ko rin ‘yan sa inyo. Lay a finger and you’ll be sorry,” malamig niyang sambit.
“Lazarus, ibigay mo na siya sa amin. Kapag nalaman ito ng mga head ng angkan natin paniguradong hinding-hindi mo na siya mapapakinabangan. Sige na ibigay mo na siya sa amin. Langhap na langhap ko ang matamis at mabangong halimuyak ng dugo niya. Espesyal ka, isa kang alay,” wika nu’ng isa.
Nahintakutan ako sa sinabi niya.
“Alam naming naaamoy mo rin ang dugo niya. Huwag mo kaming pagdamutan. Puwede naman natin siyang pagsaluhan. Kahit isang patak lang,” saad nu’ng isa. Napatingin ako kay Aling Rosalita na tahimik lang sa isang gilid.
Biglang humangin at doon na kami nagkagulo. Napatingin ako kay Lazarus at gumagalaw ang panga niya. Tila pinipigilan ang sariling maging katulad sa mga kaharap niya. Sa isang iglap ay sumugod na sila sa ‘kin.
“Leonidas!” sigaw ni Lazarus at gulat pa ako nang kargahin niya ako. Ilang segundo lang ay nasa itaas na kami at nakatingin sa mga iilang angkan niya na ngayon ay bali-bali ang mga leeg at inisa-isang patayin ni Leonidas. Napapikit ako nang marinig ang huling sigaw nila. Binuksan ni Aling Rosalita ang malaking kurtina at kaagad na tinamaan ang mga ito ng malakas na sinag ng araw. Ilang saglit lang ay natunaw at tanging itim na usok na lang ang nakikita ko. Isinara niya iyon ulit at bumaba na kami.
“Nandito na sila,” seryosong sambit ni Aling Rosalita. Hindi ko naman alam kung ano ang tinutukoy niya. Hinapit ako ni Lazarus at sa sobrang bilis ng pangyayari ay nasa baba na kami.
“Relax, just be calm. Walang mananakit sa ‘yo. Hangga’t maaari ay huwag kang sumagot sa mga tanong nila,” aniya. Nag-aabot naman ang tingin namin kaya napatigagal ako. Naliliyo na naman ako sa mata niya. Ang titig niyang iyon ay tila tagos hanggang kaluluwa ko.
Tumango ako nang mahina. Bumukas ang pinto at limang taong nakasuot ng kapa ang pumasok. Ang puti-puti nila. Bagamat may katandaan ay halata naman ang makapangyarihang awra nila. Kaagad na yumuko naman si Leonidas at Aling Rosalita sa mga ito. Mahahaba ang buhok nila pero halatang sa isang pagkakamali mo lang paniguradong tapos ka.
Hindi ako makagalaw nang lumapit sa amin ang lalaki. Hindi sya masiyadong matanda at sa tingin ko ay nasa kuwarenta pa siya. Napatago ako sa likod ni Lazarus nang titigan niya ako.
“Siya nga,” wika nito at nginitian nang nakakaloko si Lazarus.
“Paano mo siya natagpuan?” usisa nito sa kaniya.
“Peter,” saad ni Lazarus subalit hindi siya nakapagsalita pa dahil itinaas ng lalaki ang hintuturo niya para patahimikin si Lazarus.
“Hija, natatakot ka ba?” tanong nito. Hindi naman ako sumagot.
“Alam ko kung ano ang pinagdaanan mo. Matutulungan kita sa pag-alam ng kinabukasan mo basta sumama ka lang sa ‘kin. Gusto mo bang buhayin natin ang pinakamamahal mong si Pasing?” anito.
“Don’t listen to him,” sabat ni Lazarus. Tiningnan ko naman siya.
“K-Kilala mo ang lola ko?” usisa ko sa kaniya. Ngumisi naman ito.
“Of course! Nasa ibang dimensiyon na siya. Puwede ko siyang kunin para magkasama na kayo ulit basta sa isnag kondisyon ay sumama ka sa ‘kin. Gagawin kitang reyna sa kaharian ko,” anito at ngumisi.
Kaagad na nagsitaasan ang balahibo ko sa aking braso. Iba ang sinasabi ng mga mata niya. Nakakatakot ang ngisi niya.
“Peter, huwag mong takutin,” sabat nu’ng isa. Napasiksik ako sa likuran ni Lazarus nang hawakan niya ang buhok ko. Hinawakan ko ang medalyong suot ko at inilabas iyon sa aking leeg. Mabilis na umiwas siya ng tingin sa akin at bumalik sa mga kasama niya.
“Bloody hell!” aniya at kunot na kunot ang noo habang nakatingin sa ‘kin. Ngumisi naman si Lazarus at umupo na. Tumabi rin ako sa kaniya at seryoso lamang sila.
“Lazarus, pagpasensiyahan mo na ang kagaspangan ni, Peter. Isipin mo na lang na hindi iyon nangyari. Dalhin mo siya sa konseho at hayaan na nating kaming lahat ang magdesisyon para sa mas makabubuti sa kaniya. Kailangan niyang sumama sa ‘min. Kung hindi ka papayag ay mapipilitan kaming pilitin ka.”
“How dare you, Josefa? Miyembro ka ng council pero wala kang karaparang diktahan ang mga desisyon ng purong bampira. Higit na mas malakas at wala kang binatbat sa kaniya. Baka naakalimutan mong head ng Moriarty Clan ang kapatid ko. Kung iisipin ay may paglalagyan ka sa mga ginagawa mo ngayon. Kayong lahat wala kayong karapatang pangunahan kung ano man ang gagawin niya!”
“Leonidas! Huwag mong kakalimutang higit na ipinagbabawal na magtago ng tao. Dalawa ang mayroon kayo at malaking opensa ito sa batas ng konseho ng mga bampira,” wika nung isa.
“Matuto kang gumalang kung nasaan ka, Delo. Hindi mo ka-level ang kausap mo,” mahinang wika ni Leonidas.
“Subukan niyong kunin sa ‘kin, kung kaya niyo. Huwag mo akong pangaralan tungkol sa batas nating mga bampira dahil alam kong ikaw ang may pakana sa mga karumal-dumal na nangyayari sa mundo ng mga tao,” sabat ni Lazarus.
“Mabigat ang paratang na ‘yan Lazarus,” natatawang saad nu’ng Delo. Sa isang kisap-mata ay hawak na ni Lazarus ang ulo nito at mariing tinitingnan ang nagpapasag na lalaki.
“Baka makalimutan mo, kaya pinapaalala ko lang,” sambit niya at nginisihan ito. Kaagad na natahimik naman ito pagkatapos.
“Huwag niyong gamitin sa ‘king panakot ang mga bagay na walang kuwenta sa ‘kin. Ang babaeng ‘to ay si Carmilla. Sa akin siya at kung sino man ang suusbok na kunin siya ay dadaan sa ‘kin. Kahit pa sa dulo ng impiyerno ay hindi ako aatras,” matigas niyang wika.
“Kumalma kayo, humingi kayo ng dispensa,” sabat nu’ng isa. Kaagad na sumunod naman ang mga ito.
“Pagpasensiyahan mo na sila, Lazarus,” saad ng babaeng tila kaedad lang ni Lazarus. Nakatitig ito sa kaniya. Nakikita kong kakaiba ang tingin niya para sa lalaki. Kumunot naman ang aking noo. Nilapitan niya ako at hinawakan ang aking kamay. Kumunot ang noo niya nang bigla niya akong binitiwan.
“You left a mark on her? You marked her already?” asik nito kay Lazarus. Kita ko naman ang gulat sa mukha nu’ng apat.
“Kahit noong buhay pa ako ay ginawa ko na ang lahat para sa ‘yo Lazarus. Dahil umaasa akong piliin mo ako. Pero bakit hanggang ngayon ay hindi ako? Ilang araw mo lang siyang nakilala bakit mo siya minarkahan kaagad? Ilang libong taon pa ba ang kailangan kong hintayin para piliin mo ako?” tanong nito.
Ramdam ko ang galit sa boses niya. Tinitigan naman siya nang mariin ni Lazarus.
“Mind your tone,” wika niya. Natawa naman nang pagak ang babae at tiningnan ako nang masama.
“He already marked her, wala na tayong magagawa. Let the council handle this,” aniya at naunang umalis. Sumunod naman ang tatlong lalaki at naiwan ang pinakamatanda. Babae iyon at nilapitan ako.
Natigilan naman ako nang hawakan niya ang mukha ko.
“Humahalimuyak ka dahil hindi ka tao,” aniya. Kumunot naman ang aking noo.
“A-Ano po ang ibig niyong sabihin?”
Mariing tiningnan niya si Lazarus.
“Dalhin mo siya sa isang ermitanya. Matutulungan mo ang batang ito kilalanin ang sarili niya. Iba siya, Lazarus. At dapat lang na nasa tabi mo siya. Nakikita ko ang pulang sinulid na nakagapos sa inyong dalawa. Ilang daang taon din bago siya nabuhay ulit. Sa pagkakataong ‘to, protektahan mo siya. Hindi sasapat ang pag-inom ng dugo ng usa para labanan ang kung sino mang lalapit sa inyo. Bilisan niyo lang at papalapit na ang eklipse. Malapit na malapit na at alam mo kung ano ang mayroon sa oras na ‘yon,” sambit nito bago umalis.
Hindi naman ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
“Ano ang nangyayari?” tanong ko sa kanilang tatlo. Ni isa ay wala ring sumagot sa akin.
“Baka tama nga ang sinasabi ni, Aduray kailangan mo siyang dalhin kay, Apo Juanita,” wika ni Aling Rosalita.
“Baka may maibigay siyang sagot,” dagdag pa nito.
“Hindi puwede sa ngayon at papalapit na ang eclipse. Mahihirapan tayo,” sabat ni Leonidas.
“Padaanan na muna natin ang eclipse, pagkatapos ay t’saka tayo gumawa ng aksiyon,” sambit ni Lazarus. Tumango naman sila.
Bandang hapon ay nakatingin lang ako sa mga bulaklak sa labas ng mansion. Mukhang uulan pa yata dahil sa dilim ng ulap. Nagulat ako nang may pumasok na malaking truck at karga nu’n ang malalaking kadena. Sobrang laki na sa tingin ko ay kahit isa noon ay hindi ko kakayaning buhatin.
Napatingin ako kay Aling Rosalita nang lapitan niya ako.
“Bakit po may ganiyan? Hindi po ba sila mahihirapan ni, Leonidas at Lazarus na dalhin ‘yan sa loob?” usia ko. Tumawa naman si Aling Rosalita.
“Carmilla, hindi tao ang mga tinutukoy mo. Iba ang lakas nila sa lakas na mayroon ang pangkaraniwan,” sagot niya. Umalis na ang truck at nagulat ako nang bitbitin iyon ni Leonidas papasok. Parang wala lang iyon sa kaniya. Tila papel lang ang hawak niya. Napasinghap tuloy ako.
“Ano po ang gagawin nila?” tanong ko.
“Sa pagdating ng lunar eklipse o blood moon ay kailangan nilang magkulong sa basement. Hindi sila puwedeng lumabas doon hangga’t hindi natatapos. Dahil mababaliw sila sa labis na pagkauhaw. Malalagay sa alanganin ang sangkatauhan. Ang magkapatid na iyan ay hindi umaasa sa tao. Matagal na panahon na rin na pilit tinitikis ang uhaw na nararamdaman. Paniguradong kailangan mo ring magkulong sa kuwarto mo dahil iyon din ang panahon na mas hahalimuyak ka, Carmilla,” sagot niya.
Napalunok naman ako.
“K-Kailan po iyon?”
“Sa susunod na araw. Biyernes at alas-tres ng hapon. Sandaling oras lang iyon at aabutin ng sampung minuto. Pero kapalit nu’n ay ang buhay ng mga taong walang kaide-ideya sa nangyayari sa paligid nila. Huwag ka ng magtaka kung may mabalitaan kang namatay at nawala dahil paniguradong sinugod na sila ng mga halimaw,” sagot niya.
Kaagad na nabuhay ang galit sa puso ko.
“Kawawa tayong mga tao. Wala tayong laban sa kanila at lalong walang alam sa totoong nangyayari sa mundo,” sambit ko.
“Alam mo ba kung sino ang mas kawawa, Carmilla? Ang mga taong kinalimutan na ang bilin ng ating mga ninuno. Wala silang kalam-alam sa mga nangyayari. Mga taong mas piniling mamuhay sa kasalukuyan kaysa alamin ang mga kababalaghan dahil sa rasong sa nakaraan na iyon. Hindi nila naiintindihan Carmilla. Ang mga bagay lang sa mundo natin ang nagbabago, pero sila nandiyan pa rin. Nakakasama natin nang hindi natin nalalaman. Tayong mga lumaki sa probinsiya may mga paniniwala tayong hanggang ngayon ay ating sinusunod. Naniniwala tayo sa mga hindi pangkaraniwan. Alam natin na sa mundong ‘to hindi lang tayo ang namumuhay. May mga nilalang na hindi nakikita ng ating mga mata. Kawawa tayong mga tao dahil hindi lahat ay may kakayahang makita ang kabilang banda ng mundong ‘to,” saad niya.
Nahintakutan naman ako.
“Maswerte tayo at kahit papaano ay napalibutan tayo ng mga nilalang na hindi tayo pinapabayaan,” saad niya.
“Diyos ang panlaban ko sa lahat,” sagot ko.
“Wala akong karapatang kuwestiyunin ang paniniwala mo, Carmilla,” aniya. Kumunot naman ang aking noo.
“Hindi ka po naniniwala sa Panginoon?” takang tanong ko sa kaniya. Tiningnan niya ako tapos sa langit. Huminga siya nang malalim.
“Lumaki akong parte ng isang kulto. Iba ang paniniwala namin Carmilla. Hindi Diyos na sinasamba mo ang sinasamba ko noon. Dahil sa lola mo kaya nakaalis ako sa pinanggalingan ko. Siya rin ang nagpakilala sa akin ng Diyos mo. Naniniwala akong sa mundong ito, walang sino man ang mas nakahihigit sa kaniya. Tingnan mo ang mundo, damdamin mo. Ang bigat, ang dilim, at ang kasamaang bumbalot dito ay lalong lumalaganap. Hindi ko na alam kung ang mga tao ay may Diyos pa bang sinasamba,” wika niya.
“Dahil mas madaling masilaw sa makamundong bagay ang mga tao. Nakakalimutan nilang bigyang halaga ang buhay na mayroon tayo. Nabulag sa paniniwalang isang beses lang tayong nabubuhay kaya sinusulit nila. Sinusulit sa mga walang kabuluhan. Ang dami kong pagsisisi. Sa ilang taong kasama ko si lola pakiramdam ko ay ilang araw lang. Pinakamasakit sa ‘kin na hanggang dito na lang ako. Hanggang pagsisisi na lang ang kaya kon gawin,” saad ko at huminga nang malalim.
“Sabi ng lola mo, hindi niya alam kung saan siya pupunta pagkatapos niyang mawala. Bilang isang makasalanang tao maski siya ay duda sa sarili niya kung karapat-dapat ba siyang humarap sa Diyos. Tanggap niya na hindi siya naging mabuting tao noon. Ganoon din ako. Pero hindi natin kontrolado ang mga bagay-bagay. Diyos lang ang may alam ng lahat,” wika niya. Sumang-ayon naman ako.
Pumasok na ako sa loob at dumeritso sa aking kuwarto. Kinuha ko ang maliit kong bag at tiningnan ang litrato namin ni lola. Ang tagal na nu’n. Bata pa ako sa litrato. Hinaplos ko iyon at tipid na ngumiti.
“Sobrang nami-miss na kita, ‘la,” mahinang sambit ko at napapikit. Pakiramdam ko ay niyayakap niya ako.
“Ang daming tanong sa isipan ko. Alam kong ayaw mo akong masaktan at malagay sa panganib. Pero kailangan ko itong harapin. Kung ano man ang nakalaan para sa akin ay kailangan kong tanggapin. ‘La, kung nakatakda sa ‘kin na mabuhay kasama si Lazarus gaya noong nasa libro, ay gagawin ko. Matagal na panahon mo akong pinrotektahan. Nililok mo ang pagkatao ko sa pinakamagandang paraan. Kahit na may mga alaala akong nabura na, naiintindihan kita. Ikaw lang ang nakakaalam kung ano ang dapat para sa akin. Ngayong wala ka na, sana gabayan mo ako sa mga desisyon ko. Patawarin mo ako, kung darating ang panahon na kailangan kong alamin ang totong ako. Nilihim mo sa ‘kin iyon nang matagal at hindi ako galit. Mahal na mahal kita ‘la,” mahina kong saad at napahikbi. Natigilan ako nang magsitaasan ang balahibo ko sa batok. Indikasiyon iyon na may natitig sa ‘kin.
Paglingon ko nga ay nakita ko si Lazarus na nakasandal sa malaking bintana. Nakapamulsa at nakatingin sa ‘kin.
“P-Paano ka nakapasok dito?” kinakabahan kong tanong. Sarado kasi ang pinto.
“Sigurado ka ba sa tanong mo sa ‘kin?” aniya. Napalunok naman ako nang lumapit siya sa ‘kin. Hindi ko kayang tanggapin ang titig niya kaya napaiwas na ako ng tingin. Kita ko naman ang pagtawa niya nang pagak.
“Ano ang ginagawa mo rito? Hindi ka dapat pumupunta sa kuwarto ko lalo pa at wala kang paalam. Hindi magandang tingnan na tayong dalawa lang ang nasa kuwarto,” deritsa kong sambit.
Mukhang manghang-mangha naman siyang nakatingin sa ‘kin.
“Bakit? Iniisip mo ba na may gagawin akong hindi maganda sa ’yo?” aniya at nilapitan ako. Napaatras naman ako sa aking kinatatayuan. Lalo pa siyang lumapit at wala na akong maatrasan pa.
“Carmilla, hindi ako gagawa ng isang bagay na alam kong hindi mo magugustuhan,” seryosong wika niya. Napalunok naman ako. Akmang iiwas ako nang hawakan niya ang baba ko. Lalo kong natitigan ang mukha niya. Bakit sobrang amo ng kaniyang mukha?
“Dahil ipinanganak na akong may magandang mukha,” sagot niya. Nagulat naman ako. Nababasa ba niya ang isip ko?
“Your mind speaks louder than your mouth. Nabibingi ako,” aniya. Kaagad na nakaramdam naman ako ng hiya.
“Embarrassed?” aniya. Umiling naman ako.
“U-Umalis ka na, magpapahinga na ako,” saad ko at humiga na sa kama. Akala ko ay aalis na siya kaya pumikit na ako. Iminulat ko ulit ang aking mata para lang masilayan siyang nakahiga rin kaharap ko. Hindi ako makapagsalita.
“What?” aniya at ngumiti sa ‘kin.
“A-Akala ko umalis ka na,” saad ko. Nahigit ko ang aking hininga nang hawakan niya ang kamay ko. Nagulat ako kaya babawiin ko sana kaso hindi niya binitiwan. Nakikita ko ang ugat naming dalawa. Kitang-kita ko ang malakas na pagdaloy ng dugo sa bawat kaugatan ko. Ganoon din sa kaniya subalit kakaiba.
“Matagal kitang hinintay Carmilla, ilang daang taon din bago kita ulit masilayan,” wika niya. Naguguluhan naman ako. Kita ko ang lungkot at paghihinagpis sa kaniyang mga mata.
“Ano ang ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan,” sagot ko.
“Hindi mo pa maiintindihan ang lahat sa ngayon Carmilla. Pero umaasa ako, balang araw hindi mo na ako makakalimutan pa,” sambit niya. Lalo akong naguluhan sa sagot niya.
“Naniniwala ka ba sa reincarnation?” tanong niya sa ‘kin. Napalunok naman ako. Ngumiti lamang siya at hindi iyon umabot sa mata niya. Hinila niya ako at idinampi ang kamay ko sa dibdib niya. Wala akong maramdaman ni isang t***k.
“Walang patay na mabubuhay ulit. Si Lazarus sa bibliya ay nabuhay ulit dahil mabuti siyang tao at mabait ang Diyos. Pero ako ay ang Lazarus na kailanman ay hindi nararapat sa awa at pagmamahal ng Diyos dahil ibenenta ko ang aking kaluluwa sa demonyo,” mapait niyang saad.
Para akong sinasakal sa mga lumalabas sa bibig niya.
“Hindi dapat ako makaramdam ng kasiyahan sa sinapit ko pero napapalitan iyon ng saya dahil nakita at nakasama na ulit kita,” aniya. Kumunot naman ang aking noo.
“Kung gayon, alam mo kung ano ako. Alam mo kung ano ang nangyari sa ‘kin. Alam mo kung ano ang buhay na mayroon ako noon,” saad ko. Nakaramdam ako ng katiting na pag-asa. Umiling naman siya.
“Hindi iyon ganoon Carmilla. Kung sana nga alam ko, ‘di na sana ako nahirapang hanapin ka. Bawat sulok ng mundo ay hinanap kita. Ngayon lang kita ulit nakita. Iba ang buhay ng Leandra na nakilala ko noon, at ngayon ikaw ay si Carmilla taong 1990,” saad niya.
“I-Ilang taon ka na ba?” tanong ko.
“Bente-kuwatro nu’ng ako ay mamatay taong 1666 at ngayon ay 224 taong 1990,” sagot niya. Napasinghap naman ako.
“G-Ganoon na katagal?” saad ko.
“May mas matagal pa sa ‘kin. Inapo ako ng angkan ng mga Moriarty,” sagot niya. Napalunok naman ako at napatitig sa kaniya. Hinila niya ako palapit sa kaniya at ipinagdikit ang aming noo.
“Lider ng kulto ang lolo ko noon. Sa tinagal-tagal ng panahon isa ang kanuno-nunuan ko sa mga nag-alay ng sarili nila sa demonyo kapalit ng walang hanggang kapangyarihan at walang kamatayan. Iyon na ang nakatadhana sa min. Hangga’t hindi natatapos ang mundong ‘to ay wala kaming ibang pagpipilian. Kailangan naming pagdusuhan dahil hindi kami mabubuting nilalang,” aniya.
Imbis na matakot sa kaniya ay hindi ko iyon maramdaman. Gusto ko siyang samahan.
“Carmilla, ikaw na lang ang dahilan kaya hindi ako nagpapadala sa tawag ng dugo. Gusto kong makita ka at makilala na kahit papano ay wala akong sinaktang tao. Ayaw kong matakot ka sa ‘kin...huwag kang matakot sa ‘kin.”
“Te amo aunque no te merezco. Una vez desafie a la muerte por ti. Y siempre estoy disuesta si el asunto eres tu,” dagdag niya.
“Wala akong pagsisisihan kung kapalit nu’n ay makasama ka ulit habang-buhay.”