Kabanata 8

3178 Words
Gabing-gabi na nang dumating kami sa babaan ng bus. Tiningnan ako ni Aling Rosalita at ipinasuot sa akin ang itim na sarong. “Isuot mo ‘to,” aniya. Napatingin naman ako sa ibinigay niya at kuwintas iyon. “Para hindi nila tayo masundan. Kapag nalaman nilang papunta tayo kay, Lazarus paniguradong malilintikan tayo,” dagdag niya. Sumunod na lamang ako at hindi na nagreklamo pa. Pumara siya ng traysikel at sumakay na kami. “Naghahatid ka pa ba hanggang sa b****a ng mansiyon ng mga Moriarty?” tanong ni Aling Rosalita. “Hanggang sa kakahuyan lang po at gabing-gabi na. Walang sino man ang nakakalabas doon kapag gabi na dahil sa laki ng lugar nila,” sagot nito. “Sige, kahit doon na ang sa b****a ng kakahuyan,” sagot niya. Tumango naman ang drayber at umalis na kami. “Huwag kang tumingin sa labas at sobrang nanghihikayat ang awra mo. Matulog ka muna at gigisingin kita kapag nakarating na tayo,” saad niya. Sumunod naman ako sa kaniya. Halos umabot din ng dalawampung minuto ang biyahe namin bago nakarating. “Salamat,” wika ng drayber at umalis na. Napatingin naman ako sa malawak na kakahuyan at daan. “Huwag kang matakot, ang lugar na ‘to ay walang sino man ang magtatangkang pumasok at manakit sa ‘yo. Sa lahat ng lugar sa mundong ‘to maliban sa simbahan ay isa ito sa pinaka-safe ka. Tara na at hinihintay ka na niya,” sambit niya. Naglakad na kami at nagulat ako dahil ilang minuto lang ay naaninag ko na ang malaking mansiyon. Akmang lilingon ako sa dinaanan namin nang magsalita siya. “Huwag ka ng lumingon. May mga bagay talaga na kailangang hayaan na lang natin para mas mapadali ang tinatahak nating daan. Carmilla, sa buhay hindi mo kailangang dumepende sa kung ano ang kalagayan at kung sino ang kasama mo sa ngayon. Dumpende ka lang sa sarili mo dahil walang ibang magagawa ng ibang tao o nilalang kung sarili mo mismo ang iyong kalaban,” aniya. Natigilan naman ako dahil tama naman siya. “Hindi ka pa rin ba nasasanay sa mga kababalaghang nangyayari sa paligid mo?” tanong niya. Tumango naman ako bilang sagot. “Sa tuwing may nangyayari sa ‘kin ay tinatanggal ni, Lola Pasing ang alaala ko para hindi ako matakot,” mahina kong sagot. Huminga naman siya nang malalim. “Dahil gusto ka niyang mamuhay nang normal. Ayaw niyang mamuhay ka ng ganito. Pero wala na siyang magagawa. Kahit sino pa man ay walang magagawa kapag ito na ang nakatadhanang mangyari,” wika niya. Nakatayo na kami sa napakalaking gate at kusa iyong bumukas. Naglakad na kami papasok at bumungad sa amin ang napakalaking pintuang gawa sa mamahalin at sobrang tibay na kahoy. Pumikit si Aling Rosalita at ilang snadali pa ay narinig ko na ang lagatik ng pinto. Hudyat na bumubukas na ito. Pagpasok namin ay sobrang laki ng mansion. Magara at mamamangha ka. Mas malaki ito nang halos limang beses sa bahay nina Senyorita Ann. “Pasok kayo.” Sabay na napatingin kami ni Aling Rosalita sa ikalawang palapag nang makita ang lalaking pamilyar sa akin. Ilang saglit pa ay nasa harapan na namin siya. Kaagad na lumakas ang t***k ng puso ko. Nginisihan niya ako at tinitigan. “Kumalma ka lang, rinig na rinig ko hanggang dito ang malakas na pagpa-pump ng puso mo,” aniya. Napalunok naman ako at napahawak kay Aling Rosalita. Natawa naman siya. “Umupo muna kayo, nandito na rin si Lazarus mamaya. May inaayos lang,” wika niya. “Ano ba ang gusto niyong inumin? Kumain na ba kayo?” usisa nito. Hindi pa man kami nakasagot ay natawa na siya. Tumunog kasi ang tiyan ko dahil sa gutom. Umalis na siya papuntang kusina. Napatingin ako sa paligid at napakaganda ng bahay. Classic at baroque style. “Wala bang ibang tao rito?” usisa ko. “Tayo lang ang tao rito, Carmilla. Buo pa ang pamilya nila. Pero wala sa bansang ‘to ang ina at ama niya. Tanging si Lazarus at Leonidas lang ang nandito. Ang isang kapatid nilang si Loreta ay nasa ibang bansa. Hindi namin alam kung saang bansa,” sagot niya. Tumango naman ako. Napatingin ako sa malaking portrait sa living room at nakatitig lang doon. Siguro ito ang buong pamilya niya. “Makikiinom na muna ako ng tubig ha. Maiwan ka muna rito babalik agad ako. Huwag na huwag kang matatakot dito dahil walang mananakit sa ‘yo rito,” bilin niya. Tumango naman ako. Nakatitig lang ako sa malaking portrait nang mapansin ang pagsitaasan ng balahibo ko sa aking batok. Kaagad na hinawakan ko iyon. “That was many years ago...” Napapiksi ako at napalingon. Hindi ako makagalaw nang masilayan ang lalaking papalapit sa akin. Nakasuot ng itim na long sleeve na itinupi hanggang siko at itim din na slacks. Ang puti-puti niya. Napatigagal ako at wala akong mahanap na tamang salita para sabihin sa kaniya. Tumayo siya sa tabi ko at tiningnan din ang portrait. Lalo kong natitigan ang kaniyang mukha. Matangos ang kaniyang ilong at sobrang kapal ng kilay. Kahit na maputla ang kulay ng balat ay mamula-mula naman ang kaniyang labi. Ang mga mata niya ay kumikislap habang tinatamaan ng ilaw. Kulay berde iyon na parang gray. Tiningnan niya ako kaya kagyat na nag-abot ang aming paningin. Hinawakan niya ang aking mukha at ang daming tumatakbo sa isipan ko. Ang dami kong tanong para sa kaniya. “Ilang taon ang hinintay ko para masilayan ka lang, Carmilla,” wika niya. Mabilis na lumayo ako sa kaniya nang maalala ang gabing iyon. “A-Ano ang kailangan mo sa ‘kin?” nahihintakutan kong tanong. “Huwag kang matakot sa ‘kin. Hindi ako ang dapat mong katakutan. Alam kong naguguluhan ka pa sa mga nangyayari ngayon,” aniya. Umiling naman ako. “Alam ko kung ano ka. Isa kang demonyo na nagbabalat-kayo gamit ang mala-anghel na pisikal na anyo para lokohin kaming mga mortal. Ano ba ang kasalanan namin sa inyo para pahirapan niyo kami ng ganito? Kinuha niyo sa ‘kin si lola. Ang sasama niyo! Mga demonyo kayo!” galit kong singhal sa kaniya. Pumikit lamang siya at ilang saglit pa ay ngumiti. Nagulat pa ako nang sa isang iglap ay hawak-hawak niya na ang leeg ko. Kaagad na nahirapan naman ako sa aking paghinga. Napapikit ako nang bumaon ang kuko niya sa leeg ko. Napakasakit! “Kilala mo ba kung sino ang tinatawag mong demonyo? Ha?” “M-Mga kampon kayo ni, satanas. Wala akong ginagawang masama sa inyo! Ano ba ang kailangan niyo sa ‘kin?” matapang kong sagot. Napapikit ako nang napasandal ako sa dingding agad-agad. Ang bilis-bilis ng kilos niya. Lalo ko lang napatunayan na hindi sila tao. Hindi sila pangkaraniwan. “Carmilla, hindi ako ang kalaban mo rito. Kakampi mo ako,” sagot niya habang nakatitig sa akin. Hindi naman ako makaimik dahil nakaliliyo ang tingin niya. Niluwagan niya ang hawak niya sa ‘kin nang mapansin ko ang paglabas ng kakaibang ugat sa leeg niya. Umiwas na siya ng tingin sa ‘kin at tumalikod. “Hangga’t nandito ka sa pangangalaga ko, walang sino man ang mananakit sa ‘yo. Lahat sila ay lumuluhod sa ‘kin. Hindi kita sasaktan at hindi rin kita pababayaan,” saad niya at nawala na siya agad sa paningin ko. Naiwan naman akong sobrang lakas ng t***k ng puso at habol-habol ang aking hininga. Napaupo ako sa sahig at napahilamos sa sarili kong mukha. “Carmilla? Halika na rito at kakain na,” wika ni Aling Rosalita. Kahit nahihirapang tumayo ay pinilit ko at sumunod na sa kaniya. Mukhang wala siyang ideya sa nangyari kani-kanina lang. Pagdating sa mesa ay kaagad na nagwala ang mga alaga ko sa tiyan. Gutom na gutom ako. “Kain na kayo,” wika ni Leonidas. Tumango naman ako at nagsimulang nilantakan ang pagkain. Ilang araw rin akong hindi makakain nang maayos. Pansin ko pa ang tingin nilang dalawa sa akin. Nahihiyang uminom ako ng tubig. “Kain ka lang, huwag mo kaming intindihin,” saad ni Leonidas. “H-Hindi ka ba kakain?” tanong ko sa kaniya. Natawa naman siya. Maging si Aling Rosalita ay napailing. “We don’t get hungry. Nakakasura ang pagkain niyong mga tao. We prefer drinking your bloods,” sagot niya. Kaagad na hindi naman ako makaimik. Tumawa naman siya ulit. “Kumain ka na, don’t ask stupid questions,” aniya. Tumango naman ako at itinuon na ang pansin sa pagkain. Nang matapos ay sobrang busog ako. Pagkatapos nga ay itinuro niya na sa amin kung saan ang kuwarto namin. Magkaiba ang kuwarto namin ni Aling Rosalita. “Simula ngayon ay parte na kayo ng Moriarty. Bukas na bukas din ay mag-uusap kayo ni, Lazarus,” aniya. Hindi na ako umimik pa. Pagkahiga ko sa kuwarto ay huminga ako nang malalim. Ngayon ko lang naramdaman ang sobrang pagod. Ipinikit ko saglit ang aking mata at pabalik-balik ang mukha niya sa isipan ko. Bumangon ako kaagad at pinukpok ang aking ulo. “Ano ba Carmilla?” saway ko sa aking sarili. Huminga ako nang malalim at tiningnan ang malaking bintana. Kaagad na isinara ko iyon dahil pakiramdam ko may nakatitig sa ‘kin. Ang kapal ng kurtina sa bintana kaya isinara ko na rin. Nakahinga ako nang maluwag at mukhang mahimbing ang tulog ko ngayon. Naisip ko naman kaagad si lola. Nilukob na naman ng lungkot ang sistema ko. Kailangan kong tatagan ang sarili ko. Kinuha ko ang maliit na libro at binasa iyon. “Sa kabilugan ng buwan, sa gabi ng mga demonyo. Lalabas sila at hindi mapipigilan ang uhaw para sa akin. Ako si Leandra, isang nilalang na walang pagkakakilanlan. Nakatadhana sa ‘kin na mabihag ng isang purong bampira. Sasamahan ko siya hanggang sa ako’y humihinga kasama ang mga mortal at ganoon din siya sa akin. Hinihintay ko siya na sakupin ako pero hindi siya dumating. Naubos na ang lakas na mayroon ako at hindi pa rin siya dumating. Lazarus, hinihintay kita. Bakit hindi ka dumating?” Kumunot ang noo ko at kaagad na isinara iyon. Ano ang ibig niyang sabihin? Lalo akong naguguluhan sa mga nababasa ko. Bawat pahinang binasa ko ay nangyayari sa akin. Mangyayari rin ba ang nabasa ko ngayon? Tiningnan ko ang kasunod pero wala na. Blangko na ang libro. Napahiga ako ulit at nagpagulong-gulong sa malaking kama. Tinitikis ko ang aking sarili. “Sabi niya ay poprotektahan niya ako. Pero bakit sa libro ay hindi siya dumating?” Huminga ako nang malalim at ipinikit ang aking mga mata. Hindi na ako makatulog gaya kanina. Napatingin ako sa kisame at malakas na napasigaw. “AHHHH!” Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at kunot ang noong nakatingin si Lazarus sa kisame. Tinitigan niya lang ito at ilang sandali pa ay nahulog sa sahig at nawala na parang usok. Napahawak naman ako sa ulo ko at napapikit. Nilapitan niya ako at hindi naman ako makagalaw. Hindi ko alam kung may mahika ba siya o ano. “Kung matutulog ka na, matulog ka na. Huwag ka ng mag-isip ng kung anu-ano. Mga tigbahay sila. Wala pa man ako sa mansiong ito nandito na sila. Nakapuslit lang iyon at mukhang gusto kang makita,” wika niya. Kumunot naman ang aking noo. “Pagod ka na ba sa mga nakikita mo? Pagod ka na ba sa buhay mo?” tanong niya. Naitaas ko naman ang aking ulo. “Pagod na akong matakot palagi. Pagod na pagod na akong mag-isip sa mga bagay na walang kasagutan. Ang dami-dami kong tanong na kailangan ng kasagutan. Bakit ako? Sa dinami-rami bakit ako? Ano ba ang meron sa akin at ang dami-dami niyong gumugulo sa ‘kin? Ba’t kailangan niyo pang idamay si lola sa lahat? Ang pagod, lungkot, poot at sakit na nararamdaman ko ay lalong nagpapahina sa ‘kin,” sagot ko sa kaniya. Hinawakan niya ang ulo ko kaya nagulat ako. “Then rest,” saad niya. Hindi ko alam pero biglang gumaan ang pakiramdam ko. “Pinatay ng kalahi mo ang lola ko. Huwag kang mag-expect na magiging maayos ang lahat,” sambit ko pa. “Iba ako sa kanila. They’re low class. They’re not on my level. And I don’t feed on human blood. I feed my hunger on my own way,” saad niya. Kumunot ang noo ko. Kaya pala tuyot na tuyot ang katawan ni lola. “Pinagtulungan nilang kagatin at inumin ang dugo ni lola?” asik ko. Tiningnan niya lang ako. “It’s a bit more complicated,” sagot niya. Lumayo naman ako sa kaniya. “Bakit hindi ka agad dumating para tulungan kami? Bakit nawala ka? Nandoon ka nu’ng umaga ‘di ba? Pinuntahan mo ako. Pero nu’ng nasa alanganin na ang buhay namin ni, lola wala ka. Dumating ka nga pero huli na. Patay na sila ni, Tercio,” sumbat ko. Nag-abot naman ang kilay niya. “I can’t teleport, Carmilla. This is where I live at itinaboy ako ng lola mo. Nu’ng tinawag mo ako I was at the council. Kailangan kong umalis kaagad para maabutan ka at thanks be to me, I came.” Ako naman ang napakunot-noo ngayon. “Purong bampira ka ‘di ba? Ikaw ang may pinakamataas na ranggo sa buong angkan ng mga bampira. Nabasa ko iyon sa libro ni, lola,” wika ko. “But I’m not as powerful as you think. Kailangan kong uminom ng dugo ng tao para makuha ang kapangyarihang ‘yon,” saad niya at napatingin sa leeg ko. Kaagad na napakamot ako sa leeg ko. “I’m not going to drink your blood. Hindi ko gagawin unless you want me to,” aniya. Napalunok naman ako. “Ano ba ang iniinom mo? Dugo ng baboy sa palengke? Bumibili ka ba roon?” tanong ko at kaagad na napangiwi. Maging siya ay sirang-sira ang mukha. “The hell! Do I look like a f*****g dog to you?” sagot niya. Nahiya naman ako. “I drink from a deer’s blood,” aniya. “Hindi magtatagal magiging extinct pa lalo ang mga usa dahil sa kagagawan mo,” bulong ko. “Heard that,” aniya. Umakto naman akong walang sinabi. Tumayo naman siya at tinitigan ako. “Whether you like it or not, sa akin ka na Carmilla. Bukas, pupunta rito ang iilang angkan ko para subukan kang kunin sa ‘kin. Hindi ka sasama sa kanila. Mapapahamak ka. Piliin mong pumunta sa ‘kin, sa akin ka lang,” seryosong wika niya. Imbis na makaramdam ng takot ay kakaiba ang naramdaman ko. “Alam ng angkan mo na nandito ako?” kinakabahan kong tanong. Tumango naman siya. “Wala silang pinipiling pagkain. Basta makainom sila ng dugo ay wala na silang pakialam. You’re not just a mere human, Carmilla. Lahat ng nilalang ay gustong angkinin ka. You’re peculiar,” wika niya. Napalunok naman ako. “Bakit?” Hindi naman siya umimik. Lumapit siya ulit sa ‘kin at nagulat ako nang kagatin niya ang pulso niya at lumabas ang dugo roon. “A-Ano’ng ginagawa mo?” taranta kong tanong. “Drink it,” utos niya. Kaagad na umiling ako. Sumeryoso lamang ang tingin niya sa ‘kin kaya sinunod ko na lamang ang gusto niya. Nasira ang mukha ko dahil sa hindi ko maintindihan kung ano iyon. “Mauubos ang dugo ko kung hindi ka pa titigil,” wika niya. Kaagad na binitiwan ko naman ang kaniyang kamay. Ngumiti lamang siya. Hinawakan niya ang mukha ko kaya natuod ako sa aking kinauupuan. Nagulat ako nang dilaan niya ang gilid ng aking labi. “There’s blood, I have to wipe it for you,” wika niya. Napalunok naman ako. Ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng init sa bandang batok ko. Hinawakan ko iyon at nagtataka. “That’s an LMX symbol. It only means you’re mine, lahat ng susubok na angkinin ka ay dadaan sa mga kamay ko,” aniya. “I left a mark on you to ensure your safety. You don’t know what hunger can do,” dagdag niya. Napatingin naman ako sa kamay niya at nawala na ang sugat doon. “A-Ang kamay mo,” saad ko. “Small things,” aniya at tumayo na. Hinawakan niya ang ulo ko at nakaramdam naman ako ng pagod. Bumibigat ang talukap ko. “S-Salamat,” mahinang saad ko bago nakatulog kaagad. Kinabukasan ay maaga akong nagising. Mabilis na nagdasal ako sa gilid ng kama at inayos ang aking higaan. Binuksan ko ang lahat ng mga kurtina at lumabas na ng kuwarto. Nasanay na ako na may ginagawa sa umaga lalo pa at isa naman talaga akong katulong. Pumunta ako sa veranda at ganoon din. Tirik na tirik na ang araw pero madilim pa rin dito sa loob dahil sa kapal ng kurtina. Kaagad na binuksan ko iyon at siya namang paglabas ni Leonidas sa kuwarto niya. “f**k!” mura niya. “Leonidas, okay ka lang?” usisa ko at mabilis na dinaluhan siya. Tila nahihirapan pa siya. “Close the curtains, I’m sensitive to sun,” sambit niya. Mabilis na isinara ko naman iyon. Nilapitan ko siya at ang lamig-lamig niya. Lalo siyang namutla at mukhang pagod na pagod. “You’re trying to kill me, are you?” mahinang saad niya. “H-Hindi ko sinasadya, hindi ko alam,” wika ko. Ngumiti lamang siya at tumayo. Para pa siyang lasing kung maglakad. “Saan ka pupunta?” usisa ko. “I’ll be back,” aniya at pumasok ulit sa kuwarto niya. Hindi naman ako makapagsalita. Bumaba na ako at nakita si Aling Rosalita. Kagaya ng ginagawa ni lola sa araw-araw. Tila nakikipag-usap sa paligid. Rinig na rinig ko pa ang huni ng mga ibon sa puno. Nilapitan ko naman siya. “Bakit mo naman binuksan ang kurtina? Sensitibo ang mga bampira sa init ng araw. Hindi sila lumalabas kapag tirik na tirik at mabilis silang mawalan ng lakas at puwede pa nilang ikamatay,” wika niya. Kaagad na natameme naman ako. Ramdam na ramdam ko ang pagsugid ng konsensiya ko sa ginawa. “Hayaan mo na, wala ka namang alam sa kanila. Magiging maayos din ‘yon,” saad niya. “Pero lumalabas sila nu’ng minsang pumunta sila sa bayan namin. Bumisita sila roon sa bahay ng amo ko,” sagot ko. “Dahil walang araw nu’n. Kung naaalala mo, hindi masiyadong maliwanag dahil sa malaking ulan na paparating,” aniya. Sa bagay oo nga naman. “Kahinaan pala nila ang init ng araw,” saad ko. “Mahihirapan sila kapag nasisinagan. Sumakto pa talaga ang pagbukas mo. Tingnan mo mamaya parang tinrangkaso si Leonidas,” aniya. Napalunok naman ako. “Hindi ko po talaga alam, hindi ko sinasadya,” sagot ko. Ngumiti lamang siya. “Hayaan mo na, hindi mo naman na maibabalik ang panahong iyo—” “Bakit po?” usisa ko natigilan kasi siya. Umiling naman siya. “Sige na, kumilos ka na. Kung gusto mong magluto, magluto ka na,” aniya. “Opo,” sagot ko at pumasok na sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD