“Bakit parang ang lalim ng iniisip mo ngayon?” usisa sa akin ni Linda. Nilingon ko naman siya at sinimangutan. “Nagkausap kami kanina ni, Sir Lazarus. Gusto niyang pumunta ako bukas sa kanila at gusto niya raw kumain ng lumpia ko,” sagot ko. Kaagad na napatili naman siya kaya pinagtinginan kami ng mga kasama namin. “Sorry guys, may tinitingnan lang sa reels. Pasensiya na,” aniya at kaagad na nginisihan ako. “So? Ano na ang plano mo? Pupuntahan mo ba? Tanong niya. “Hindi ko alam eh. Sa tingin mo dapat ko ba siyang puntahan? Sabi niya sa bawat gagawin ko may presyo. Three thousand isa,” sagot ko. “Ay! Isama mo naman ako Carmilla. Kahit tagahugas lang ako ng sahog okay lang sa ‘kin,” wika niya. Napairap naman ako. “Seryoso nga kasi,” sambit ko. “Girl, puntahan mo na. Alam mo nam

