Napalunok ako nang makalapit na siya sa akin at tiningnan ako. “Hindi pa ako natatalo sa staring contest,” aniya. Kaagad na umiwas naman ako ng tingin at pumunta sa sink para maghugas ng kamay. “Huwag ka ng tumulong. Tumingin ka na lang,” saad ko at napapikit. Nahigit ko ang aking hininga nang maramdaman ang presensiya niya sa likod ko. “Baka matanggal na ang balat sa kamay mo sa sobrang kuskos mo,” wika niya. “Mas okay ‘yan para mas malinis,” sagot ko. Ramdam niya kayang nate-tense ako? Paglingon ko nga ay nag-abot ang aming paningin. Nahigit ko ang aking hininga dahil hindi ko alam kung bakit lalo siyang gumuwapo sa paningin ko. Ngumiti siya at pakiramdam ko ay nag-jelly ace ang aking paa. Kailangan kong lakasan ang loob ko. “H-Huwag ka rito. Lumayo ka hindi ako makapag-concentra

