“Ikaw ba? Takot ka bang mamatay?” tanong ko sa kaniya. Huminga naman siya nang malalim at malayo ang tanaw. “Ni minsan hindi ako nakaramdam ng takot na mamatay. Pero simula nu’ng dumating ka sa buhay ko, roon ko lang naramdaman ang matinding takot. Ang sakit at ang lungkot na unti-unti akong pinapatay. Pakiramdam ko binubugbog ako nu’n araw-araw. Kahit ilang beses ko pang tangkaing tapusin ang buhay ko alam kong hindi ko magagawa.” “Ang lungkot siguro ng buhay mo no. Sa mga lumalabas kasi sa bibig mo para bang ang tagal-tagal na ng panahon na ikaw ay naging masaya,” wika ko. Tiningnan naman niya ako at tinanguhan. “Ano ba ang tunay na kahulugan ng kasiyahan? I’m not into material things. They’re just material things at pinagsasawaan. It really annoys me kapag sinasabihan akong marami

