“Handa na ba kayo? Tara na,” wika ni Aling Juanita. Sumakay naman na kami sa jeep na inarkilahan niya. Susunod na lang si Lazarus mamaya at Loreta. May inaasikaso pa raw. Sakto rin naman at weekend ngayon. Walang trabaho. “Girl, buti napapayag mo ang magkapatid na sumama sa outing ng mga lola’s mo,” saad ni Linda. Tiningnan ko naman siya at hinawakan ang bag ko. “Hindi ko nga alam kung paano eh. Basta sinabi na lang ni Lazarus na pupunta sila,” sagot ko. “The fact na hindi sila close ‘di ba? T’saka kilala mo naman ang magkapatid na iyan. Hindi basta-basta at talaga namang tinitingala sa bansa natin dahil sa yaman nila,” aniya. “Hindi ko rin alam. T’saka kung titingnan mo halata namang walang pakialam sa yaman nila ang dalawa.” “Hmm, sa bagay. Mas masaya sana kung kasama si Leonida

