Kabanata 2

1182 Words
Maaga akong nagising at inasikaso ang mga dapat na asikasuhin. Maaga kasi akong gagayak mamaya kasama si Linda para hindi ako gabihin mamaya sa pag-uwi. Kinuha ko na ang baldeng iigiban ko para may panghugas ng plato mamaya si Lola. Matanda na siya at hindi na kakayaning magbuhat ng mabigat. “Oh apo? Ako na ang bahala riyan. Maligo ka na lang,” saad ni Lola. Nginitian ko naman siya. “Ako na ‘la, maliligo na rin naman ako sa sapa kaya dadalhin ko na lang ‘to para hindi ka na mahirapang umigib mamaya,” sagot ko. Nilapitan naman ako ni lola niya at hinaplos ang aking noo. Napapikit naman ako saglit nang makaramdam ng parang pandaliang lamig. “Sige at papakainin ko muna ang mga alagang manok natin. Bibili kasi mamaya si Ka Pedring at birthday ng apo niya,” wika niya. Nahiwagaan naman ako sa nangyari pero nagkibit-balikat na lamang ako. Alam ko naman na talagang may alam si lola sa mga pangagamot pero hindi na niya ginagawa ngayon. “Sige po,” sagot ko. Bitbit ang balde ay umalis na ako at naglakad papunta sa sapa. Napatingin ako sa paligid nang makarating at napapikit. Pakiramdam ko ay kaisa ko ang paligid. Bawat talsikan at agos ng tubig ay nagpapakalma sa bawat himaymay ng aking kaugatan. Gustong-gusto ko ang huni ng mga ibon. Napakunot ang aking noo nang maramdaman ang malamig na hanging dumampi sa aking batok. Kaagad na napamulat ako at napatingin sa paligid subalit wala ni isang tao akong nakita. Kung may naliligaw man dito sa amin ay sa iba naman ang daanan at hindi rito. Pinakiramdaman ko ang aking paligid at hindi pa rin makalma ang aking sistema. Ang bigat-bigat at parang may humihila sa buhok ko sa batok. “M-May tao ba riyan?” wika ko. “Huwag mo akong takutin at hindi ako natatakot,” dagdag ko pa. Subalit tanging tunog ng agos ng sapa lamang ang sumagot sa ‘kin. Huminga ako nang malalim at mabilis na kinuha ang asin sa gilid na dala ko. Pasimple kong isinaboy sa aking likuran at t’saka lamang ako nakahinga nang maayos. Laging bilin sa akin ni lola na magdala ng asin lalo na kung maliligo. Bago ako lumusong ay sabuyan ko ang tubig at pakorteng krus ang pagsaboy. Nagmadali na akong kumilos at nang matapos ay akmang lalakad na nang may tumawag sa ‘kin pero pabulong. “Carmilla...” Napatingin ako sa paligid at wala akong makita. Nagmadali na ako at baka ginugulo na naman ako ng aking guni-guni. “Carmilla...” “Hindi kayo totoo. Guni-guni lang kayo. Hindi kayo totoo,” mabilis kong sambit. “Totoo kami Carmilla.” “Huwag ka munang umalis Carmilla. Hindi mo ba kami kakausapin man lang? Matagal mo na kaming hindi pinapansin.” Tumigil ako sa aking paglalakad at napalunok. Nagsitaasan ang balahibo ko sa aking braso at ramdam na ramdam ko na papalapit ang boses nila. Buong tapang na lumingon ako at nakita ang dalawang matandang lalaki na nakatitig sa ‘kin habang nakangisi. Ilang sandali pa ay parang nagsihulogan ang mga balat nila. Gusto kong umalis at tumakbo subalit hindi ko maigalaw ang katawan ko. Ramdam ko ang lamig ng aking katawan at ilang saglit pa ay palapit na sila sa akin. Gusto kong sumigaw pero walang lumalabas na boses sa bibig ko. Nanginginig ang buo kong katawan sa sobrang takot. “Mga peste!” T’saka lang ako nakagalaw. Mabilis na nagsialisan ang dalawa nang makita si lola na palapit sa ‘kin. “Carmilla, okay ka lang ba? Ang putla mo,” aniya. Tiningnan ko si lola at nanginginig pa rin ako sa takot. Hinawakan niya ang kamay ko at sandaling nakalma dahil sa init ng kamay niya. “Umuwi na tayo,” wika niya. Tumango naman ako. Tahimik lang kami sa daan. Pagdating nga namin sa bahay ay nagbihis na agad ako. Nakaupo lamang si lola sa upuan naming gawa sa kawayan at tila hinihintay ako na makapagbihis. Hindi mawala sa isip ko ang mga hitsura nila kanina. Nakakatakot. Nakakapanghilakbot. “Pinuntahan na kita kanina at nagtataka ako kung bakit ang tagal mong bumalik. Ginugulo ka pala ng magkapatid na ‘yon,” saad niya. Napatingin naman ako kay lola. “K-Kilala niyo po sila?” Huminga siya nang malalim at tinitigan ako. “Carmilla, lagi mong aalalahanin na sa mundong ‘to ay maraming kababalaghan. Ang nakita mo kanina ay mga luslos. Matagal ka na nilang minamanmanan. Hindi lang tayo ang nakatira sa mundong ‘to. Mayroon ding mga elementong hindi nakikita ng normal na mga mata. Marahil nga ay hindi naniniwala ang iba dahil nasa modernong panahon na tayo. Subalit huwag mong kalimutang nagbabago lang ang takbo ng panahon at kaya nilang makipagsabayan sa atin.” Hindi naman ako makasagot. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. “Kaya ba lagi niyo akong pinapaalalahanan na umuwi at huwag magpagabi? Dahil ba sa kanila? Lola, maliwanag na kanina,” wika ko. “Dahil hindi lang sila ang namumuhay kasama natin, Carmilla. Ang iba ay nag-aanyong tao rin. Ang iba ay hindi natin nakikita pero nakakasalamuha natin sila. May mababait at mayroon ding masasama. Bawat elemento ay may kakayahang sirain ang buhay ng mga normal na tao. Minsan ay pinaglalaruan pa. Marami sila Carmilla, subalit mas maiging hindi mo na lang pansinin,” saad niya. Nilapitan niya ako at hinawakan ang aking noo. Napapikit ako nang hipan niya iyon sandali at bigla ay gusto ko ng matulog at naipikit ko nga ang aking mata. “Apo, gising na at may lakad ka pa. Paniguradong hinihintay ka na ni, Linda,” sambit ni lola. Napabalikwas ako at napatingin sa aking suot. Nakatulog pala ako saglit. Minsan talaga kapag ganitong bagong ligo ako ay gusto kong matulog pagkatapos. Kinuha ko na ang bag ko at nakangiting nagmano sa kaniya. Kita ko namang ngumiti siya nang tipid sa ‘kin. “Bakit ‘la? Ayaw mob a akong umalis? Sabihin mo lang po at hindi na ako aalis,” sambit ko. Umiling naman siya at hinawakan ang kamay ko. “Apo, pasensiya ka na sa ‘kin. Balang araw maiintindihan mo rin kung bakit ko ginagawa ‘to,” aniya. Nagulumihan naman ako sa sinabi ni lola. “Ayan ka na naman lola. Hayaan mo at bibili ako mamaya ng mga paborito mo,” nakangiti kong saad. “Kahit huwag na. Mag-iingat ka lang ha at huwag magpapagabi. Hihintayin kita sa labas mamaya. Mag-enjoy ka. Itago mo rin ‘to sa bulsa mo. Huwag mong kakalimutan ang mga bilin ko ha,” paalala niya. Tumango naman ako at nginitian siya. “Sige po, alis na po ako. Mag-iingat ka po rito ha,” saad ko. Tumango naman siya. Kumaway na ako at tinahak ang daan pababa. Napakagaan ng pakiramdam ko ngayon. Ngayon lang ulit ako makakagala. Sa hindi kalayuang waiting shed ay nakita ko na si Linda at iilang kasamahan namin sa mansiyon. Kumaway na ako sa kanila at patakbo na. “Huwag tuamkbo at baka madapa ka!” sigaw ni Linda. Ngumiti lamang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD