Pagkauwi ko sa bahay ay nakita ko si Apo Juanita na nakangiti sa akin. Matanda na ito pero walang asawa’t anak. May kaya naman sa buhay kaya hind naging problema. Ito ang president ng mga tsismosa sa purok namin. “Magandang hapon po,” saad ko at nagmano ako sa kaniya. Ang lapad-lapad ng kaniyang ngiti. “Maganda hapon naman sa ‘yo hija. Napakaganda mo pa rin talaga Carmilla,” saad niya. “Po?” Umiling naman siya at ngumiti. “Kumusta naman ang trabaho mo?” usisa niya sa akin. “Maayos naman po,” sagot ko. Tumango naman siya. “Balita ko ay sa isang malaking kompanya ka na nagtatrabaho ngayon. Maganda iyan at sayang naman ang iyong pinag-aralan kung hindi ka aalis sa parlor,” wika niya pa. “Kaya nga po eh. Nasaan pala si Inang?” usisa ko. “Nasa labas bumili ng inihaw na bangus,”

