Napipilan naman ako sa tanong niya at hindi ko alam kung ano ang isasagot. Napadasal na lang ako na sana dumating na si Inang. “O-Okay lang sa ‘kin kung hindi mo pa ako masasagot sa ngayon. Makakapaghintay ako kung kailan ka ready,” wika niya pa. Nakagat ko naman ang aking labi at hindi ko alam kung ano ang isasagot. “Alam kong pagdalos-dalos ako Carmilla. Pero gusto ko lang sabihin sa ‘yo na totoo ako sa nararamdaman ko. Gusto ko lang sabihin talaga sa ‘yo para malaman mong seryoso ako. Maghihintay ako kahit gaano pa katagal,” dagdag pa niya. Nalintikan na. Ano ba ang sasabihin ko? “Ahm...” Napalunok ako at nginitian siya. “A-Actually, na-appreciate ko ang sinabi mo ngayon. Pero hindi pa kasi ako handa na pumasok sa isang relasiyon. Pero hindi ko naman sinisirado ang pintuan ko

