Paggising ko nga ay para akong lantang gulay. Pinilit ko ang sarili ko na bumangon at wala si Lazarus. “Lazarus?” tawag ko sa kaniya. Tumayo na ako at pumunta sa malaking vanity mirror sa gilid. Tiningnan ko ang hubad kong katawan at napailing. Ang dami kong pasa at na-dislocate pa ang sa bandang dibdib ko. Ni hindi ko naramdaman ang sakit nu’n kagabi. Napalunok ako at pumikit t’saka ginamot ang aking sarili. Ilang segundo lang naman ay okay na ako ulit. Tiningnan ko ang aking repleksiyon at maayos na ang aking pakiramdam. Parang wala na ulit nangyari. Nagbihis na ako at lumabas ng kuwarto. Natigilan ako sa hallway kung saan nandoon ang painting. Tiningnan ko iyon at hinawakan. Mukhang naghihintay sila sa amin dahil ramdam ko ang kakaibang enerhiya na nanggaling doon. “Babalik kami

