“Bakit kayo aalis? Sa atin na ang mansiyong ‘to. Matagal na kayong nawala sa talaan ng mga bampira. Ang pamilya mo ay tinalikuran ang inyong mga kalahi. Hindi kayo nakiisa at lalong iniwan niyo kaming walang maayos na kinalalagyan.” Napatingin kami sa lalaking pababa ng hagdan. Nakasuot ng itim na suit at ganoon din kay Lazarus. Putlang-putla ang balat at namumula ang mata. Sa isang iglap lang ay nasa tapat ko na siya. Nahigit ko ang aking hininga. Tinitigan niya ako nang mariin tila ba kinokontrol ako. Nilalabanan ko iyon at sinalubong ang tigin niya. “At sino ka naman para salubungin ang kapangyarihan ko?” aniya. “Stay away from her,” ani Lazarus sa likuran niya at basta na lang itong tumalsik papunta sa pinakamalayong dingding nitong mansiyon. Napakalakas ng lagabog at talagang na

