My Girlfriend
DIMITRI
NAGSINDI SIYA NG sigarilyo at sinubo iyon sa kanyang bibig para hithitin. Binuga niya ang usok nito habang nakatanaw sa veranda ng kwarto. Mataas na rin ang araw nang magising siya. Naka-robe lamang siya habang nakatayo roon. Napakaganda ng umaga niya kaya abot-tainga ang kanyang pagngiti. Lumingon siya sa kama kung nasaan si Beatrice na tulog na tulog pa rin. Hinayaan niya na lang munang magpahinga ito. Siya rin naman ang may kagagawan kaya napagod ito nang husto. Hindi niya ito tinantanan kagabi. Halos naka-walong rounds siya sa dalaga. Gawa na rin siguro na unang beses pa lang niya iyong na-experience. Kaya lahat ng inipon niya ay binuhos niya rito. Lalo siyang napangiti sa kanyang naiisip dahil nakatitiyak siyang magbubunga ang pagtatalik nila.
Napalingon siya sa sofa nang tumunog ang cellphone niya. Tinapon muna niya ang sigarilyo at inapakan bago tinungo ang sofa. Nakita niya kung sino ang tumatawag-si Xander. Kinuha niya ang phone at pinatay ang tawag nito. Binura na rin niya ang number nito sa contact list niya.
"Hindi ko hahayaang makuha n'yo sa akin si Beatrice. Bubuhayin ko siya at dito na kami mamumuhay kasama ko at ng magiging anak namin. At hindi ko hahayaang hadlangan n'yo 'yon."
Tumunog uli ang cellphone niya. Papatayin sana niya dahil akala niya ay si Xander na naman, pero nang tiningnan niya kung sino ang tumatawag ay isang unknown number ang lumabas.
"Hello, Mr. Ford?" Narinig niya ang boses ng isang lalaki. Napakunot-noo siya bago tumugon dito.
"Who's this?" seryoso niyang tanong.
"Hello, Sir. I'm the secretary of Mr. Ricafort. He would like to invite you to his birthday party tonight." Napaisip siya at bigla niyang naalala kung sino si Mr. Ricafort.
"Oh, I remember him. Okay, pakisabi sa kanyang pupunta ako," tugon niya.
"Okay, Sir." Pinatay na niya ang tawag at pagkaraan ay tumingin siya kay Beatrice. Iniisip niya kung isasama ba niya ito. Kung iiwanan niya ito rito ay baka maburo lang ito sa kwarto. Hindi naman na siguro siya tatakasan nito. Saka, kung sakaling gawin man iyon ng dalaga ay sinisiguro niyang mahahanap niya pa rin ito.
BEATRICE
MUGTO ANG MGA mata ni Beatrice habang nakatingin sa kisame ng kwarto kung nasaan siya ngayon. Paggising niya ay wala na ang Kuya Dimitri niya, na pinagpapasalamat niya. Mabuti pang huwag na lang niya itong makita dahil pagkamuhi lamang ang tangi niyang nararamdaman sa mga oras na iyon.
Gusto niyang tumakas ngunit paano? Naka-lock ang pinto. Akala niya ay nakahanap na siya ng pagkakataong lumabas nang makitang wala ito sa tabi niya o sa buong kwarto. Pero kahit anong pihit niya sa doorknob ay hindi niya mabuksan.
Napatingin siya sa pinto nang makarinig siya ng kaluskos sa labas. Pinakiramdaman niya kung ano iyon. Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto at pumasok doon ang kuya niya na may bitbit na tray na may lamang pagkain. Tumalikod siya at nagtalukbong ng kumot. Bastos na kung bastos, pero simula nang kinuha nito ang karapatan niya ay nawalan na siya ng galang dito.
"Babe, bumangon ka na. Pinaghanda kita ng pagkain mo," aya nito sa kanya. Hindi siya umimik at hindi siya gumalaw sa pinaghihigaan. Mapaos man ito sa katatawag ay wala siyang pakialam. Kinikilabutan din siya sa pagtawag nito ng 'Babe' sa kanya. "Beatrice, tumayo ka na! Ayaw mo naman sigurong pwersahin kitang itayo d'yan, hindi ba?" nagtitimpi nitong sabi. Napipikit siya kapag tumataas na ang tono nito. Inalis niya ang kumot, umupo siya, at hinarap ito.
"Ayokong kainin 'yan! Kung gusto mo ay ikaw na lang ang kumain!" inis niyang sabi. Nilapag nito ang tray sa side table katabi ng kama at pagkatapos ay humarap ito sa kanya.
"Huwag mo akong sagarin, Bea. Kumain ka kung ayaw mong ikaw ang kainin ko," seryoso nitong sabi. Hindi siya nakaimik. Nag-iwas siya ng tingin habang nakakuyom ang dalawa niyang kamay.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito bago kinuha ang tray at nilapag sa harap niya.
"Kumain ka na. Pagkatapos ay gumayak ka. Aalis tayo." Pagkasabi noon ay humakbang na ito palabas at sinarado ang pinto.
Tama ba ang narinig niya? Aalis sila? Saan naman sila pupunta? Ang ibig sabihin din ba noon ay may chance na siyang makalabas sa kwarto at takasan ito?
Bigla siyang nabuhayan ng loob dahil sa naisip. Pagkaraan ay napatingin siya sa pagkaing hinanda ng kuya niya. Kailangan niya ng lakas para sa planong pagtakas. Hindi niya alam kung saang lugar siya dinala nito. Pero bahala na, basta makalayo siya rito.
ISANG SIMPLENG DRESS na kulay pink ang suot ni Beatrice habang ang buhok niya ay naka-messy bun. Tanging powder at lipgloss lang ang nakapahid sa kanyang mukha. Alas sais na rin ng gabi kaya pinagbihis na siya nito. Hindi niya alam kung saan sila pupunta dahil hindi naman nito sinabi. Napahawak siya sa necklace na nasa leeg niya. Habang naliligo kanina ay noon niya lang napansin iyon. Pero hindi niya alam kung paano nasuot iyon sa leeg niya. Hindi na niya hinubad dahil napakaganda at mukhang mamahalin ito. Natuwa siya dahil bagay na bagay iyon sa kanya.
Bumukas ang pinto kaya napatingin siya roon. Pumasok ang kuya niya na naka-white tuxedo pero bukas ang dalawang butones nito. Naka-wax din ang buhok nito na lalong nagpalabas ng kakisigan ng lalaki. Ngumisi ito nang mapansin ang pagtitig niya. Kaya agad siyang nag-iwas ng tingin at napatingin sa kamay niyang nasa kandungan niya. Nakaupo kasi siya sa kama habang hinihintay ito. Dahil kahit gustuhin man niyang lumabas ay hindi rin siya makalalabas dahil nila-lock pa rin nito ang pintuan sa tuwing iniiwanan siyang mag-isa.
Lumapit ito sa kanya at naglahad ng kamay sa kanyang harapan. Hindi niya iyon pinansin at tumayo siya ng hindi inaabot ang kamay. Mauuna na sana siyang lumakad palabas nang hapitin nito ang baywang niya palapit sa katawan nito. Hinatak siya nito palabas habang mahigpit na nakahawak sa baywang niya. Pilit niyang inaalis iyon pero hindi niya matanggal ang pagkakahawak nito.
"Huwag mong subukang tanggalin dahil hindi mo ako kaya. Gusto kong pagdating natin doon ay huwag kang aalis sa tabi ko. Maliwanag ba?" mariin nitong bulong sa tainga niya. Tumango siya at nagpatangay na lamang dito palabas.
Nakita niya ang isang limousine na nakaabang sa harap ng pinto. Huminto ang Kuya Dimitri niya sa tapat ng mga kalalakihang tila tauhan nito. Nakasuot ang mga ito ng pormal black suit at mga nakahilera sa harap habang nakatingin sa kanila.
"Oscar and Wallex, handa na ba ang regalo ko kay Mr. Ricafort?" tanong ni Dimitri sa dalawang lalaking nasa harap.
"Yes, Boss. Nasa kabilang sasakyan," sagot ng isang long hair na may itsura din naman at may kalakihan ang katawan katulad ng sa kuya niya.
"Very good." Pagkasabi noon ng kuya niya ay binuksan nito ang pinto at inalalayan siyang pumasok. Parang manika lang siya nitong inupo bago ito naupo sa tabi niya. Umusog siya sa dulo at tumingin sa bintana. Hindi naman na siya nito sinuway sa paglayo niya.
Tahimik lang ang kanilang biyahe dahil parehas silang walang imik. Basta nagmamasid lang siya sa paligid. Noong una ay puro dagat ang nakikita niya, pero kalaunan ay may mga gusali na siyang nakikita.
Napatingin siya kay Dimitri nang tumunog ang cellphone nito. Naramdaman siguro nito na nakatingin siya kaya tumingin ito sa kanya. Umiwas naman siya ng tingin at bumaling uli sa bintana. Hindi siguro nito sinagot ang tawag dahil hindi niya ito narinig na nagsalita.
"We're here," tawag pansin ni Dimitri sa kanya. Napatingin siya rito na kasalukuyang nakatingin sa labas ng bintana. Napatingin naman siya sa tinitingnan nito. Bumungad sa kanya ang isang napakataas na gate na maraming nakaparadang sasakyan sa labas. Ilang saglit lang ay bumukas nang kusa ang gate kaya pinasok na ng driver nila ang sasakyan. Namangha siya sa ganda ng bahay. Napakalaki noon, at sigurado siyang napakayaman ng may-ari. Malaki ang kanila bahay pero mas malaki ito.
Huminto na ang sasakyan sa entrance. Paghinto ay may nagbukas ng pinto sa gawi ni Dimitri. Bumaba ang kuya niya at sinilip siya.
"Halika na," sabi nito. Umusog siya para makalapit sa pinto at bumaba. Sinarado nito ang pinto at hinawakan siya uli sa baywang at hinapit palapit. "Huwag kang aalis sa tabi ko. Baka mamaya ay takasan mo pa ako," bulong nito sa mariin na boses, na kinalunok naman niya. "Let's go." Inakay na siya nito papasok sa hall kung saan ginaganap ang party.
Pagpasok nila ay agad silang pinagtinginan ng mga tao. Naibaba niya tuloy ang kanyang tingin dahil sa hiya. May nakita siyang lalaking palapit sa gawi nila. Tiningnan siya nito na tila namamangha pa. Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak ni Dimitri sa kanyang baywang kaya napatingin siya rito. Masama itong nakatingin sa lalaki.
"Stop staring at her if you want me to spare your life," mapanganib na banta ni Dimitri. Bigla naman siyang kinabahan sa mga sinabi nito. Agad namang nag-iwas ng tingin ang lalaki at hindi na tumingin sa kanya.
"Sorry, Sir. I'm the secretary of Mr. Ricafort. He's waiting for your arrival," magalang nitong sabi. Lumuwag naman na ang kapit ng Kuya Dimitri niya sa baywang niya.
"Where is he?"
"This way, Sir, Ma'am," turo nito sa loob ng bahay. Sumunod sila rito na naunang naglakad. Karaniwan sa kanilang nasasalubong ay mga may edad na. Meron ding mga kaedaran ng kuya niya na tila sinama ng mga magulang nila para sa okasyon ngayon. Napapansin niya ang pagtitinginan ng mga kababaihang nasa isang lamesa. Nakatingin ang mga ito sa kuya niya pero parang balewala lang iyon sa lalaki.
Pagpasok nila ay marami ring tao sa loob na tila mga bigating tao. Lumapit ang lalaki na nagpakilalang secretary daw ni Mr. Ricafort. Gusto sana niyang magpaiwan dahil hindi naman niya kilala iyon. At isa pa, gusto niyang makatakas. Pero hindi niya magawa dahil laging nakapulupot ang braso ng kuya niya sa baywang niya.
Tinuro sila ng lalaki sa isang lalaki. Nasa mid-50s na siguro ito. Halatang istrikto ito dahil sa seryoso nitong mukha. Mukha rin itong ginagalang base sa mga taong nakapaligid dito.
"Good evening, Mr. Ricafort. Happy birthday to you, Sir," nakangiting bati ng kuya niya sa matanda. Binitiwan siya nito para makipagkamay. Ngumiti rin ang ginoo at tinanggap ang kamay ng kuya niya.
"Maraming salamat, hijo. Kinagagalak ko ang 'yong pagdalo sa aking kaarawan," masayang sabi ng ginoo.
"Walang anuman, Mr. Ricafort. Hindi ko inaasahang maaalala n'yo pa ako," magalang na ani ng kuya niya sa matanda. Himala at mabait ito sa ibang tao. Pero bakit sa daddy nila ay parang wala itong sinasanto?
Natawa ang matanda. "Syempre, hindi ko makakalimutan ang tumulong sa akin. Kung hindi dahil sa 'yo ay baka wala na ako sa mundong ito nang hindi ko man lang nahahanap ang apo ko." Bigla itong nalungkot nang banggitin nito ang apo. Parang may sumagi sa puso niya nang marinig ang malungkot nitong boses. "Pasensya na at tila naging emosyonal ako," paumanhin nito at pagkaraan ay gumawi ang tingin nito sa kanya. Natigilan ito at pinakatitigan siya.
"Sino itong magandang dilag sa 'yong tabi, hijo?" nakangiti nitong tanong sa kuya niya. Naramdaman naman niya ang paghawak uli ng kuya niya sa kanyang baywang.
"She's Beatrice, Sir, my girlfriend."
Gulat siyang napatingin sa Kuya Dimitri niya nang ipakilala siya nitong girlfriend. Aapela sana siya nang humigpit ang pagkakahawak nito sa baywang niya at pinisil iyon na tila pinahihiwatig na huwag na siyang umapela pa.
"Oh . . . kasintahan mo pala siya, hijo. Siguro ay kaedaran siya ng aking apo. Magandang gabi sa 'yo, hija. Ako si Miguel Ricafort. Salamat at nakadalo ka sa kaarawan ko," nakangiti nitong sabi. Ngumiti siya at malugod na tinanggap ang kamay nito.
"Magandang gabi rin po, Sir Miguel. At happy birthday rin po," nakangiti niyang bati. Nagbitiw sila ng kamay nang may tumawag sa matanda.
"'Pa, kailangan na kayo sa stage, sisimulan na ang celebration n'yo," pukaw ng isang babaeng elegante sa suot nitong red dress. Sa tingin niya ay magkalapit lang ang edad ng kanyang ina at ng babaeng ito.
"O sige, maiwan ko muna kayo. Tumuloy na lang kayo sa hall, hijo, hija," paalam nito sa kanila. Ngumiti siya at tumango sa matanda.
Napansin niya ang pagtingin ng babaeng ginang sa kanya bago nito alalayan ang ama papunta sa sinasabi nitong stage.
"Let's go, Babe," pukaw ng Kuya Dimitri niya at inakay na siya palabas.
Copyrights 2016 © MinieMendz
Book Version 2019