Decision
BEATRICE
KUYA, STOP IT! Mapapatay mo si Diego!” naghi-hysterical siya sa pagsigaw habang inaawat ang kuya niya.
Natatakot siya dahil nakasaksi na naman siya ng nagsusuntukan. Huminto na sa pagsuntok ang kuya niya na kinahinga niya nang maluwag. Tumayo ito kaya lumapit siya agad kay Diego. May dugo sa gilid ng labi nito at maga ang kanang mata na kinasinghap niya.
“God! Are you okay, Diego?” nag-aalala niyang tanong. Pero nabigla siya nang hatakin siya ni Dimitri patayo at agad na kinaladkad. Mahigpit itong nakahawak sa kanang braso niya. Mahigpit at nanginginig pa sa galit. Iyon ang nararamdaman niya sa pagkakahawak nito.
“K-Kuya, let me go! You’re hurting me.” Pilit niyang inaalis ang pagkakahawak nito sa kanya, ngunit mas humigpit lang ito lalo.
“Shut up, you brat! I made a decision now, and no one can stop me, even you,” mariin nitong sabi sa kanya. Hinila siya nito palapit sa limousine na nakabukas ang pinto. Pilit niyang binabaklas ang kamay nito sa pagkakahawak sa braso niya at nagpapabigat din siya upang bitiwan nito ang kanyang kamay.
Lumingon siya sa likod upang humingi ng tulong. “Manong! Tulungan n’yo po ako!” hiyaw niya sa mga bodyguard niya na nakatayo lang at mga nakayuko. Hindi man lang nagsisialisan sa kinatatayuan ang mga ito. Bakit?
Humalakhak ang kuya niya kaya napalingon siya rito.
“Don’t waste your voice, little sister. Dahil hindi ka nila susundin,” mapang-asar nitong sabi. Lalo niyang ginustong kumawala sa pagkakahawak nito. Napatili siya nang buhatin siya at biglang ipasok sa loob ng sasakyan. Nagwawala siya pero useless na rin dahil umandar agad ang sasakyan pagkasakay nila.
“Kuya, please let me go! Bakit mo ba ginagawa ito sa akin? Uuwi na ako.” Nangingilid ang luha niya. Binubuksan niya ang isang pinto na nasa side niya pero naka-lock iyon.
Napasinghap siya nang hatakin nito ang baywang niya mula sa likod. Nakatalikod kasi siya rito habang pilit binubuksan ang pinto. Kaya halos napasandal siya sa katawan nito.
“For us! Ginagawa ko ito para sa atin. At tama ka, uuwi ka. Uuwi ka sa akin,” mariin nitong bulong sa tainga niya. Naguguluhan siya sa inaakto at sinasabi nito. Inalis niya ang kamay nito at gumawa ng distansya sa pagitan nila. Kinakabahan na siya. Bakit feeling niya ay may kakaiba sa kuya niya? Parang hindi ito ang Kuya Dimitri niya.
“A-ano bang pinagsasasabi mo? Hindi ako nakikipagbiruan sa ’yo, Kuya.” Halos manginig ang boses niya. Napayuko siya nang tumingin ito nang masama sa kanya.
“Huwag na huwag mo akong tatawaging kuya! Hindi kita kapatid at hindi rin ako nakikipagbiruan sa ’yo. Dahil sasama ka na sa akin sa ayaw at sa gusto mo,” giit nito. Lumapit siya rito at pinagpapalo sa dibdib. Nagagalit siya sa pinagsasasabi nito.
“I hate you! Ayokong sumama sa ’yo!” Hinawakan siya nito sa braso at pinigilan, pero lalo lang siyang nagwala.
“Stop! Kung ayaw mong halikan kita!” Doon lang siya napahinto, hindi sa sigaw, kundi sa sinabi nito.
“W-what?” Tila nabingi siya. Tama ba ang narinig niya? Hahalikan siya nito?
“Yes, narinig mo naman. Kapag hindi ka tumigil, labi ko ang magpaparusa sa ’yo,” tiim-bagang na sabi nito habang titig na titig sa mga mata at labi niya. Inalis niya ang pagkakahawak nito at lumipat siya ng upuan. Para siyang kinilabutan at nandiri dito. Kapatid at kuya niya ito. Pero bakit ito nakapagsalita ng ganoong bagay?
“Don’t say that, Kuya. It’s gross. You’re my brother,” mariin niyang sabi. Humalakhak ito, pero iyong halakhak na may inis.
“Oh, c’mon. Ampon ka lang ng mga magulang ko, kaya pwede tayo. Kahit nga anakan kita ay pwedeng-pwede.” Mariin siyang pumikit at kinapa ang cellphone sa bulsa. Kailangan niyang humingi ng tulong sa mga magulang niya. Hindi niya makakayanang pakisamahan ang kuya niya. Palihim siyang nag-text nang mabilis habang kunwaring nakayuko.
“Anong ginagawa mo, ha?” Kinabahan siya nang mapansin siya nito at lumapit sa pwesto niya. Lihim na nakahinga siya nang maluwag nang mag send ang text niya bago nito makuha ang cellphone.
“Damn it! Sino ang tinext mo?!” galit nitong sigaw at niyugyog ang balikat niya. Nasasaktan siya sa pagkakahawak nito sa balikat niya.
“Ouch! Masakit! Please, Kuya, tama na . . .” Nabigla siya nang inihiga siya nito sa upuan at daganan. Hindi niya napaghandaan ang paghalik nito sa labi niya. Mapusok at mapagparusa. Tinutulak niya ang dibdib nito pero hinawakan nito ang mga kamay niya at pinirmi sa kanyang ulunan. Umiiyak siya at pilit na umiiwas sa paghalik nito.
“K-Kuya! Huwag! P-please! H-huwag!” Tuloy-tuloy ang pagluha niya habang patuloy sa pag-ilag sa mapagparusang halik nito. Bumaba ang halik nito sa leeg niya at kinagat-kagat ito. Huminto ito at tumunghay sa kanya.
“Higit pa d’yan ang magagawa ko sa ’yo sa oras na galitin mo pa ako. Kaya kung ayaw mong mabuntis agad, sumunod ka sa gusto ko.” Pagkasabi noon ay umalis ito sa pagkakadagan sa kanya at naupo sa tabi niya. Nanghihina siyang naupo at napayakap sa sarili. Tumalikod siya rito habang patuloy sa pag-iyak. Pinagdadasal niyang mailigtas siya ng mommy at daddy niya. Natatakot na siya sa maaaring gawin pa ng kuya niya sa kanya. Hindi niya alam na maaari pala nitong gawin sa kanya ang ganoong bagay. Halos gahasain na siya nito.
Napapikit siya at napasandal sa salamin. Tila naubos ang lahat ng lakas niya. Ubos na ubos na kaiiyak at kapupumiglas. Nanginig siya nang bigla siyang yakapin nito mula sa likod.
“I’m sorry, Babe. Ikaw kasi, sabi ko sa ’yo huwag mo na akong gagalitin,” parang maamong tupang bulong nito sa likod ng kanyang tainga. Gusto niyang lumayo, pero wala na siyang lakas para magpumiglas. Hinihiling niyang sana ay makaalis siya. At ipapangako niyang lalayo siya rito kahit anong mangyari.
Huminto ang sasakyan at kumalas na rin si Dimitri mula sa pagkakayakap sa kanya. Napahinga siya nang malalim nang sa wakas ay lumayo ito.
Binuksan nito ang pinto sa side nito at bumaba, pero nasa bungad lang ito. Para bang hindi siya hahayaang makalabas. Umusod siya nang kaunti nang isarado nito ang pintuan. Sinilip niya ang bintana at tiningnan kung nasaan ito. Nabigla pa siya nang bumukas uli ang pinto at halos mapalundag sa tuwa nang bumungad si Xander.
“Halika na, Beatrice, kailangan na kitang mailayo habang busy si Kuya,” bulong nito at inalalayan siya sa pagbaba. Nang makababa ay tumingin siya sa paligid. Nakita niyang may kausap ang kuya niya na isang lalaki at mukhang mainit ang usapan kaya hindi nito napansin ang pagbaba niya.
“Halika na.” Hinatak siya ni Xander. Maingat silang umalis at tumakbo nang makalayo na sila. May nakita siyang sasakyan na pula at alam niyang kay Xander iyon. Pagkasakay nila ay agad nitong pinaharurot ang sasakyan paalis sa lugar na kinaroroonan.
“Ayos ka lang ba, Beatrice? Mabuti at naabutan namin kayo bago pa kayo makatawid ng ibang bayan.” Bumalik uli sa kanya ang lahat ng nangyari at bumuhos na ang kanyang mga luha.
“H-halos gahasain niya ako, Xander. He’s a devil,” galit niyang sabi habang nakakuyom ang kamao at umiiyak.
Inihinto ni Xander ang sasakyan. Hinarap siya nito at hinawakan sa balikat.
“Shhh, pangako ko sa ’yo na hindi na siya makalalapit pa. Tahan na. Baka mag-alala lang sa ’yo sina Mommy at Daddy kapag nakitang namamaga ang mga mata mo.” Pinahid nito ang luha niya. Suminghot-singhot siya at tumigil sa pag-iyak. Pinaandar uli ni Xander ang sasakyan habang siya ay tumingin na lang sa labas ng bintana.
DIMITRI
SAMANTALA AY NAGWAWALA naman si Dimitri. Pinagsisipa niya ang gulong ng limousine niya. Hindi niya matanggap na naisahan siya ni Xander at naitakas nito si Beatrice.
“FUCKSHIT! DAMN YOU, XANDER!” nanggagalaiti niyang sigaw. Agaran siyang sumakay sa limousine at inutusan ang driver na bumalik upang sundan sina Xander at Beatrice. Napakuyom ang isang kamao niya habang kinukuha ang cellphone sa bulsa.
“Track them, ASAP! Just do what I said!” mariin niyang utos sa kausap sa kabilang linya. Binaba niya ang tawag at tumitig sa wallpaper ng cellphone niya. Ang wallpaper na iyon ay si Beatrice na natutulog. “You can’t escape from me, Babe. The more you run, the more I want to cage you in my arms. You are mine. Your heart, body, and soul are mine,” kausap niya sa litrato ng dalaga. Ngumisi siya at tumingin sa bintana. Kung hindi niya ngayon makukuha si Beatrice, sisiguraduhin niyang sa susunod ay hindi na ito makatatakas pa.
BEATRICE
NAKAHINGA LAMANG NANG maluwag si Beatrice nang makarating sila sa mansyon nang maayos. Sumalubong sa bungad ng pintuan ang mommy at daddy niya. Kaunti na rin ang mga bodyguard sa paligid, tila tinanggal na ang mga iyon sa trabaho.
Huminto na ang sasakyan kaya bumaba siya agad. Tinakbo niya ang kinatatayuan ng mga magulang niya at yumakap sa mga ito. Doon na rin siya tuluyang napahagulgol.
“Mom, Dad, natatakot po ako kay Kuya Dimitri,” humihikbi niyang sumbong. Nagkatinginan naman ang mag-asawa at nalulungkot sa lahat ng pangyayari. Hindi nila akalaing aabot sa punto na magagawa ni Dimitri ang ganoong bagay. Alam nila na galit ito sa kanila, kaya si Beatrice ang napagbuntunan nito. Kaya kailangan sigurong ilayo muna nila si Beatrice at dalhin sa lugar na hindi malalaman ni Dimitri.
Pumasok muna sila sa loob ng bahay upang doon sabihin kay Beatrice ang nais nila. Nahihirapan man sila subalit kung iyon ang ikatatahimik ng lahat ay gagawin nila.
“Anak, napagdesisyunan namin ng mommy mo na dalhin ka sa malayo. Doon ay nakatitiyak kami na hindi ka guguluhin pa ni Dimitri,” sabi ng daddy niya. Napaangat siya ng tingin mula sa pagtingin sa kanyang kamay. Katabi niya ang ina habang nasa kabilang sofa si Xander. Naguguluhan siya sa sinasabi ng daddy niya.
“P-po? Aalis po ako rito?” Tumango ang daddy niya, habang ang mommy niya ay hinahagod ang kanyang likod upang pakalmahin.
“Yes, Darling. Hindi ba’t gusto mo rin namang makakita ng ibang lugar? Kaya naisipan naming ipadala ka sa ibang bansa. Doon ay safe ka at hindi mahahanap ng kuya mo. Dahil hindi natin masasabi na ligtas ka rito. Delikado ang trabaho ng kapatid mo at ayaw ka naming mapahamak, lalo na sa kanya,” paliwanag nito. Hindi niya alam kung makakaya ba niyang malayo sa mga magulang niya at kay Xander, pero alam niya na tiyak na guguluhin uli siya ng kuya niya.
“Pero, Dad, baka hindi makayanan ni Beatrice sa ibang bansa. Alam n’yo namang hindi pa siya sanay sa bansa natin, tapos papupuntahin n’yo sa ibang bansa?” komento ni Xander.
“Alam ko. Pero ’yon lang ang paraan. Hindi natin alam kung ano ang susunod na hakbang ng kuya mo. Baka sa susunod ay kunin uli nito sa atin si Beatrice at tuluyan nang itakas. Baka magsisi pa tayo sa huli. Saka, dadalaw naman tayo sa kanya kaya tiyak na makapag-a-adjust din agad si Beatrice sa ibang bansa.”
“Kung gano’n ay sasama ako sa kanya, Dad. Para kung saka—”
“Paano naman ang trabaho mo? Sino ang tatao ro’n? Hindi naman maaaring ako dahil hindi ko na kaya pang magtrabaho ng mabibigat,” putol ng daddy niya sa sasabihin sana ni Xander. Marahas na napabuga ng hangin si Xander at malungkot na tumingin sa kanya.
Pumikit siya nang mariin at tinatagan ang loob. Kung iyon lang ang paraan ay nakapagdesisyon na siya. Tumingin siya sa kanyang tinuring na pamilya, na minahal at tinuring siyang tunay na anak. Ngayon pa lang ay nami-miss na niya ang mga ito.
Sana ay tigilan na siya ng Kuya Dimitri niya. Kahit baliktarin man ang mundo, kuya niya pa rin ito. Sana ay maisip nito iyon.
Copyrights 2016 © MinieMendz
Book Version 2019