Alas-otso na ng gabi ngunit hindi pa rin natatapos si Daniella sa pinagagawa sa kan'ya ng mama n'ya.Ipinababalot nito sa kan'ya ang mga gulay na halo-halo na ibinebenta nila pang pinakbet.Mabenta kasi ito lalo na at mahal ngayon ang mga gulay kaya mas gusto ito ng mga costumer nila sa palengke.
Wala pa siyang nabubuklat maski na isa sa mga take home lessons nila kaya naman nagmamadali na s'ya.Pagod rin kasi ang Mama at Papa n'ya dahil bukas maaga pa ang mga ito na gigising upang maghango ng mga para sa paninda nila sa puwesto.Kailangan kasi madaling araw ang mga ito lumuwas upang mauna sila sa mga magagandang klase ng isda dahil kapag medyo inumaga na ang mga ito ay mga pulos napagpilian na ang mga naiuuwi ng mga ito.
Iniunat n'ya muna ang mga bisig at humikab.Napansin naman s'ya ng mama n'ya kaya bumaling ang atensyon nito sa kan'ya.Nakaharap ito sa kan'ya at mahina itong nagsalita dahil tulog na rin ang papa n'ya at ayaw na nitong maistorbo ang papa n'ya.
"Ako na gagawa n'yan matulog ka na Dani,"
Tumango lamang s'ya dahil inaantok na talaga s'ya.Inilapag na n'ya ang kutsilyong hawak at ipinagpag ang mga palad.Sa totoo lang, ang dati niyang makinis na palad ay napalitan na nang magaspang na may kalyong mga daliri.Ilang taon na rin kasi ang negosyo nilang iyon at s'ya palage ang nakatoka sa paghihiwa ng mga gulay.
Hindi naman sa nagrereklamo s'ya,ngunit siguro ayaw na niya ang ganoong buhay kaya gano'n na lamang ang pangarap niyang makatapos sa pag-aaral,kaya naman malaki talaga ang utang na loob n'ya kay Father Calix.Sa pagka-alala n'ya rito ay naisip n'ya bigla ang ibinigay nito sa kan'ya kanina.
"Ma,'wag na po pala kayo mag-alala sa Ibang bayarin ko sa school,binigyan pala ako ni Father ng allowance,"
Sandali niyang nilingon ang Mama n'ya ngunit tulog na pala ito.Naiiling na lang niyang pinagmasdan ang mga ito.Sa babà naman ng mga ito nakahiga ang mga kapatid n'ya.Siksikan sila sa bahay na iyon.Masikip lang ang bahay nila at kung saan sila nagluluto,kumakain,naglalagi sa umaga ay iisang puwesto lang 'yon.
Mas maige na kasi iyon kaysa naman mangupahan pa sila sa mas mahal.Sa dami 'ba naman nilang magkakapatid ay mahihirapan talaga silang humanap ng murang mauupahan.Dito kasi ay 'di hamak na mas mura lamang silang makakatira,
Kumuha lamang s'ya ng banig at kumot at humiga na rin s'ya pagkaraan ng ilang sandali,ay nakatulog na rin si Daniella.
Mabangong amoy ng sinangag na kanin at amoy ng paborito niyang tortang talong at hotdog ang gumising kay Daniella.Gising na ang lahat at wala na rin ang mga kapatid n'ya sa higaan.Napasarap masyado ang tulog n'ya dahil sa pagod kagabi.Saglit s'yang natulala habang hawak ang magulong buhok.Iisipin pa niya kung ano 'ba ang una niyang gagawin.Maliligo o kakain?
."Ate,gising ka na hindi ka 'ba papasok?"tanong ni den-den sa kan'ya.Ang pang-lima at sumunod sa kan'ya.
Saka lamang naalimpungatan si Daniella at naisip n'ya bigla na may klase nga pala s'ya sa umaga.Nilingon n'ya ang orasan at nakita nga niya ang oras,ten minutes bago ang alas otso 'y mediya.Alas nuebe pa naman ang pasok n'ya ngunit dahil sa dalawang kanto rin ito mula sa kanila at may kalayuan din ang daan.Kailangan pa niyang maligo at kumain kaya kailangan mas maaga pa s'ya kumilos.
Mabilis niyang iniligpit ang higaan at kinuha ang tuwalya.Dumukot muna s'ya sa lamesa ng hotdog at kinain iyon nang mabilis.Nakita naman s'ya ng Ina n'ya at nakasimangot ito sa ginawa n'ya.
"Hala,kumain ka nga nang maayos Dani!"singhal ng mama n'ya sa kan'ya.
Sinubo lang n'ya iyon lahat, saka hinablot na ang tuwalya at pumasok na sa banyo.Iiling-iling na lamang ang mama n'ya.Kahit na kailan talaga ay napaka gaslaw kumilos ng anak n'ya.Paano pa kaya ito makakabibingwit ng mayamang binata sa eskuwelahan nito kung ganito na lamang ito kumilos? Natawa ito nang mahina sukat sa naisip na bagay na iyon.
Mabilis lang na natapos si Daniella sa pagligo dahil malamig din naman ng umagang iyon.Mabilis siyang nagbihis ng pantalon at t-shirt at sinuklay lamang ang lampas leeg lamang niyang buhok.Hindi na s'ya nagpulbo o make-up.Hindi s'ya sanay na maglagay ng kolorete sa mukha n'ya kahit 'ba na minsan,nasasabihan na siyang tomboy dahil sa kasimpehan n'ya.
Nakabihis na s'ya nang mag-mano s'ya sa mama n'ya at nagpaalam sa mga kapatid na aalis na s'ya.Nasa labas naman ang papa n'ya at nag-aayos ng kariton dahil sabi nga nito ay doon na lamang sila pupuwesto dahil mas mabili sa labasan kaysa sa mismong palengke.Isa pa ay lugi rin sila sa upa nila araw-araw sa puwesto roon dahil 'di naman kalakihan ang kinikita nila sa isang araw.
"Dani!Aalis ka na 'ba?"tanong ng mama n'ya kahit pa nakita na nitong nasa bungad na s'ya ng pintuan nila.
"Opo Ma,aagahan ko na lang mamaya.May gagawin pa kasi ako nakalimutan ko na gawin ang assignment kagabi,"tugon n'ya sa mama n'ya.
Hindi na s'ya humingi rito ng baon o pamasahe dahil may pocket money naman s'ya na ibinigay kagabi lang ni Father Calix.
Inabot nito sa kan'ya ang palad at ibinigay sa kan'ya ang singkuwenta pesos.
"Nakalimutan mo anak,pang-snacks mo rin 'yan.Pasensya na muna at gipit pa tayo eh,"isiniksik nito sa palad n'ya ang hawak na pera.
Umiling naman s'ya at ibinalik n'ya ang iniaabot nitong pera sa kan'ya.
"Pang meryenda na lang 'yan ng mga kapatid ko Ma, kahapon binigyan pala ako ni Father malaking halaga rin 'yon,"
Bigla itong humarap sa kan'ya at tumingin sa mga mata n'ya.Kung sa tama ang hinuha n'ya kumislap pa ang mga mata nito.
"Talaga Anak?Naku,talaga itong si Father napakabait na tao talaga sa atin hulog ng langit!"pinag salikop pa nito ang mga palad na tila nagdarasal.
Tumirik na lang ang mga mata n'ya sa reaksyon nito sa sinabi n'ya.Sa bagay,malaking bagay nga naman talaga ang mga tulong nito sa pamilya nila mula noon pa man.
"Sige Ma,Pa,una na po ako ha?"kumaway na s'ya para sabihin sa mga itong nagmamadali na talaga s'ya.
Mabilis ang oras at ayaw naman n'ya na mahuli s'ya sa klase.Malapit lang naman dito ang campus halos dalawang kanto nga lang mula dito sa Camias street,ang Campus naman nila ay nasa Kakarong street.
Lakad-takbo na ang ginawa n'ya dahil gusto niya pa sana dumaan sa library ng school.Hindi n'ya pa nakikilala ang ibang guro nila dahil kahapon ay unang araw pa lamang ng klase at baka ngayon nga ay makilala na n'ya ang iba sa mga ito.
Naalala n'ya ang grupo nila Winston.Dumagdag sa kaba sa dibdib n'ya ang kaisipang panibagong araw na naman ang haharapin at titiisin.Sana makapag pigil pa rin s'ya sa mga ito.Naiisip pa lamang n'ya ang nakakalokong mga ngiti nito,at boses nito ay nag-iinit na agad ang ulo n'ya rito.Ewan bakit ganoon na lang kalakas ang dating nito sa kan'ya.
Baka naman totoo talaga ang kasabihan.Kung gaano mo kamahal ang tao ay ganoon na lang din ang inis mo rito?Parang tanga siyang umiling habang naglalakad sa gilid ng kalsada at nagsalita pa.
"Sa panaginip puwede pa!"ismid n'ya habang nasa balintataw ang imahe nitong nakangiti sa kan'ya.
Malapit na s'ya sa gate ng campus,inilabas n'ya na ang i.d n'ya nang mula sa kung saan ay may tumulak sa kan'ya na dahilan para mabitawan n'ya ang bag,na nakabukas pa man din.Tumalsik ang laman niyon may isang dipa rin ang layo mula sa kan'ya.
Dinig n'ya ang ingay ng grupo sa likuran n'ya at nagsisihan pa ang mga ito.Nilingon muna n'ya ang mga ito at ganoon na lamang ang gulat n'ya.Sila Winston ito.Ang nakabangga sa kan'ya ay ang nerd nitong kaibigan na nakasalamin,sa hitsura nito ay mukhang tinulak lamang ito ng nasa likod nito na si Clifford,kung hindi s'ya nagkakamali sa pagka-alala sa pangalan nito.
"Naku,sorry miss.Hindi ko nakita tinulak kasi ako ng mga ito eh.Tulungan na lang kita,"yumuko ito upang pulutin ang ibang gamit niyang tumalsik.
"Kasi naman bakit kayo naghaharutan alam n'yo naman na hindi lang kayo ang tao rito,"nakasimangot niyang sagot dito.
Hindi na s'ya nagsalita pa dahil maayos naman nitong naibigay ang lahat sa kan'ya at pinunasan pa nito ng panyo ang bag niya.
"Pasensya ka na talaga ulit heto na ang bag mo oh,"nakayuko nitong hingi ng paumanhin.
Inabot lamang n'ya iyon at hindi na nagsalita pa.Lalo at nakita na n'ya ang mga kasama nito na nakatingin sa kan'ya.Napansin n'ya si Winston.May sugat ito sa mga labi at bahagyang namaga pa nga iyon.Napatigil ito sa pagtawa nang makita s'ya.Napa away 'ba ito?Nawala ang ngiti sa mga labi nito nang magtama ang mga mata nila.
"Hoy,ito talaga si Lucky hindi nag iingat,"kunwari ay pinagalitan nito ang nakabangga sa kan'ya.
Umismid lamang s'ya rito at hindi na ito pinansin.
"Kita mo 'to kinakausap ko pa tatalikuran na ako.Hoy!"sigaw nito sa kan'ya ngunit nag tuloy-tuloy na s'ya at binilisan na ang paglalakad.
Ayaw na n'yang maabutan s'ya ng mga ito dahil titignan na naman s'ya nang masama 'pag nakita s'ya ng grupo nila Rheanon.Baka sabihin nito ay kunwari lamang s'ya sa sinabi n'ya kahapon sa mga ito na hindi n'ya type si mokong.Napangiti s'ya sa naisip n'yang bansag dito.Kung ano-ano na nga ang naitawag niya rito mula pa kahapon.Bakit kaya may bangas ang guwapo nitong mukha?
Wow,ha.Pinuri pa n'ya ito.Lihim niyang kinurot ang sarili sa naisip n'ya.Walang guwapo sa ugali nito.Ismid n'ya at mabilis na ngang lumakad o mas tamang sabihin na tumakbo na s'ya para maunahan na n'ya ang mga ito sa room nila.