Kahit na inunahan na n'ya ang grupo nila Winston ay sadya yatang kambal n'ya ang malas o mas tamang sabihin na magnet s'ya nito.Akalain mo 'ba naman na papasok na lang s'ya lahat-lahat sa room nila sasalubong sa kan'ya ang nakapa-maywang na si Rheanon,at syempre kasama nito ang mga alagad nito. "So.."wika ni Rheanon habang pumipilantik ang mga daliri nito sa braso nito. "Kaya naman pala s'ya gano'n na lang kung lumapit kay Wins,totoo pa lang gold-digger s'ya?"itinuro pa s'ya nito sa pagitan nang pagsasalita nito. "Ako 'ba?"sarkastiko n'yang tanong. Pagod na kasi s'ya at isa pa,nahalata naman n'ya na natutuwa lamang ito kapag pinapatulan n'ya ito.Isa pa,malapit na rin dito ang isang grupo na iniiwasan n'ya.Ano ba'ng mayroon sa kan'ya bukod sa ganda at nagkakaganito ang buhay n'ya? Lihi

