Nakakaloko ang mga ngiti ni Winston habang nakatitig ito sa kan'ya at kaharap nito ang kaibigan n'ya na panay ang tanong dito ng kung ano-ano.Hindi naman ito nagsungit at nagulat pa nga sy'a dahil in-entertain pa nito si Dave. Clasmate pala sila nito.Bumalik na raw ang pamilya nito noong nakaraang buwan pa sa Manila dahil namatay daw ang papa nito at dito na sila maninirahan sa mga abuelo n'ya.Masaya nga sy'a dahil may kaibigan na s'ya rito bukod kay Nico.Mabait naman ito 'wag lang nga s'ya nito ida-daldal.May pagka-maretes kasi itong kaibigan n'yang ito. "Matagal na 'ba kayong magkaibigan ni Daniella?"tanong ni Clifford na noon ay nakita na rin niyang nakihilera na rin sa mga ito. Napansin niyang tila aliw na aliw naman ang mga ito sa kaibigan n'ya.Napaismid s'ya.If i know,naguwapuhan

