Rheanon Naningkit ang mga mata ni Rheanon habang pinagmasdan n'ya ang grupo nila Daniella na masayang-masaya na nagkukumpulan sa isang sulok ng room na iyon.Binulungan n'ya ang katabing si Cherry na katulad n'ya ay hibang na hibang rin sa campus crush nila na si Winston Berk. Hindi sila nagpakahirap para mag-ship sa Nursing mula sa kurso nilang Education na nasa third year college na sila noon.Oo gano'n sila kabaliw dito.Hindi na sila nanghinayang sa pera dahil kung tutuusin ay bawing-bawi naman sila kung makukuha ng isa man lang sa kanila si Winston.Mayaman ang pamilya nito at sa pagkakaalam pa nila,ay nag-iisang anak lang ito ng mag-asawang Sandoval. Mayaman din naman ang mga magulang nila.Pinsang buo sila ni Cherry ngunit sa kanila na ito nakatira.Ulila na kasi itong lubos at ito ang

