CHAPTER 14 Nakaupo si Daniella sa bench habang pinapakalma s'ya ng mga kaibigan.Sinamahan na s'ya ng mga kaibigan ni Winston ngunit umalis ito at hindi nagsabi kung saan pupunta.Na-trauma s'ya sa ginawa sa kan'ya ng mga kaibigan ni Rheanon.Hanggang ngayon nga ay nanginginig pa ang katawan n'ya 'pag naiisip n'ya ang ginawa sa kan'yang pagtali kanina. "Halika na nga Dane!Pumunta na tayo sa school office!Hindi ko talaga mapapalagpas ang ginawa sa'yo ng mga 'yon eh!Bakit 'ba ayaw mo sila isumbong ha?"sigaw ni Dave na gigil na gigil sa galit. "Ayoko lang na pahabain pa ang nangyari..Iiwasan ko na lang din sila siguro naman hindi na nila 'yon uultin pa," Nakayuko niyang paliwanag dahil iniisip n'ya na baka lalo lang lumaki ang g**o kapag nagsumbong pa s'ya.Isa pa ayaw na rin niyang dagdagan

