Nakatulog si Daniella at nagising na lamang s'ya sa boses ng isang pamilyar na tinig na nakakainis sa pandinig n'ya.Oo,boses pa lang talaga nito kilalang-kilala na n'ya at nakakainis na para sa kan'ya.Naalala n'ya ang huling tagpo kanina bago s'ya napunta sa sitwasyon na ito.Oo nga pala,kasama n'ya ito ngayon.Dahan-dahan n'yang iminulat ang mga mata at tumambad sa kan'ya ang nakakunot nitong mukha. Agad s'yang nag-obserba sa paligid n'ya dahil mahirap na,may kagaguhan ito baka kung saan pa s'ya dinala nito ngunit laking pagkamangha n'ya nang isang kaaya-ayang tanawin ang bumungad sa kan'ya.Hindi s'ya pamilyar sa lugar na iyon ngunit dahil nakita n'ya mula sa 'di-kalayuan ang isang sign board alam niyang nasa isa silang resort. May sarili itong deck kung saan doon ay malaya mong mapagmama

