Malamig ang simoy ng hangin sa taas at mabini iyong humahampas sa buhok at mukha ni Daniella.Tahimik lamang itong nakaupo sa 'di-kalayuan habang tinatanaw ang magandang tanawin na iyon.Nakadagdag pa sa mabangong amoy ng hangin doon ang mga bulaklak na sabi ni Winston ay koleksyon daw ng mommy nito. Nasa kalagitnaan na s'ya nang pagguhit n'ya at halos hindi n'ya na napansin pa ang pagbalik ng kasama n'ya sa tabi n'ya.Sandali itong nagpaalam kanina para umalis at may kukunin lang daw ito at ngayon nga na bumalik na ito ay may dala-dala nga itong isang paper bag na may mga pagkain. Nakapagbihis na rin ito ng suot na uniporme kanina at sa palagay pa nga n'ya ay naligo pa ito.He looks so perfectly handsome with his sexy eyes,perfect jaw and his long muscular legs.Nasilip n'ya iyon ngayon dahi

