Dumidilim na kaya napagpasiyahan na ni Daniella na umuwi na s'ya at pumayag naman ito at ihahatid na raw s'ya sa kanila.Medyo kinakabahan na s'ya 'pag uwi n'ya dahil unang-una hindi naman s'ya nakapagpaalam sa mga magulang n'ya na gagabihin s'ya ng uwi ngayon. Hindi naman nagger ang parents n'ya ngunit kinakabahan s'ya sa mga sasabihin nito kapag nakita ng mga ito kung sino ang kasama n'ya.Ayaw niyang isipin ng mga ito na nakikipag-boyfriend s'ya dahil wala pa rin naman talaga 'yon sa isip n'ya at nagkataon lang talaga na napasama s'ya rito ngayon. Pasimple niyang tinapunan ito nang tingin.Maayos naman ang itsura nito napaka guwapo nito malinis manamit at kung unang tingin ang pagbabatayan mukha itong seryoso.Wala naman din s'yang masabi rito dahil kahit na mayaman ito ay hindi naman it

