Nakayuko lang si Daniella habang nanliliit s'ya sa sarili n'ya sa mga sandaling iyon. Pakiramdam n'ya ay isa siyang ibon na mataas ang lipad na biglang bumagsak sa lupa. Masakit na nakakahiya ang pakiramdam n'ya ngayon. Kanina ay dumaan ang grupo ni Winston sa harapan nila at binati sila ng mga kasama nito ngunit hindi n'ya alam kung ano ba ang kasalanan n'ya rito kung bakit bigla na lang tila nagbago ang ihip ng hangin at pagtrato nito sa kaniya. Pakitang tao lang pala talaga ang mga pinakita nito sa pamilya n'ya kagabi. Kumurap-kurap s'ya habang nakayuko upang sandaling pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata n'ya lalo pa at alam niyang walang ano mang ideya ang katabi n'yang si Nico sa upuan sa mga nangyayari sa kaniya ngayon. Isang tikhim nito ang nakapagpabalik ng is

