NANATILING nakapako ang aking mga mata sa nakasarang pintuan ng silid ni Liliana, habang bitbit ng aking puso ang napakabigat na damdamin. Mula nang ibalita sa amin ng mga bodyguards ang nangyari kay Liliana ay agad na nagtawag ang lalaki ng kaniyang mga tauhan at inutusan sila na ihatid ako pauwi sa bahay niya. Ilang oras na rin ang nakararaan ngunit wala pa rin akong naririnig na balita mula kay Alexan. Naiwan akong balisa, puno ng takot, kaba at pag-aalala para sa batang tinuring ko nang sarili kong anak. Dahil sa hindi ko alam kung ano ang aking gagawin, ay dinala ako ng aking mga paa sa kuwarto ni Liliana. Nang masilayan ko ang mga nagkalat na laruan at kung anu-ano pang gamit sa loob ng silid ng bata ay hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng aking mga luha. Lalo pa akong napahagulgol

