FIVE months later… “Uwaaaaaa!” Kusang umangat ang aking labi sa isang ngiti nang marinig ang palahaw na iyon na nagmumula sa aking silid. Nagmadali ako sa pagtimpla ng gatas niya, at nang masigurong nasa angkop na temperatura na ito ay agad kong nilisan ang kusina at nagmadaling pumasok ng aking silid. Sa munting kama ay natagpuan ko ang isang sanggol na kumakaway ang mga mumunting kamay sa ere habang napupuno ang aking kuwarto ng mga iyak nito. Agad ko itong nilapitan at nilapag muna sa gilid ng kama ang feeding bottle nito bago ko ito marahang dinala sa aking mga bisig. Almost immediately, the baby’s cries when she felt that I was carrying her. “Tahan na, Paulina Mikhaella,” marahan kong ginalaw ang aking mga braso upang tuluyan itong mapatahan. Hindi nagtagal ay tumigil na ito sa p

