MY eyes flew to his face when I heard the smile in his voice. Nakita kong nakatitig din si Alexan sa larawang kaniyang hawak. Pilit ko ring inaalala sa aking isip kung totoong nagkatagpo ang mga landas namin ni Alexan na mas matagal na kaysa sa aking unang akala. Ngunit kahit galugarin ko ang aking utak ay hindi ko matagpuan ang alaala ng pagsasalubong namin. Base rin naman sa sinabi ni Alexan ay maaaring hindi ito pumasok ng antique shop na iyon, at baka ay umalis din ito agad kaya noong lumabas na ako ng tindahang iyon ay hindi ko ito nakita. Hindi ako makapagsalita dahil sa dami ng impormasyong ibinahagi ni Alexan. But he remained smiling, reliving a memory inside his brain that I didn’t know I had a part in it. “Hanggang sa makabalik kami ng Terreva, that girl’s smile is all tha
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


