14. Conditions

2487 Words
“NICE choice of name.” Muntikan ko nang maibuga ang iniinom na tubig nang marinig ang boses ni Alexan mula sa aking likod. Matapos ang almusal ay niyaya ako ng anak nito na pumunta sa likurang bahagi ng bahay. Akala ko ay wala nang makakatapat sa ganda ng harapang bahagi ng mansyon ng aking amo, ngunit halos lumuwa ang aking mata nang makita kung gaano kaganda ang nasa likurang bahagi nito. Mayroong isang malaking swimming pool doon at may daang papunta sa isang maliit na palaruan, na hula ko ay pinagawa para kay Liliana. Nanatili lang akong nakatayo sa gilid ng swimming pool habang pinagmamasdan ang batang naglalaro sa damuhan kasama ang isang golden retriever. Nilingon ko ang lalaki at agad na nakaramdam ng pagsisisi dahil sa pagpapakilala ko sa anak niya, “p-pasensya na po, Sir. Sabi niyo po kasi…” hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil sa hiyang naramdaman. Napayuko na lamang ako’t tahimik na pinagmamasdan ang malinaw na tubig ng swimming pool habang hawak ang baso ng aking nanginginig na kamay. Narinig ko ang mahinang paghinga ng lalaki nang pumuwesto ito sa aking tabi. “It’s fine. I just hope this won’t last long. She would probably remember your name if you’d stay here longer.” Ayaw ko rin namang manatili ng matagal dito, Sir Alexan. Dahil alam kong masasaktan ang anak niyo kung makakasanayan na niya ako’t aalis ako ng walang pasabi. Kinimkim ko na lang sa aking sarili ang ninais kong sabihin, at piniling hubarin ang suot na sandals at maupo sa gilid ng pool. Napangiti ako nang maramdaman ang lamig na dulot ng tubig na humahalik sa aking balat. Nilapag ko ang bago sa aking kanan at itinukod ang mga kamay habang pinagmamasdan si Liliana na tila ay kinakausap ang aso habang may hawak itong bola. “Matalino ang anak niyo, Sir Alexan. Madali siyang nakakaintindi ng mga bagay,” puna ko sa katabi nang maramdaman kong gumaya ito ng posisyon sa akin. Nilingon ko ito at nakitang nakangiti ang lalaki habang sinusundan ng kaniyang mata ang bawat kilos ni Liliana. Hindi ko na lang inintindi ang malakas na t***k ng aking puso at ibinalik ang paningin sa batang naglalaro, “napalaki niyo po siya ng maayos, Sir.” Ilang sandali pa ay napansin kong tumayo na si Alexan kaya sinundan ko ng tingin ang paggalaw nito. Pinagpag ng lalaki ang suot nitong pantalon bago ito naglahad ng kamay sa akin, tinanggap ko naman ito at ginawang suporta sa pagtayo habang iniyuyuko ang aking ulo sa takot na mapansin ng lalaki ang pamumula ng aking pisngi, “come on, I have to show you something.”  Tumango naman ako rito at dali daling sinuot ang hinubad na sandals saka sinundan ang lalaki habang nakatingin sa aking kamay na hindi pa rin nito binibitawan. Ginamit namin ang malaking hagdanan nila upang makaakyat sa pangalawang palapag ng bahay.  Nagpabaling baling ang aking ulo habang namamanghang pinagmamasdan ang disenyo ng mga kwartong aming nadaraanan. Saka pa lang pinakawalan ng lalaki ang aking kamay nang matapat kami sa isang pintuan. Mayroon itong kinuha sa kaniyang bulsa – isang susi – at binuksan ang pinto. Iginiya naman ako ni Alexan papasok sa silid bago nito isinara ang pinto at binigyang buhay ang mga ilaw.  Nakita kong isa itong malaking opisina, na parang library dahil sa dami ng mga librong nakahanay sa mga istante sa gilid. Mayroon ding malaking mesa sa gitna na katulad ng mesa nito sa kaniyang opisina sa publishing company at puno ito ng mga papel at nasa gilid ang compturer nito. Lumapit ako sa kinatatayuan ng lalaki nang makitang binuksan nito ang computer at kumuha ng isang silya. Akala ko ay uupo si Alexan doon ngunit hindi ito naupo.  “Sit down,” utos nito kaya agad naman akong tumalima. Pumuwesto ang lalaki sa aking gilid habang nag-ii-scroll ng mga files sa computer. Hindi ko naman maiwasang hindi mailing dahil bahagyang malapit ang mukha nito sa akin. Pinili ko nalang na ituon ang atensyon sa computer niya. Natapos din ito sa paghahanap ng file niya at pinindot ang enter. Naningkit ang aking mata sa pagtataka nang makitang isa itong video at tila ay isang cctv footage dahil sa labo ng pagkakakuha at nasa malayuan pa ang puwesto nito. Mataman kong pinagmamasdan ang pinapakitang isang babaeng nakatayo sa labas ng isang gusali. Hindi ito gumagalaw at tila ay mayroong pinagmamasdan mula sa loob. Nagtatakang nilingon ko si Alexan at tinanong kung tungkol saan ang pinapakita nito sa akin. “You were right about something. There was a woman standing outside Liliana’s prep school that morning.” Nanlaki ang aking mata nang maalala ang tungkol doon at naibalik ang mga mata sa screen ng computer. Ngunit kahit inilapit ko na ang aking mukha sa monitor ay hindi ko makita ang mukha nito dahil nakatagilid ito mula sa kinalalagyan ng cctv.  Sinubukan ko ring i-analisa ang hubog ng katawan nito ngunit mahirap ito dahil makapal ang suot nitong jacket at nakapantalon rin na puro kulay itim. Gumuhit ang kaba sa aking dibdib dahil sa posibilidad na baka ito nga ang asawa ni Alexan. “We checked all of the CCTV footage that surrounds the school’s perimeter. But the woman seemed to know where the cameras are. Hindi talaga namin makita ang mukha ng babae,” narinig ko an gpagbuntung-hininga nito at napansing umayos na ito ng tayo. Napatayo na rin ako habang pinagmamasdan ang misteryosong babaeng nakatalikod na mula sa camera at naglakad paalis, “so we don’t have a proof yet that it was really Giselle.” “Pero sabi nung babae…” pinilit kong huwag mautal habang kinakabahang napatitig sa lalaking malalim din ang iniisip. “We talked to the interviewer you mentioned, but they weren’t sure if it was really you or Giselle. Ang sabi niya lang ay nakita raw niya ang gilid ng mukha nito at inakalang ikaw iyon,” sambit ni Alexan. Maririnig sa boses ng lalaki ang hirap ng pinagdaraan nito sa paghahanap ng kaniyang asawa kaya hindi ko mapigilang makaramdam ng awa sa kaniya. Dahil sa hindi ko na makayanan ang bigat ng nararamdaman, ay nagpaalam muna ako sa lalaki na lumabas ng silid. Hindi ko hinintay ang sagot nito at agad na nagtungo sa labas ng opisina ni Alexan na mabils ang paghinga. Napahawak ako sa aking dibdib at pilit na pinakakalma ang sarili. Hindi ko maiwasang isipin na kung ang asawa nga iyon ng lalaki, ay ano ang maaaring dahilan kung bakit nito pinagtataguan ang kaniyang pamilya. “Are you okay?” Mahinang sabi ng lalaki sa aking tabi. Ni hindi ko na namalayan na katabi ko na pala ito habang pilit na pinahihina ang malakas na kalabog ng aking puso. “O-oo, Alexan,” minabuti kong tawagin ito sa kaniyang pangalan dahil sa takot na baka may makarinig sa amin, “Ayos lang ako.” Nagbuntung hininga ito at mapapansing marami rin ang bumabagabag sa isipan ng lalaki. Alam kong hirap na hirap na ito sa mga nagyayari sa buhay niya, at hindi ako makapaniwala kung paano pa nito nagagawang maging kalmado. Kung ako man ang nasa katayuan ng lalaki, malamang ay matagal na akong nawala sa tamang pag-iisip. “Come on, I’ll show you to your room.” Sinundan ko ang daang tinahak ng lalaki, at napansing bahagya itong malayo sa hagdanan papunta sa ibaba. Lihim akong napangiti dahil sa kaisipang pumili ito ng kuwartong malayo sa maaaring daraanan ng maraming tao. Pinihit nito pabukas ang pintuan ng isang silid at sinamahan ako sa loob ng isang malaking kuwarto. Simple lamang ang disenyo nito ngunit ang isa sa nakapagpa-awang ng aking bibig ang laki ng kamang nasa gitna ng silid, isa itong four-post bed at kulay light blue ang kobre-kama pati ang mga unan. “I noticed that you don’t like to mingle with many people, so I chose this room for you. My room is directly in front of yours,” narinig ko itong tumikhim ngunit hindi ko magawang tingnan ang lalaki dahil nililibot ko pa ang bawat sulok ng silid. Nakita ko ang aking gamit na nakalagay na sa mga cabinet at nang mabuksan ko ang isang pinto ay namangha ako nang makitang nakasabit na roon ang aking mga damit at nakapuwesto ang mga sapatos sa sahig nito. “If you ever need something, I’ll be in my room,” sambit ni Alexan bago ko naramdamang papalayo na ang presensya nito at narinig ang mahinang pagkakasara ng pinto. Nang maisara ko ang pintuan ng closet ay tumambad sa akin ang isang box na nasa tapat ng isang malaking bakanteng cabinet. Upang makumpirma kung tama ang aking hinala ay nilapitan ko ang kahon at binuksan. I kept a smile to myself as I confirmed what was inside the box – my collection of angel figurines. He must’ve remembered about what I did to him back at my apartment when he was about to touch the pieces of porcelain. To keep myself busy I decided to place the figurines on the empty cabinet and started on filling the space up. Mapipigilan ko pa kaya ang kakaibang pagtibok ng aking pusong dulot ng presensya ng lalaki kung alam na alam nito kung paano hulihin ang aking atensyon? I foolishly thought, making me smile like a kid that is about to get a cookie from the jar. I didn’t know how much time I consumed in arranging my collection, but when I finally placed the last of them and felt satisfied on how every single piece filled the space inside the cabinet, my shoulders felt a bit funny. I shrugged the dust from my hands and placed the now empty box to the far corner of the room and took a slow twirl as I re-examined the room I’m in.  This wide room didn’t give any justice to my small room in the province, and especially the tiny bedroom I had at the apartment. But what amazed me when my hands touched the soft fabric of the curtains is that it covered a glass doorway that led to a veranda. Feeling like a child that’s about to arrive to Narnia, I snapped the glass door open and took small steps out to the balcony. The view it gave me was the backyard where I could clearly see the water reflecting the light from the pool. I sigh in contentment as I filled my eyes with the beauty of the place. The man clearly knew how to pick a spot to live in and build a family. It’s such a shame that this ruckus caused his life to fall on a pit. Nakarinig ako ng katok sa pintuan at ang mahinang boses ng isang kasambahay na nagsabing handa na raw ang hapag para sa tanghalian. Hinintay ko munang lumayo ang yabag ng paa ng kasambahay bago nagmadaling magbihis ng damit. Nang matapos at makalabas ng silid ay nakita ko ang pintuan sa aking tapat na nakaawang ng kaunti. Hindi ko man kita kung may tao roon ngunit sapat na ang kaalamang kwarto ito ni Alexan upang maramdaman ang pag-iinit ng aking pisngi. Pinili ko na lang na maglakad palayo at tinahak ang daanang kinabisado ko papunta sa hapag kainan. Pagdating ko roon ay naroon na si Liliana na tumatawa habang sinusubuan ng isang kasambahay. Nang makita ako nito ay agad na inilahad nito ang mga braso at tinawag ako palapit.  “Mommy! Subo me food pwease, Mommy. Not yaya, pwease.” Natawa ako kung gaano ka-cute ang boses nitong magmakaawang ako ang magpakain sa kaniya. Agad din naman lumayo ang kasambahay nang makalapit na ako sa kinauupuan ng bata. Kinuha ko ang upuan sa tabi nito at pumuwesto sa gilid ni Liliana. “Okay, big girl. Mommy will feed you,” sambit ko ng may ngiti sa labi at nagsandok ng pagkain sa kutsara upang ipakain kay Liliana.  Namangha ako ng agad itong tumalima at ibinuka ang bibig habang naghihintay na subuan ko siya. Ginawa kong parang choochoo train ang kutsara bago ito isinubo sa bata. Natatawa naman nitong nginuya ang pagkain sa kaniyang bibig at napapapalakpak pa ng kamay. Sa kalagitnaan ng panananghalian namin ni Liliana ay saka pa lang nakarating si Alexan sa dining room. Lumapit muna ito sa anak niya at pinatakan ng halik sa noo bago umpo sa upuan sa tapat namin ng bata. Kumuha na rin ito ng pagkain mula sa hapag at walang imik na sinimulang kumain.  Paminsan minsan ay nagtatama ang aming paningin ngunit agad ding umiiwas ang lalaki at piniling tingnan ang anak niyang katabi ko. Naubos na rin ang pagkain ng bata at agad itong umalis sa kinauupuan at nagpunta sa kung saan kung kaya ay naiwan kami ng lalaki sa hapag. Tahimik na pinagpatuloy ko ang aking pagkain habang lihim na pinagmamasdan ang lalaki. Wala naman itong kahit anong ekspresyon sa mukha, kalmado lang ito at tahimik na nginunguya ang pagkain. “What do you plan on doing for the rest of the day?” I turn to Alexan when I heard him say something for the first time since he came to the dining room. I swallowed the food from my mouth and grabbed the glass of water to drink some before I answered him.  “Siguro ay tatawagan ko po iyong kapatid ko para mangumusta,” then I remembered something about Alicia. “Sir, tutal ay binayaran niyo naman po ang upa ko roon sa apartment at walang nakatira roon sa ngayon. Iimbitahan ko po sana ang kapatid kong tumira roon para naman ay hindi na siya umuwi ng probinsya. Magpapatulong na rin ako kay Alicia na mag-alaga kay Ma sa facility paminsan-minsan, nagdadalang-tao rin kasi ang kapatid ko.” He swept the table napkin on his face and nodded his head in agreement. “That would be good. Just tell me when she arrives at Terreva, I’ll make sure someone will drive her safe to your apartment.” “Naku, Sir. ‘Wag na po, nakakahiya naman po sa inyo ‘yun,” mabilis kong tanggi sa alok ni Alexan. Sobra sobra na ang tulong na binigay niya sa amin, at hindi ko na alam kung paano pa ito masusuklian kung pati ang tungkol sa pag-imbita ko kay Alicia sa Terreva ay tutulong pa siya. “I insist,” he gave me a hard look that was too intense to handle, making me bow my head as I felt my cheeks go warm, “hindi pwedeng ikaw ang kumuha sa kaniya mula sa daungan ng barko. Some people might notice you.” I sigh in defeat and nod my head to not let the argument go any further. I finished the meal in from of me and took a swig from the glass of water before I stood up and silently left the dining room to go upstairs. He was always right about everything. I can’t fetch Alicia from the seaport soon since at any point of time, the articles on our interview would be released, and the chances of people noticing me would be higher. It would add to the fear that people would know about our act. I sigh again as I turned the knob and went inside my new room and sat at the side of the bed, thinking about how long it would take for us to do this act and when would it ever end.    ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD