13. Liliana

2241 Words
NAAALIMPUNGATANG bumangon ako mula sa aking kama nang tumunog ang aking alarm. Sabado na ngayon, at ito ang nakatakdang araw ng paglipat ko sa bahay ni Alexan. Kinusot ko ang mga mata at nang luminaw ang aking paningin ay tumambad sa aking harap ang mga gamit kong nasa loob na ng mga kahon. Nagsimula ako sa pagbabalot ng aking mga gamit noong Huwebes ng gabi at kagabi pa lang ako natapos na ilagay sa mga kahon ang mga gamit na kailangan kong dalhin papunta sa bahay ng lalaki. Sandaling nag-unat ako ng aking katawan bago tuluyang umalis ng kama at inayos ang sarili. Kakatapos ko lang na mag-toothbrush at manghilamos ng mukha ng makarinig ng katok mula sa labas ng apartment. Nang lumapit na ako rito at pinagbuksan ang kung sino man ang nasa labas ay saglit akong natigilan nang makita si Alexan na nakatayo sa hallway. Nakita ko itong napaiwas ng tingin sa akin kaya na-eksamina ko ang aking sarili.  Agad kong naramdaman ang pag-init ng aking pisngi nang hindi ko namalayan kung gaano ka nipis ang aking suot. Simpleng puting t-shirt lamang ito at maliit na shorts na kulay asul na siyang ginamit kong pantulog, at wala pa akong suot na bra kaya malamang ay bakat sa suot kong damit ang aking dibdib.  Agad kong tinakpan ang aking sarili gamit ang aking mga braso at niluwangan ang pagkakabukas ng pinto upang makapasok ang lalaki. Hindi ko naman kasi inaaasahan na maaga itong darating upang kuhanin ang mga gamit ko mula rito sa apartment kaya nakampante pa akong magising ng hindi maaga. Narinig ko itong tumikhim kaya napaiwas na rin ako ng tingin kay Alexan, “you can go to your room and get ready. I will haul the boxes while you’re at it,” sambit nito nang hindi man lang nakatingin sa akin. Agad akong tumalima at nagmadaling pumasok sa bedroom upang makapagbihis. Nakakahiya rin naman kung paghihintayin ko ito, na siyang amok o pa sa aking pinagtatrabahuan, kaya agad akong naghanap ng disenteng masusuot. Pinili ko nalang na magsuot ng mas makapal na puting blusa at ipinares  ito sa itim na pantalon. Nagsuot na rin ako ng simpleng sandals na babagay sa aking suot. Malinis ko namang sinuklay ang aking buhok at nang masiyahan na sa aking hitsura ay saka ko binuhat ang kahong puno ng aking mga damit at dinala sa labas ng apartment. Naabutan ko pa ang lalaking pabalik mula sa baba at nag-ambang kuhanin ang kahon mula sa aking bisig.  “Huwag na po, Sir. Kaya ko na po ito.” Tahimik na lang itong tumango at pumasok sa silid upang kuhanin ang natitirang kahon ko ng aking koleksyon. Nauna na akong makababa at inilagay ang gamit sa nakabukas nang likuran ng sasakyan ni Alexan. Pinagpag ko ang aking kamay at bumalik sa itaas upang kuhanin ang aking cellphone at ang susi bago ko maisara ang aking apartment at iniwan ang susi kay Nay Nelly. Nang matapos ako ay nakita ko si Alexan na hawak hawak ang cellphone nito at nagtitipa ng kung ano habang nasa bulsa ang isang kamay niya. Lihim kong hinangaan kung gaano niyakap ng liwanag ng umaga ang lalaki. Simple lang ang suot nitong itim na pantalon at v-neck na t-shirt na kulay asul. Ngunit kahit ganoon lang ang suot nito ay alam kung sinuman ang mapapadaan sa harapan ng lalaki ay tiyak na mapapahinto. I silently composed myself before I walked towards his direction. When he saw me stop in front of him, he made a subtle pause, as if he found something on my face, before he tucked his phone inside the pocket of his pants and clicked the passenger seat’s door open.  I gave a small smile to him before taking the seat inside. Alexan shut the door close and turned towards the driver’s seat and got inside as well. Without a single word, he started to drive away from the apartment building towards his home, which I didn’t know where. Saktong huminto kami sa daan at naabutan ang red light nang tumunog ang cellphone ng lalaki. Napalingon ako rito at nakita kong itinapat na sa kaniyang tainga ang kaniyang telepono. Ayaw ko namang makinig sa usapan ng ibang tao kaya ay ibinalik ko ang tingin sa daan. Ngunit tila ay sinadya ng lalaki na iparinig sa akin ang pinag-uusapan nila ng taong nasa kabilang linya dahil i-s-in-et ni Alexan ang loudspeaker mode. “Daddy, you left so early,” dinig ko ang cute na boses ng hula kong anak ng lalaki. Nakinig na rin ako sa pag-uusap nila habang nakatingin pa rin sa kalye. “Sorry, Lilypad…” kusa akong napangiti dahil sa pagtawag nito sa kaniyang anak. Sobrang lambot din kasi ng boses nito na ngayon ko lang narinig mula sa lalaki. “You know what, baby? I have someone that I know you’d like to meet.” Napatingin na ako kay Alexan dahil sa sinabi nito. Binalot agad ako ng kaba dahil alam kong magsisimula na ang aking pagpapanggap kapag kaharap ko na ang anak niya. “Who is it, daddy?” Nakarinig ako ng kaluskos mula sa kabilang linya at tila ay mayroon itong nilalaro. “Your mommy.” Nang sabihin iyon ni Alexan ay nagtama ang aming paningin. Lihim kong hinintay kung anuman ang magiging reaksyon ng batang katawag ng lalaki. “I though I’m maliit pa, Daddy,” rumehistro mula sa kabilang linya ang mahina nitong paghikbi. “You said I should eat more first before I see mommy.” Mayroong pinindot ang lalaki sa kaniyang cellphone at nawala na ang pagkaka-loudspeaker mode at kinausap ng mahinahon ang anak niya. Nakaramdam naman ako ng awa sa bata dahil kahit nakasama ko ang aking ama noon na namayapa na, ay na-miss ko ang aking Pa dahil sa narinig sa munting paslit. Iniwas ko na lang ang paningin kay Alexan at yumuko habang pinigilan ang pagtulo ng aking luha. Nagwagi naman ako ngunit naroon pa rin ang bigat na nararamdaman sa aking puso. Ilang sandali pa ay napansin kong ibinalik na ni Alexan ang cellphone sa bulsa niya at nag-drive nang muli. Lihim ko lang itong pinagmamasdan mula sa gilid ng aking mata habang iniisip kung paano ako aakto sa harap ng anak niya. “She doesn’t know a thing about her mommy.” Napalingon ako sa gawi ng nagmamanehong lalaki nang magsalita ito. Napakunot ang aking noo dahil sa hindi ko maintindihan ang sinambit niya sa akin. Tila ay nahulaan nito ang aking pagkalito dahil nagpatuloy ito sa pagsasalita. “I only showed Liliana some pictures of you – of her mom,” pagtatama nito sa kaniyang sinabi. “But I never told her Giselle’s name, or told my daughter a thing about her.” “Bakit naman?” Hindi ko napigilang itanong.Napatingin ito sa akin at ngumiti ngunit agad rin itong napawi at binalik ang atensyon sa daang tinatahak.  “I don’t want to fill her with things about a person who chose to leave her own child,” kahit na kalmado lang ang boses nito ay batid ko ang sakit na nararamdaman nito. Hindi na lang ako naimik at sinandal ang ulo sa upuan habang nakatingin sa labas. Kahit alam kong nasa Terreva pa rin kami ay nakikita kong pakonti ng pakonti ang nadaraanan naming mga gusali at parami na rin na parami ang mga kakahuyan sa gilid ng daan. Siguro ay napili ni Alexan na manirahan sa lugar na malayo sa maraming tao, para maproteksyunan ang lihim nito at ang kaniyang anak. Simula nang makilala ko ang lalaki ay marami na rin akong nalalaman tungkol sa kaniya, at isa sa mga katangian nito na nagkakahawig kami ay ang manatiling malayo sa mata ng karamihan. Ayaw nitong matapat sa ilalim ng spotlight ngunit alam kong nangyari ang interview na iyon dahil sabi niya ay hindi niya na mapipigilan ang mga media na makapasok sa personal niyang buhay. Kaya ko nga piniling magtrabaho sa Terreva dahil sa ayaw kong marami ang makakakilala sa akin. Ngunit nag-iba ang naging takbo ng aking tadhana, simula nang makilala ko si Alexan. Ilang sandali rin ay nakita kong papasok na kami sa isang gate ngunit hindi ko pa tanaw ang bahay ng lalaki mula rito. Ilang metro pa ang tinahak namin hanggang sa unti-unting tumambad sa akin ang isang magarang bahay na walang katulad ang laki. Halos magpormang bilog ang aking bibig habang hinahangaan ang tanawin sa labas ng sasakyan.  Modern ang panlabas na disenyo nito at lalo pa akong namangha sa lawak ng lupang nakapaligid dito. Alam ko naman na mayaman si Alexan, ngunit hindi ko inaasahan ang bahay na gaya ng nakikita ko ngayon. Huminto ang sasakyan sa gilid ng malawak na hagdanang kaunti lang ang baiting na maghahatid sa amin papasok sa bahay ng lalaki. Hindi ko magawang ialis ang paningin sa aking paligid at naabutan pa ako ni Alexan na nakatunganga habang inaalis ang seatbelt dahil nakalabas na pala ito ng sasakyan at hinihintay akong bumaba habang hawak hawak ang pinto ng passenger’s seat. Agad kong inayos ang sarili at bumaba na ng kotse. Kumapit ako sa nakalahad nitong kamay – lihim na nagulat nang wala akong maramdamang hiya sa lalaki – at hinayaan itong tangayin ako papasok ng bahay niya. Hindi pa kami nakakaabot sa pintuan ay kusa itong bumukas at iniluwa ang tumatakbong batang babae. Napahigpit ang aking hawak sa kamay ng lalaki dahil sa hindi ko alam kung ano ang aking gagawin.  “Daddy!” agad itong yumakap sa mga binti ng lalaki at ginawaran si Alexan ng matamis na ngiti. Binawi naman ni Alexan ang kaniyang kamay at nangingiting binuhat ang kaniyang anak at pinugpog ito ng maraming halik sa mukha. Natatawa naman ang batang inilalayo ang mukha mula sa kiliting dulot ng ginagawa ng lalaki. Sadyang nakakataba ng puso ang tanawin sa aking harap kaya walang malay akong napakapit sa angel na pendant ng kuwintas na hindi ko na hinubad mula noong sinuot ko ito. Nakakatuwang pagmasdan ang bonding ng mag-ama na aakalain mong matagal na hindi nagkita kahit naman ay magkasama ito sa iisang bahay. Nang makahuma ang bata sa pangungulit ni Alexan ay nagtama ang mga mata namin. Napasinghap ako dahil magkatulad na magkatulad ang hitsura nila ng lalaki. Mas maganda ito sa personal, at tila ay hindi nabigyan ng hustisya ang litrato sa pitaka ng ama nito dahil mas prominente ang mga detalye sa mukha nito.  Dahan dahan itong kumalas mula sa pagkakayapos ng kaniyang ama at maliliit ang mga hakbang na ginawa nito palapit sa akin. “Mommy…” Nakita ko ang namumuong luha sa mga mata ng bata kaya agad akong lumuhod upang salubungin ito ng yakap. Agad itong tumakbo palapit sa nakalahad kong braso at mahigpit akong ginawaran ng yakap. Dama ko ang pagnginig nito dahil sa pag-iyak kaya dahan dahang niyakap ko pabalik ang bata at hinaplos ang kamay sa malambot nitong buhok.  “Mommy, Daddy said I still have to eat more food before I meet you.” Kumalas ito sa pagkakayap sa akin at naluluhang tiningnan ako sa aking mata. Nadama ko rin ang maliit nitong kamay na humaplos sa aking pisngi kaya kusa na ring tumulo ang aking luha nang hindi ko namamalyan. “Am I not maliit na, Mommy? Am I big now?” Mahina akong napahagikgik sa tinuran ng bata kaya pinunasan ko ang luhang naglandas sa kaniyang pisngi gamit ang likod ng aking kamay.  “Yes, Liliana. You’re a big girl now.” Agad itong ibinalik ang pagkakayakap sa akin kaya nakita ko si Alexan na tahimik lang kaming pinagmamasdan. Hindi ko mabasa kung ano ang masa mukha ng lalaking kaharap, ngunit kitang kita ko ang pamumula ng mga mata ni Alexan na tila ay pinipigilang maiyak. Ginawaran ko ito ng maliit na ngiti, na sinuklian din naman ng lalaki. Saka pa ito lumapit sa amin ni Liliana at kinuha ang bata upang kargahin. Kalong man ng kaniyang ama ay hindi inaalis ng bata ang mata niya sa akin, na tila ay minememorisa ang aking mukha. Nagsimula naman maglakad papasok sa bahay si Alexan kaya tahimik akong sumunod dito. Habang nasa hapag at kasama ang mag-ama sa pag-aalmusal ay hindi ko maiwasang mamangha kung paano naturuan ni Alexan si Liliana na gumamit ng maliliit nitong kubyertos kahit napakamura pa lang ng isipan nito. Paminsan minsan din naman ay sinusubuan ng lalaki ang bata ngunit mas gusto nitong hindi siya pakialaman.  At kahit na ay sa kauna-unahang pagkakataon na nakita ng bata ang akala niyang ina niya, ay hindi ako nito inulan ng mga tanong. Tahimik lang itong kumakain at minsan ay natatawa sa mga biro ni Alexan sa kaniya. “Mommy, what is yow name?” Natigil sa ere ang kamay kong may hawak na kutsara dahil narinig ko ang unang tanong mula kay Liliana. Ibinaba ko ang aking kamay at magsisimula na sanang makipag-usap sa bata nang makita ko ang lihim na pag-iling ni Alexan, siyang tanda ng hindi nito pagsang-ayon sa kung anuman ang aking gagawin. Naalala ko naman ang sinabi ng lalaki noong nasa sasakyan pa kami. I never told her Giselle’s name, or told my daughter a thing about her. Hinarap ko si Liliana na nginunguya ang pagkain sa kaniyang bibig at nginitian, “Rachelle. My name is Rachelle, anak.” Kusang nagtungo ang aking mata sa lalaki at nakitang natigilan ito dahil sa aking sinabi, ngunit wala naman akong makitang pagtutol mula sa kaniya.  Siguro ay maayos lang rin kay Alexan na sinabi ko ang aking tunay na pangalan dahil alam ko namang hindi magtatagal ang set-up na ito. Kailangan ko lang naman sigurong manatili ng ilang linggo dito upang mawala ang duda ng mga taga-media at sa ganoon ay makakawala na ako sa pagpapanggap na aking ginagawa. “Pweety name, Mommy. Pweety name,” sambit ng bata bago ibinalik ang atensyon sa pag-aalmusal. Napangiti na rin ako at nagpatuloy sa pagkain.    ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD