“THANKS for accompanying me,” sambit ng lalaki nang maupo ito sa gilid ng swimming pool. Nilapag din nito ang dalawang baso sa marmol na sahig at ang isang bote ng Lagavulin.
Sumama na rin kasi ako kay Alexan. Hindi man ako masyadong sanay sa inuman ay tawag na rin ng kalamnan ang nagpaupo sa akin sa tabi ng lalaki. Napasabak na rin ako sa inuman noong nakatira pa ako sa probinsya ngunit puro pang-matanda ang mga inumin doon, kaya hindi ko alam kung paano guguhit sa lalamunan ang alak na napili nito.
“Ayos lang, Alexan. Matagal na rin akong hindi nakaka-inom ng alak,” sabi ko sa katabi at napangiti nang marinig ang mahinang tawa nito.
Narinig ko ang malalim na paghinga nito at nagsimulang salinan ng alak ang mga baso. Inabot naman ni Alexan ang isa sa mga baso sa akin at nahihiya ko itong tinanggap,
“I made an oath to myself to stop drinking. But the turn of events these past few months,” nakita ko ang pag-iling nito sa kawalan at inisang lagok ang laman ng sariling baso, “I’d get crazy if there’s no alcohol.”
Ito, subok lang. kung tatawa siya ay i-iisang lagok ko rin ang nasa baso ko, mahinang sabi sa sarili bago bumaling kay Alexan.
“Bakit po kayo mababaliw? Hindi naman kayo bacteria ah?”
“What?” Halos masamid ito sa bagong salin na alak sa baso niya, saka tumawa ng pagkalakas-lakas. “Your joke was terrible,” sambit nito ngunit patuloy pa rin ang panginginig dahil pinipilit na pigilan ang tawang makawala sa kaniyang bibig.
Dali-dali ko namang tinapat ang baso sa aking labi upang maitago ang pagngiti, habang nilulunok ang laman nito. Nae-enjoy ko naman ang init ng alak na gumuguhit sa aking lalamunan at napa-ahh dahil sa lasa. Medyo matapang nga ang alak na ito ngunit hindi naman masakit sa lalamunan.
Hindi nga naman nakakatawa iyong sinabi ko, ngunit naging sapat pa rin upang mapahalakhak si Alexan, at um-echo pa ito sa papadilim na paligid.
“Woah, slow down woman,” natatawang untag nito nang makitang inabot ko ang walang lamang baso at naghintay na masalinan ng lalaki. Ngunit taliwas sa sambit nito ay binuhusan pa rin ni Alexan ang aking baso, “but I think you’re experienced in drinking, though. Giselle drank a small amount of this and she easily went limp,” matapos iyong sabihin ng lalaki ay saglit itong natigilan bago inilayo ang mga mata sa akin.
Pati rin ako ay nagulat sa tinuran niya, ngunit nakadama rin ng kung anong kirot sa aking dibdib. Pinilit ko na ring iiwas ang tingin kay Alexan at lihim na nanlumo habang pinagmamasdan ang tubig sa swimming pool. Pinaglaruan ng aking paa ang malamig na tubig na naabot nito habang iniisip ang mga bagay na kahit ano’ng gawin namin ay mananatiling nakaharang sa gitna namin ng lalaki.
“I never loved Giselle.”
Nanlalaki ang mga matang nilingon ko ang lalaki. Hindi ko inaasahang ganoon ang mga salitang magmumula sa bibig nito. Hindi ko rin magawang paniwalaan iyon dahil hindi naman ito maghihirap na hanapin ang asawa kung hindi niya nga ito mahal. Nanatili na rin lang akong tahimik upang marinig kung ano pa’ng nais ibahagi sa akin ni Alexan, na siyang nakatitig sa pinag-aagawang kalangitan ng dilim at liwanag.
“We were married according to our parent’s decision,” itinapat nito ang baso sa mga mata at tila ay naghahanap ng mga sasabihin mula doon. Pinaglaruan muna ng lalaki ang alak bago ito sumimsim at nagsalitang muli, “I admit that I felt some kind of attraction towards her, and that led Liliana to us. But sadly, after the night she gave birth to my daughter… she left without a warning.”
I can hear the pain lingering on the man’s voice, and I felt pity towards him. I moved a bit closer to his side and poured myself a glass then looked back at him again. What I can’t help to notice aside from his angst, is that he’s addressing his feelings for his wife on a past tense. I don’t want to sound assuming, but I silently hope that it wasn’t just a mere coincidence. I remained silent and mimicked his action, looking at the now jet black sky with little specks of shine on it as I drank from my glass.
“What about you, Rachelle?” Napalingon ako kay Alexan nang tawagin nito ang pangalan ko. “You’ve already known the abridged story of my life. Let me hear about yours.”
“Hindi ba ay pina-imbestigahan niyo ako? Alam mo na dapat ang lahat ng tungkol sa akin,” hindi ko alam kung dulot ba ng alak ang tapang na naramdaman at sinagot ko ng pabalang ang lalaki. Ngunit upang hindi mawala ang tapang na iyon ay nakipagtagisan na rin ako ng titig dito.
“Smart-ass,” naiiling na bulong nito bago nilapit ang baso sa bibig. Ginaya ko rin ang ginawa nito hanggang sa maubos ang laman ng baso ko. Iniwas ko na rin ang mga mata sa nagbabagang titig nito dahil sa hiyang naramdaman.
Hinihiling ko nalang na sana ay hindi mahalat ng lalaki ang pamumula ng aking pisngi habang nagsasalin ako ng alak. Wala rin naman kasing ibang ilaw na malapit sa pwesto namin kundi ang ilaw na nasa gilid-gilid ng swimming pool.
“Well, I’m not sorry about Ethan,” nagtatakang tiningnan ko ang gawi ng lalaki habang nagsasalin sa sarili nitong baso.
Saglit ding nanlaki ang aking mga mata nang makita kong halos kalahati na pala ang nabawas sa bote ng alak na iniinom namin. Hindi rin naman nakakagulat na ang pati sa nakaraang relasyon ko ay alam nito, ngunit ang nakapagpa-kunot ng aking noo ay ang sinabi nito.
“Bakit naman?”
He looked at me with a feverish look in his eyes which instantly gave me the sudden chills, “he was a jerk for leaving you just because he couldn’t handle a long-distance relationship,” Alexan said with any hesitation.
“Hindi naman siya ang nakipagbreak-up sa akin. Mutual decision ‘yun, kasi pareho naming ayaw ng long-distance relationship,” pagpapaliwanag ko sa lalaki ngunit hindi pa rin nagbago ang ekspresyon sa mukha niya na tila ay hindi pa rin ito kumbinsido sa sagot ko.
“But still, he was a jerk.” Hindi na lang ako umalma sa pangungutya ng lalaki at uminom na lang ng alak mula sa basong hawak. Ngunit nang nais ko na itong salinan ay hindi ko na mahagilap ang bote, kaya napalingon ako sa kaniya.
“That’s enough for you, woman. I don’t want to drag you upstairs when you get yourself drunk,” sambit nito habang inilalayo ang bote ng alak papunta sa kabilang gilid ng lalaki.
“Eh hindi pa naman ako lasing ah,” bulong ko na lamang sa hangin bilang pagprotesta sa ginawa ng lalaki. Narinig ko ang mahinang pagtawa nito at sumali na rin sa paglalaro ng tubig gamit ang mga paa. Tama rin naman ang lalaki, medyo naparami na rin ata ako ng inom at hindi na dapat ako sumobra, kasi may trabaho pa bukas.
Nakakaramdam na rin ako ng bahagyang pagkahilo na baka ay dulot ng alak – at naalala ko ring hindi pala kami kumain ng hapunan kaya siguro ay madali akong na-tipsy. Dahil na rin siguro sa espiritu ng alak sa aking katawan ay dahan dahan akong dumausdos pababa ng swimming pool. Halos mapahiyaw pa ako nang rumehistro ang halos mala-yelong lamig ng tubig.
With a half-mind, I started to swim towards the other side of the pool. Wala na siguro ako sa sariling katinuan at natatawa pa nang iniahon ko ang aking ulo mula sa tubig habang parang batang naglalaro sa gilid ng swimming pool. Namamanghang napatingala ako sa dami ng bituwin na kumikinang mula sa itim na langit. Minsanan ko lang kasi itong makita rito sa Terreva, at halos gabi-gabi naman akong nakatanaw sa ganoon doon sa probinsya. I sigh in contentment as I breathed the subtle breeze of the night in.
“Are you okay?”
“Ay butiki!” Napatalon ako sa gulat nang mayroon bumulong sa aking tainga. Hawak hawak ko ang aking dibdib at nilingon ang pinanggalingan ng boses at nakita at seryosong mukha ni Alexan. Katulad ko ay nakalublob na rin ito sa tubig na kumpleto pa ang suot. “Ano ba naman ‘yan Sir, ba’t kayo nanggu—” reklamo ko sa lalaki ngunit napahinto dahil sa nakita.
I was almost drooling when I saw a droplet of water fall from the man’s forehead and took its slow drop down to his face. My heart skipped a thousand beats as I noticed how the damp shirt clung to each defind muscle of Alexan’s body. My mouth almost went dry as I saw the form of his abdomen as the water slapped on it.
Tama nga si Gracie, mangingisay nga ako dahil sa abs ng amo namin.
“Enjoying the view?”
Napaiwas ako ng tingin sa lalaki nang maramdamang uminit ang aking pisngi. Hindi naman ako makahanap ng matinong sagot sa kaniya kaya nanatili akong tahimik. Ngunit nang makita ko mula sa gilid ng aking mata ang papalapit na bulto nito at nagkusang pumikit ang aking mga mata at hinihiling na sana ay may dumating na kung sino upang maputol ang nangyayari sa puntong ito.
“S-Sir, a-ano po’ng g-ginagawa niyo?” Alam ko na hindi dahil sa lamig ng tubig kung bakit ako nauutal – dahil ito sa presensya ng lalaking nasa harapan ko na ngayon. Hindi pa rin ako makahanap ng lakas ng loob upang salubungin ang mata nitong alam kong nakatuon sa akin.
“Rachelle, look at me.”
Maraming dahilan ang nagsulputan sa aking isip na maaari kong gamitin upang hindi sundin ang nais nito. Ngunit nangibabaw pa rin ang kagustuhan kong tumalima sa bawat utos ng lalaki.
Nahihiyang sinalubong ko ang malamlam na mata nito. “Sir…”
Unti-unti pa itong humakbang palapit sa akin kaya ay unti-unti rin akong napapaatras. Ngunit ilang hakbang lang ang aking nagawa nang maramdaman ang malamig na marmol. Nakita ko rin ang saglit na pagkurba ng mga labi ng lalaki na tila ay nasiyahan nang makitang nasa pinakagilid na ako ng pool.
“You were already doing it, Rachelle. Why are you stopping now?”
“H-hindi ko po kayo maintindihan,” nanghihinang tanong ko sa lalaki. Hindi na rin ako makapag-isip ng matino dahil lango na ako ng alak at nahihirapan na rin akong huminga ng maayos dahil sa pagkakalapit ng lalaki. Nailagay ko pa ang mga kamay sa aking dibdib sa kaba – na siyang nagmistulang harang ko sa sarili mula sa kaniya.
“Stop calling me Sir,” inisang hakbang na nito ang natitirang espasyo sa pagitan namin ngunit wala naman itong ibang ginagawa, “Call me by my name.”
“S-sige, A-Alexan,” I closed my eyes and tried to will myself to breath calmly. But I couldn’t do such thing, since I could only smell the beautiful and intoxicating scent emanating from the man who’s just a heartbeat away. Please, I plead in my mind to nowhere even if I didn’t know what I was asking for.
Should I ask him to step away, or step a little closer?
“I’ve also tried to stop myself, Rachelle,” the man said. My toes curl under the cold waters as I heard the desperation in his voice. Alexan’s voice was tense, rough, and strained – as if he was struggling to keep his self together. “I’ve tried, I f*****g did. But now, I can’t help it.”
Unti-unti kong nilingon ang lalaki at lalong nag-init ang mga pisngi nang makitang tulad ko, ay mabibigat na rin ang paghinga nito. Ang mga mata nito ay naglandas patungo sa aking labi. Mas lalo pang bumigat ang paghinga nito at tila ay nahihirapan na ring bumalik sa tamang pag-iisip.
“Saan?” The question left my lips in a breathless whisper.
Nang magtagpo ang mga mata namin ay saka ito nangpakawala ng mahabang hininga at kinunsumo ang natitirang espasyong nasa pagitan namin, “to do this,” paungol na sabi nito at marahang hinawakan ang aking pisngi bago inangkin ang aking labi.
~