Naglalakad si Aira galing comfort room nang may maulinigan siya. Boses ng mga bata. Grupo ng mga batang tila nagtatalo.
Dahan dahan siyang naglakad para hindi makagawa ng ingay. Tinunton niya ang pinagmulan ng mga boses. Napakislot siya nang marinig ng sigaw ng isang bata. Ang mga boses ay nagiging klaro sa kanyang pandinig habang papalapit siya sa lugar. Ang mga boses ng bata ay nanggagaling sa likod ng comfort room ng mga lalake.
"Give me your phone? Or I will break your leg?" banta ng isang bata. Nanlaki ang kanyang mata sa narinig. Nagmadali siya sa paglalakad dahil sa pag-aalala na baka lumala ng away ng mga bata ay may masaktan sa kanila.
"And why should I? Did you bought this phone for me huh?" Matapang na sagot ng isang bata. Nakilala niya ang boses. Nanlaki ang kanyang mga mata dlnang mapagtantilong boses iyon ng anak ni Yen na si Yazer.
Saktong dumating siya sa lugar nang biglang tadyakan ng isang bata si Yazer sa tiyan.
"Hoy!" sigaw ni Aira sa mga bata. Nagulat naman ang mga ito pagkakita sa kanya. Nabitawan ng dalawang bata ang hawak sa magkabilang braso ni Yazer. Nakayuko na ang bata at sapo ang tiyan marahil ay nasaktan siya. Patakbo siyang lumapit sa mga ito at hinatak si Yazer palayo sa kanila at hirang ang katawan sa mga nakaaway nito.
Namutla ang batang nanakit kay Yazer. Mas malaki ang katawan nito kumpara kay Yazer.
"Bakit mo siya sinaktan?" tanong ni Aira ngunit hindi sumagot ang bata. Nakatitig lang siya kay Aira, marahil ay dala ng takot kaya hindi ito mkasagot. Hindi nila inaasahan ang biglang pagdating niya. "Humanda kayo," turo ni Aira sa tatlo. "Hindi ko palalampasin itong ginawa ninyo. Makakarating ito sa guidance office. Lahat kayo, ipapatawag ko ang mga magulang ninyo. Mga bully kayo." saad ng dalaga at iniwan na sila habang hatak si Yazer palayo doon.
"Are you sure walang masakit sayo?" tanong ni Aira sa bata. Umiling ang bata bilang tugon. "Ano ba ang kasalanan mo sa kanila? Lagi ba nilang ginagawa ito sayo?" tanong ulit ng dalaga sa bata.
"Wala akong kasalanan," conyong turan ng bata. "They just want me to do what they want but I don't. That's irritates me." paliwanag ng bata habang salubong ang mga kilay. Kasalukuyan sila ngayon nasa clinic at hinihintay ang school nurse, nasa canteen kasi ito at nag break lang sandali.
Pagkatapos i check ng nurse ang bata ay inihatid na niya ito sa kanyang room. Wala namang kahit na anong galos ang bata at sinabi pa niya sa nurse na hindi masakit ang kanyang tiyan na tinadyakan kanina ng kanyang kaklase.
Ni-report niya ito sa kanyang teacher, nangako naman si teacher Ida na makakarating ito sa guidance at ipapatawag ang both parents ng mga batang involve kabilang si Yazer.
Pinag iisipan ngayon ni Aira kung sasabihin ba niya ito kay Yen. Ngunit ayaw niyang pangunahan ang eskwelahan. Besides wala sa custody ni Yen ang bata at nasa ama nito.
"Malalim yata ang iniisip mo?" untag sa kanya ni Sanny, kasalukuyan silang nakaupo ngayon sa gate ng school hinihintay nila ang pagsapit ng lunch break ng mga estudyante. Napabuntong hininga siya bago sumgot.
"Kanina kasi, nahuli kong pinagtutulungan 'yung batang transferee."
Napatitig sa kanya si Sanny, "Sino? 'yong anak ng magandang babae? Iyong dumalaw noong isang araw?" sunod-sunod na tanong niya sa dalaga. Tumango naman si Aira bilang tugon.
"Pinag iisipan ko kasi kung dapat ko bang sabihin ang mga nangyari sa nanay ng bata." dagdag ni Aira.
"E, kung ako ang tatanungin sa tingin ko naman ay walang masama kung malaman niya. Anak n'ya yun e. 'Di ba, kaya nga niya kinuha ang phone number at f******k account mo para makibalita sa mga nangyayari sa anak n'ya?"
"Oo."
"Oh, e di sabihin mo. 'Yung nga lang at hindi siya ang ipatatawag sa guidance kamo, dahil tatay niya ang bibigyan ng notice ng principal."
"Mamaya i te-text ko sa kanya."
Nang sumapit ang gabi bago matulog si Aira ay nag text siya kay Yen. Sinabi ang totoong nangyari sa anak niya kanina sa school. Pagkasend ni Aira sa text message niya kay Yen ay wala pa yatang kalahating minuto ay tumawag na ito sa kanya. Agad siyang napabangon at sinagot ang tawag.
"Hello Miss Yen,"
"Aira what happen to my son? Nasaktan ba siya? Nasugatan? Umiyak–"
"Shhhh," putol ni Aira kay Yen. "Relax lng po Miss Yen, Okay lang siya."
"Then tell me the whole story from the very beginning please." hiling ng kausap sa kabilang linya.
"Kanina galing ako sa comfort room, nakita ko siya na pinagtutulungan ng mga classmates niyang lalaki. Tatlo sila. Pinipilit daw nila si Yazer na kunin ang phone niya, ito namang anak mo ayaw ibigay syempre sa kanya 'yun eh."
"Then?"
"Ayun, pumalag si bagets, pagdating ko doon tinadyakan siya–"
"What!? They bullied my son!?Sinong ang mga batang 'yan , naku ingungudnhod ko ang nguso ng mga nanay nila, hindi nila tinuruan ng magandang asal ang mga anak nila." galit na saad ni Yen sa kabilang linya.
Aba matapang ang nanay kaya pala, may pinagmanahan.
"Kumalma ka po Miss Yen, baka ikaw pa unang matigok d'yan, ang blood pressure mo. Kalmahan lang okay? Ni-report ko na sa teacher niya. Si teacher ni-report na niya sa guidance at ipapatawag ang both parents ng mga bata. Pero pasensya ka na ha, kasi Daddy yata niya ang binigyan ng notice ng school."
"Its okay, hindi rin naman kasi nila alam na nandito na ako sa bansa. Kumusta ang anak ko Aira? Is he okay? Wala bang masakit sa kanya?"
"Pina check ko na siya sa clinic kanina Miss Yen. Ang sabi ng school nurse ay okay naman daw ang bata at walang sugat o galos. Sabi naman ni Yazer walang masakit sa kanya."
"Okay basta text mo ako lagi or tawagan mo ako ha? Please Aira? Hindi pa kasi ako makakadalawa dyan may mga bagay kasi akong dapat i-settle muna."
"Okay huwag kang mag alala ia-update po kita."
"Thank you."
"Sige bye."
Pagkatapos ng tawag ay hindi agad natulog si Aira. Ang dami niyang tanong sa isipan. Hindi niya intensyon na manghimasok sa buhay ng may buhay ngunit nahihiwagaan siya sa tunay na dahilan ng paghihiwalay ng magulang ng bata. Nakakahiya naman magtanong kay Yen dahil hindi pa naman sila ganun ka close. Naisipan n'ya na i-chat si Ching. Ipapamalita niya na nagkakilala na sila ng ina ng bata. Ngunit agad niyang binura ang message na sana ay ise-send sa kaibigan nang maalala ang sinabi ni Yen kanina. Wala pa palang nakakaalam na nandito siya sa bansa at nakauwi na.
Muntik ka na do'n self. Iwas iwasan kasi minsan ang pagiging mosang,
Piping saway niya sa kanyang sarili.