Tito

1184 Words
Paggising ni Aira kinabukasan ay dala pa rin niya ang palaisipan niya kagabi. Hindi agad siya makatulog kakaisip sa pamilya ng batang transferee sa school na pinagtatrabahuhan niya. Ayaw niyang makialam sa estado ng pamilya ng bata ngunit naiintriga siya. Ilang beses siyang nagtangka na tawagan ang kaibigan niyang si Ching ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili. Bakit sila nagkahiwalay? Ano ang mabigat na dahilan? Baka matanda na ang Daddy ni Yazer kaya hiniwalayan siya ni Miss Yen? O 'di kaya ay babaero ito kaya iniwan ng kanyang asawa? Ganyan naman ang ibang mayaman e, kapag sawa na sa babae maghahanap ng iba. Easy lang sa kanila ang gawin 'yon dahil mapera sila. Saad sa isip ng dalaga. "Lalim yata ng iniisip mo?" untag ni Sanny kay Aira. Lumingon si Aira sa katabi. Nakapinid ang kanyang labi habang tulala pa rin. Hindi pa nag si-sink in sa utak niya ang tinanong ng kanyang kasama dahil okupado siya ng mga katanungan na nabuo sa utak niya. "Tsk, lutang ka nga." Nailing na lang si Sanny dahil sa kinikilos ni Aira. Bakit ba laman ng isipan ko ang pamilya nila? Kung tutuusin ay wala naman akong pakialam kung ano mga dahilan nila sa hiwalayan at ni hindi ko nga sila kilala personally. Saad ng dalaga sa isipan at pilit binaling ang atensyon sa ibang bagay at nag focus sa trabaho. Tumigil ang isang itim na sasakyan sa tapat ng gate, pamilyar na sa kanya ang sasakyan. Ito ang sasakyan na naghahatid at sundo kay Yazer Vallejo. Lumabas ang driver. Nakilala niya ito, siya ang driver ng mga Vallejo. "Good morning, ate Aira." bati ng bata sa dalaga. Hindi agad nakasagot si Aira dahil sa gulat. Binati siya ni Yazer? Bago 'yun a. "Good morning too Yazer." Ganting bati niya sa bata nang makabawi ang dalaga sa pagkagulat. Himala at nakangiti ito sa kanya. Kumaway ito sa driver nila at tumuloy na sa pagpasok sa loob ng eskwelahan. "Balita ko nakipag away ang batang 'yon dito sa school." Bumaling ang dalawang guwardiya sa driver na ngayon ay nakatayo na sa harapan nilang dalawa. "Napagtripan po yatang i bully ng mga kaklase Sir." Si Sanny ang sumagot sa driver. "Simo na lang…" "Sanny po, mang Simo. Tawagin n'yo na lang po ako sa panaglan ko." "Sige Sanny, maiiwan ko na kayo. Salamat nga pala Aira sa pagliligtas mo sa alaga namin." baling ni Mang Simo kay Aira. "Naku wala po 'yon. Trabaho po naming pangalagaan ang kapakanan ng bawat mag aaral dito." Napa tango ang matanda sa sinabi ni Aira. Hindi na nagtagal ay nagpaalam na ng driver sa mga ito. Tahimik si Aira habang isa-isang tsine-check ang pahina ng logbook nila sa guardhouse. Siya ang nakatoka sa paglilista ng mga bisistang pumapasok at lalabas sa eskwelahan habang nag inspeksyon naman si Sanny ng mga dala-dalang gamit ng bawat taong papasok. "Ah, Aira pwede bang humingi ng pabor sa'yo?" mula sa pagkakayuko ay napaangat ng tingin si Aira kay Sanny na naka tungkod ang isang siko sa kanyang bintana ng guard house. "Ano 'yon Sanny? Sabihin mo kung ano p'wera pera ha?" "Hindi naman pera ang hihingiin kong pabor Aira." "E ano nga. Sabihin mo na." Napakmot si Sanny sa kanyang batok habang nakatunghay sa kanya si Aira at matyagang naghihintay sa sasabihin niya. "Ano kasi, kukunin sana kitang ninang ng anak ko, kung okay lang sayo." tila nahihiyang saad ni Sanny. "Okay na okay yun sa akin ano ka ba. Kailan ba ang binyag? Hindi ko aatrasan 'yan Sanny. Basta libre chibog." Biro niya sa kasama para gumaan ang atmosphere nila. Alam niyang nahihiya si Sanny sa kanya. Minsan na siyang naimbithan sa isang handaan sa bahay nila. Kasal ni Sanny noon at ang Misis nito. Isang kasalang bayan ang ginanap sa lugar nila at sakto namang bakasyon kaya walang pasok. Lahat ng guwardiya sa School ng Saint Francis of Assisi ay inimbitahan ni Sanny. Ang mga may edad na katulad ng Ninong Max niya ay kinuha niyang ninong nila sa kasal. Simpleng handaan lang ang nakayanan ni Sanny. Ngunit puno naman ng tawanan at kasiyahan. Para kay Aira, hindi naman nababase sa kung gaano karangya ang kasal ng mag asawa. Ang importante ay kung paano n'yo pakisamahan ang isa't-isa. Nagdadamayan anumang oras at iintindihin ang isa't-isa gaano man kahirap ang pagdaanan. "Sa linggo. Dito lang din sa simbahan natin gaganapin ang binyag tapos sa bahay ang handaan. Isama mo na rin ang tatay at kapatid mo." "Sige Sanny darating kami." "Salamat Aira. Aasahan ko 'yan ha. Kita na lang tayo sa simbahan." "Oo. Dapat malasing mo ako ha." pagbibiro ni Aira. "May nakahanda na alak pero for the boys lang. Pasensya na Aira pero hanggang soft drinks ka lang muna." seryosong saad ni Sanny. "Sus damot, para isang bote lang."maktol niya ngunit inilingan lang siya ng kasama. Sa ilang taong kasama na niya si Sanny sa trabaho ay nakilala niya ang pagkatao nito. Mabuti siyang tao at parang nakababatang kapatid kung ituring niya si Aira. Ramdam niya ng malaking respeto sa kanya ni Sanny. Kahit kailan ay hindi niya nakitaan ng mali sa pakikitungo niya sa kanya kahit pa noong binata pa ito at wala pang nobya. "Good morning sir. Pa log book n lang po." magalang na bati ni Sanny sa bagong dating. "Nag angat ng tingin si Aira sa lalaking nakatayo sa harap ni Sanny. Sa tangkad nito ay hindi makita ni Aira ang kanyang mukha. Tanging ang malapad na dibdib niya ang nakikita niya mula sa bintana ng guard house. Inabot ni Sanny ang logbook at ballpen at siya na mismo ang nagbigay sa lalaking bagong dating. Pagkatapos pumirma sa log book ay walang imik itong naglakad diretso sa loob ng eskwelahan. "Sino 'yon?" usisani Aira. "Malay ko ngayon ko lang din nakita e. Eduard Vallejo ang sinulat niyang pangalan o tingnan mo." saad ni Sanny at binigay kay Aira ang logbook. Tiningnan naman ito ni Aira upang kumpirmahin ang sinabi ng kasama. Eduard Vallejo. Pati signature mukhang bigatin. Vallejo? "Teka, Vallejo? Baka kamag anak ni Yazer Vallejo?" Napatitig si Aira kay Sanny. "Baka tiyuhin, imposible namang tatay niya 'yon eh mukhang nasa mid twenties pa ang itsura." "Oo nga, mukhang mas bata pa ang itsura sa akin e trenta anyos na ako." Komento ni Sanny habang nakatanaw sa likuran ng lalaking nagngangalang Eduard Vallejo. "Ang tangkad niya ha. Hindi ko man lang nakita ang mukha niya kasi naman lumampas sa bintana " tila may panghihinayang na turan ni Aira. "Gwapo partner. Mukhang binata pa ang itsura. Mukha siya walang stress katawan." si Sanny. "Talaga ba? Baka nga tito ni Yazer ang lalakeng 'yon. Baka busy ang ama sa kumpanya nila kaya napag utusan siya. Ngayon kasi ang pag uusap ng mga magulang ng mga batang involved sa pananakit kay Yazer." sang ayon ni Aira. "Bawal yata mag aksaya ng salita sa kanila. Ni hindi ko man lang narinig ang boses niya." may panghihinayang sa boses ni Sanny. Kung pala kaibigan ang lalaking yon pwede ko na siya ireto para sa'yo." Biro niya pa kay Aira at ngumiti. Inirapan lang siya ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD