Breaktime na. Nagpaalam si Aira kay Sanny para bumili ng makakain sa canteen ng school. Nakaramdam kasi ang dalaga ng gutom. Hindi siya gaanong nakakain ng almusal kanina sa bahay nila dahil sa pagmamadali. Kung hindi siya magmadali ay siguradong mahuhuli na naman siya sa pila sa sakayan.
"Hi ate Aira." bati sa kanya ng mga grupo ng students na nadaanan niyang nakaupo sa side ng covered walk.
"Hello sa inyo. Nag snack na ba kayo?"
"Tapos na po ate." Sagot ng isa sa kanila.
Napatango si Aira sa kanila at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa canteen. Malapit ang loob ng mga estudyante kay Aira. Minsan ay nakikipag biruan siya sa mga ito kung kaya't close siya sa mag aaral. Ate siya ng lahat kung ituring sa Saint Francis of Assisi. Sandamakmak na bulaklak chocolates at ibang ibang klase ng regalo ang natatanggap niya tuwing araw ng mga puso galing sa mga estudyante na malapit sa kanya.
Palakaibigan ang dalaga at hindi mahirap pakisamahan.
Palabas na siya ng canteen ng tawagin siya ng isang pamilyar na tinig.
"Ate Aira!"
Hinanap ni Aira ng pinagmulan ng boses ngunit hindi niya matukoy kung saan galing dahil maraming student sa loob at labas ng canteen.
"Ate Aira! I'm here!" muling sigaw ng tumatawag sa kanya.
Nagalinga-linga siya at nakita niya si Yazer na kumakaway sa kanya. Nasa labas ito ng canteen.
Nakaupo ito sa isang concrete bench sa ilalim ng malaking puno ng Narra.
Nakangiti ang bata. Napaawang ang bibig ng dalaga nang makita ang kakaibang ngiti at ningning sa mata ni Yazer.
Lumapit siya sa bata dala ang curious na tingin.
"Tinatawag mo ako?"
"Yes, why? Is there another Aira here except you?" Matalas na tanong ng bata na dahil dito tumaas ang kilay niya.
Aba may pagka pilosopo din ang isang 'to.
"Wala naman akong kilalang nagngangalang Aira dito sa school. Bakit mo ako tinawag may problema ba?" May nanakit ulit sayo? Pero mukhang wala naman dahil napakasaya mo yata ngayon."
Ngumiti ulit ang bata lumabas ang maputi at pantay-pantay niyang mga ngipin.
"Yeah, I'm a little bit happy." maikling sagot ni Yazer at yumuko ars maitago ang ngiti sa mga labi.
"I'm happy na happy ka." Natawa si Aira sa sarili niyang sagot.
Bahala na kung wrong grammar.
"Are you free po mamaya." Salita ulit ng bata kay Aira.
"Mamaya? Anong oras ba?" sandaling napa sulyap si Aira sa suot niyang relo.
"Maybe lunch break. May ipapakita 'ko sayo-" natigil ang bata sa pagsasalita nang tumunog na ang bell. Senyales na tapos na ang break ng mga estudyante.
"I have to go, see you later ate Aira bye." paalam ng bata sa dalaga.
"Bye, ingat ka. Do not run." Paalala niya pa. Kumaway sa kanya ang bata. Napangiti si Aira habang nakatanaw kay Yazer na nagmamadaling pumasok sa kanilang classroom.
Panay ang sipat ni Aira sa kanyang relo. Hindi siya mapakali. Naglalakad siya paroo't parito pamatay oras.
Hindi niya mawari ang kanyang nararamdaman.
"Ano kaya ang ipapakita niya sa akin? Bakit parang nae-excite ako?" bulong niya habang nakatanaw sa loob ng school.
"May sinasabi ka?" Tanong ni Sanny.
"Wala."
Pagsapit ng tanghali ay lalong hindi mapakali ang dalaga. Lalo na at mag alas dose na ay wala pa rin si Yazer.
Huwag kang umasa self. Bata yun bka ginu-goodtime ka lang niya.
"Ate Aira!"
"Ayy! Kapreng gwapo!" Sigaw ni Aira dahil sa gulat. Pati si Yazer ay nagulat sa ginawa niyang pag sigaw kaya napatago sa likod ng kasama nito. "Sorry bakit ka ba nanggugulat bata ka." sapo pa rin niya ang kanyang dibdib.
Nakangiti na ang bata katabi ang isang matangkad na lalaki. Nakilala niya ang suot ng lalake ito yung dumating kanina. Iyong tiyuhin ni Yazer.
Kung gaano ka aliwalas ang mukha ng bata ay taliwas ito sa mukha ng katabi niya. Seryoso at hindi kakikitaan ng anumang emosyon ang mukha ng katabi niya. Ngunit sa kabila ng suplado niyang mukha ay nakakapanlaway naman ang kagwapuhan niya.
"Ate Aira, what is kapre?" Inosenteng tanong ni Yazer. Nanlaki ang mata niya sa tanong ng bata.
Bwisit na bibig ito kung anu-ano ang lumalabas kapag nagugulat!
"Ah eh, nevermind baby."
Oh God! Kunin mo na agad ako! Nakakahiya!
"May kailangan ka ba hmm?" Pang iiba niya ng usapan ngunit dama pa rin niya ang init sa kanyang pisngi at sinasabayan pa ng kabog ng dibdib niya.
"Siya iyong ipapakita ko sayo ate Aira." Sabay turo ng bata sa kanyang katabi. "He is my Daddy. Daddy this is Ate Aira. Siya ang nagligtas sa akin sa mga bully na 'yon." baling ni Yazer sa ama.
"D-daddy mo?" Hindi makapaniwala na tanong ni Aira. Ang lalaking matangkad kanina na nagngangalang Eduard Vallejo ay tatay ni Yazer!
"Thank you for saving my son Miss Aira…"
Natulala si Aira nang marinig ang boses ni Eduard. Nag angat siya ng tingin at tinitigan ang mukha ng lalaking kausap. Malalim ang mga mata, matangos ang ilong at mga labing mapupula at mamasa-masa. Ang panga na gumagalaw na parang bang nagngangalit kapag nagsasalita.
Bkit pati boses niya nakakapanginig ng laman.
"A-aira, Aira de Jesus po, Sir. Wala po 'yon. T-trabaho po namin ang pangalagaan sila." Nauutal pa rin ang dalaga. Halos hindi niya na bigkas ng mabuti ang mga sinabi niya.
"Ate Aira are you single?" walang preno na tanong ng bata sa kanya. Maging ang ama nito ay tumaas ang isang kilay ngunit hindi na nag komento sa inasal ng anak.
"H-ha?" Hindi agad nakasagot si Aira dahil parang iba ang dating ng tanong na 'yon para sa kanya. Feeling niya ay nakasalalay ang buhay niya sa sagot niya. OA pero ganun talaga ang pakiramdam niya ngayon.
"Single yan. Hindi pa nga yan nagkaka boyfriend eh." Singit ni Sanny na siyang ikinalingon nilang lahat sa kanya.
" Kinakausap ka Sanny? Gusto mo palit tayo ng posisyon? Ako d'yan ikaw dito?" mataray na sita ni Aira. Ngumisi lang si Sanny kaya inirapan niya ito.
Napa buntong hininga si Eduard at nabaling na naman sa kanya ang atensyon ni Aira "I have to go, son. I need to attend some important meetings. Behave okay?" Hinalikan niya sa noo ang anak. "Nice meeting you Ms. De Jesus."
"N-nice meeting you po Sir." Nahihiyang tugon ni Aira kay Eduard.
Tinitigan pa siya ng Daddy nu Yazer. Sandali lamang iyon ngunit at pakiramdam niya ay tumatagos hanggang kaluluwa niya ang mga titig sa kanya ni Eduard.
Nang makaalis ang sasakyan ng lalaki ay hinarap ni Aira ang bata.
"Yazer, Daddy mo ba talaga 'yon? Parang ang bata pa niya."
"Yes po ate. My daddy is only twenty nine years old."
"Ha!? Twenty nine lang siya? Ilang taon lang siya nung binu-I mean noong ipinanganak ka?"
"Yaya Melda said, Mom and Dad were still in college when I was born."
"Oh I see,"
"Pasok ka na handsome, mainit na dito tama na muna yang chikahan ha. Bukas ulit kayo mag kwentuhan ni Ate Aira mo." Singit ni Sanny sa usapan nila.
Tinitigan ni Sanny si Aira ng makahulugan at agad namang nakuha ni Aira. Nagpaalam na ang bata at pumasok na sa classroom nila.