Chismisan

1260 Words
Matagal na nagkakatitigan sina Sanny at Aira pag alis ni Yazer. Ni isa sa kanila ay walang nagbigay ng komento at tanging ang mga mata lang nila ng nag uusap. Hanggang sa hindi nakatiis si Aira at siya na ang bumasag ng katahimikan. "Alam mo Sanny lalo tuloy akong napapaisip ngayon e." "Napapaisip? Tungkol saan?" "Tungkol sa dahilan ng hiwalayan nila Miss Yen at nung Daddy ni Yazer." Hinimas ni Sanny ang kanyang baba at hindi nagsalita. Tila nag iisip ito nang sasabihin. Muli siyang tumitig kay Aira nang magsalita ulit ang dalaga. "Hindi kaya, nabuo lng ang bata dahil sa isang pagkakamali?" tanong ulit ng dalaga. "Ano ang ibig mong sabihin? One night stand sila tapos di inaasahang may nabuo ganun?" "Siguro, may ganun naman 'di ba? Posible naman 'di ba?" "Aba malay ko? Hindi ko naman naranasan yang mga ganyan, dahil ang mga ganyang bagay para sa akin ay pang mayaman lamang." "Pang mayaman? Bakit may mga mahihirap din namang naghihiwalay 'di ba?" hirit ulit ni Aira. "Ang ibig kong sabihin ay 'yang mga one night stand na 'yan. Mangyayari lang naman 'yung mga ganyang bagay kapag ang babae at lalaki nag pupunta sa mga bar, tapos nagka kainuman hanggang malasing nagkayayaan kung saan saan. Tapos ayun doon na nangyayari iyong mga bagay na hindi dapat." mahabang paliwanag ni Sanny. "Oh? Akala ko ba hindi mo naranasan 'yang mga ganyan?" nanliliit ang mga mata ni Aira kay Sanny. "Hindi nga!" Mariing tanggi naman niya kay Aira. "E, bakit mo alam ang mga kalakaran sa mga bar?" tinaasan ni Aira ng kilay ang kausap. "Nakalimutan mo na ba na bago ako magtrabaho dito bilang guwardiya ay naging water ako sa isang bar?" paalala ni Sanny kay Aira, "Kaya alam ko ang kalakaran doon. Kaya ikaw mag ingat ka sa mga bar na pinupuntahan mo." paalala ni Sanny sa kanya. "Hindi pa naman ako nagawi sa mga bar yan." nakangusong saad ni Aira. "Hindi pa? So may balak ka?" "Kapag may magyaya." "Tss, tigas ng ulo." "Lahat naman ng ulo matigas." Hirit ng dalaga na inilingan lamang ng kausap. Tawa ng tawa si Aira sa reaksyon ni Sanny. May pagka pilya talaga ang dalaga. Bandang hapon, uwian na. Hinihintay na lamang ni Aira ang relyebo niya at uuwi n rin ito. Naunang nagpaalam si Sanny dahil sasamahan pa niya ang asawa para mamili ng kakailanganin para sa binyag ng anak nila. Nag aayos na rin soya sa table, isa-isa niyang sinalansan ang mga log books sa maliit nilang shelf. Pati balpen ay maayos rin niyang binalik sa lalagyan. Namataan n'ya ng batang si Yazer n naglalakad palapit sa gawi niya. Napatingi. Siya sa kanyang relo. Pasado alas singko na ngunit bakit nandito a ang bata. "Yazer, bakit hindi ka pa umuwi?" tanong niya nang makalapit ang bata. "Tatay Simo is not yet here ate Aira," Napatingin si Aira sa suot na relo, alas singko na ng hapon. "Five pm na 'di ba dapat kanina pa 'yon nandito?" "Yes, maybe na traffic po…" Tinitigan niya ang bata dahil mukhang hindi ito mapakali. Parang may gusto siyang sabihin ngunit pinigilan niya marahil ay nahihiya. Hinawakan niya sa balikat ang bata, tiningla naman siya nito. "May sasabihin ka ba? Huwag kang mahiya sige na." "A-ah, ate do you have phone? Tatawagan ko lang si tatay Simo." nahihiyang sabi ni Yazer. Pagkarinig niya sa sinabi ng bata ay agad namang nilabas ni Aira ang kanyang telepono at inabot sa bata. Agad nag dial si Yazer sa telepono ni Aira. Noong una ay walang sumagot sa tawag kaya laylay ang balikat ng bata."Can I try another number?" Malumanay niyang tanong. Tumango naman si Aira at pinagmasdan ang kilos ni Yazer. Hati ang mukha ng bata. May namana siya features ng kanyang ina, ngunit lamang ang kanyang ama lalo na sa height nito. "Hey Dad," Halos tumalon ang puso ni Aira nang marinig ang boses ni Yazer. Tinawagan niya ang daddy niya gamit ang number niya! "Tatay Simo is not here yet Dad." Saad ng bata, huminto ito sa pagsasalita at matamang nakikinig sa ama. "It's ate Aira's number Daddy." Nasapo ni Aira ang dibdib nang marinig ang sinabi ni Yazer sa ama. Aba at sinabi pa talagang number ko 'yon! "Okay po, I'll wait for you po. Bye Dad." Pagkatapos magpaalam sa ama sa telepono ay binalik na niya kay Aira ang cellphone nito. "Thank you ate Aira. My Daddy will fetch me. Hihintayin ko na lang siya. He's on the way." Tumango lang si Aira sa kawalan ng sa masabi. Inaya niya ng bata na umupo muna sa guard house habang naghihintay sa ama. Wala pa rin ang ka relyebo niya. Habang tumatagal ay hindi mapakali ang kalooban ni Aira. Para bang kinakabahan na nae-excite siya. Ano ba itong nangyayari sa akin hindi namana ko ganito dati? Nagulat siya at napatayo nang may bumusina sa tapat ng gate. "Maybe si Dad na 'yan." Tumayo si Yazer ngunit pinigilan niya itong umalis. "Huwag ka munang lumabas, hintayin natin dito ang Dad mo. Baka kasi hindi siya yan." paalala nya. Tumango naman ang bata at hinintay ang ama. "Sorry buddy, katatapos lang ng meeting ko." Boses ni Eduard. Awtomatikong napalingon si Aira sa lalaki. Nakasuot ito ng puting polo na nakatupi hanggang siko, formal na formal ang suot ngunit wala na siyang tie. "Hi Miss de Jesus." pormal nito bati. Patay nahuli pa yata akong nakatitig sa kanya. Shet, ang gwapo naman kasi. "H-hello po sir." Mahihin niyang bati. Tumango naman ang lalake. "Let's go son." Aya ni Eduard sa anak. "Bye ate Aira, thank you sa pagsama po." "Bye Yazer see you on Monday." Nilingon siya ni Eduard at sandaling tinitigan. Nakipag titigan din siya dito. Si Eduard ang unang nagbaba ng tingin nang buksan ang pinto ng kotse para sa anak. Walang lingon itong sumakay sa driver's seat at umalis. "Tipid na nga magsalita, bawal pa yata sa kanya ang ngumiti. Makauwi na nga." Pagdating ni Aira sa bahay nila ay may nadatnang siyang hindi inaasahang bisita. Nakaupo ito sa sala at kausap ang kanyang ama. "Miss Yen?" gulat niya tanong. "Aira," lumapit sa kanya si Yen at bumeso. Pagkatapos ay lumapit si Aira sa ama at nag manong. "Napadalaw ka po, buti natunton mo itong bahay namin." Naku hindi naman mahirap hanapin ang bahay niyo. Actually nakasabay ko ang kapatid mo kaninang papasok ako dito." Mahabang paliwanag ni Yen. Naupo si Aira sa upuang katapat ni Yen. Ang kanyang tatay Con ay nagpaalam para magluto ng hapunan. Nag usap sila at nagkamustahan. Kanina pa pala ito naghihintay sa pag uwi niya. Kwinento ni Aira kay Yen ang mga nangyari kanina. "Really nagkita na kayo ni Eduard?" tanong ni Yen kay Aira. Nakangiti ito at hindi kakikitaan ng anumang pagkukunwari. "Oo Miss Yen, sa katunayan nga po dalawang beses ko na siyang nakita." Ngumiti ulit si Yen, magniningning ang kanyang mga mata. "So kumusta naman siya? Gwapo pa rin ba? Macho pa rin?" Nakangising tanong niya. "H-ha?" Umawang ang bibig ni Aira. Natawa si Yen sa reaksyon ni Aira. "Alam mo bagay kayo." "Miss Yen! Ano ba yang lumalabas sa bibig mo!?" gulat na tanong ni Aira. "Ex husband mo 'yon, tapos sasabihin mong bagay kami!?" naeeskandalong turan niya. "Correction darling hindi ko siya ex husband." "Po?" "Hindi kami kasal ni Eduard." nakangiti pa rin si Yen. "Marami kapang hindi alam Aira, hayaan mo at maglalaan ako ng oras para makipag chismisan sa'yo." Natatawa pa rin si Yen sa reaksyon ni Aira. Hindi maka get over ang dalaga dahil sa mga nalaman ngayong araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD