Chapter 1
[Xhanaia's POV]
"Xhan, jowa mo nakita kong nakikipaghalikan sa ibang babae," bungad sakin ng isa sa matalik kong kaibigan na si Xander pagpasok ko pa lang sa bilyaran.
Matao at karamihan ng mga nandidito ay mga estudyante sa iba't ibang unibersidad. Pero kung magsalita ang kulot na lalaking ito, ay akala mong nasa bahay lamang siya.
"Oh, talaga?" Walang pake kong sagot sakanya bago kumuha ng tako para siyempre, maglaro.
"Ayan tayo eh, kakakilala mo lang dun hindi ba? Nakita pa nga daw kayo ni Xero na naglilingkisan sa gedli," natatawa niyang pang aasar. "Teka, huwag mong sabihing nahit and run ka?"
"Gago!" halos pasigaw kong sabi sakanya at saka ngumisi ng nakakaloko. "Ako ba? Mahihit and run? Ilang lalake na ba ang sumubok na umiskor saken Xander?"
Si Xander ang pinakamapang asar sa aming tatlo, si Xero naman ay may pagseryoso ngunit pagdating sa akin ay mapang asar din.
"Parang di niyo naman ako kilala," pailing iling kong sabi. "Xhanaiah Marie Perez po pala, ang babaeng malandi pero hindi makati." Kunwaring pag iintroduce ko sa sarili ko bago bumalik muli sa paglalaro.
Bumuntong hininga si Xander at saka biglaang napalingon sa entrance, "Oh, ayan na pala si Xero."
Agad naman kaming nakita ni Xero dahil sa ito ang palagi naming pinupwestuhan sa twing maglalaro kami. Ibig kong sabihin ay tuwing maglalaro kami ni Xander at taganuod naman siya. Kumbaga para lang siyang display na pinagtitinginan ng mga babae dahil sa angking kagwapuhan niya. Dumagdag pa rito ang malakas na s*x appeal niya. Maging si Xander ay ganun din kacharming, parehas kay Xero.
Pero ewan ko ba, ni minsan sa loob ng 6 years of friendship naming tatlo, ay ni hindi man lang ako tinubuan ng feelings sa kanila. Minsan nga naiisip ko kung tomboy ba ako o talagang saradong sarado na ang puso ko sa mga ganitong bagay.
Bata pa lamang kase ako ay tampulan na ako ng tukso, dahil wala akong tatay. Ayon sa mga sabi sabi ay sumakabilang bahay na daw ang tatay ko ng makailang ulit, nung minsang mahuli niya si nanay na kumakabit sa mayaman at matandang lalaki. Kaya ayun, ganun ko nalang ituring ang mga lalake sa mundo, pwera syempre sa mga bestfriend ko.
"Matutunaw ako niyan," pagbibiro ko kay Xero habang tinatantya yung bola. Kanina pa kasi ito nakatingin sa akin sa hindi ko malaman na dahilan. "Remember, XXX tayo, meaning,"
"XXX tayo sa isa't isa." Sabay sabay naming sabi at saka kami tumawa.
"Maiba tayo, Iya," Eto yung tawag ni Xero sakin, Iya. Ayaw niya kasi ng Xhan dahil halos lahat daw ng tao ay ganun na ang tawag sakin. "Balita ko ay na hit and run ka daw. First time?"
"Isa ka pang gago eh," sagot ko sakanya na may kasamang pag irap. "Hoy, hindi pa pinapanganak sa mundo ang makakagawa non sakin. Hanggang tingin lang sila pero never silang makakatikim." Walang preno kong sagot sakanya.
Umupo ako sa tabi niya, at maya maya din ay umupo na din si Xander sa kabila ko.
"Concern lang kami sayo, Xhan. Alam naming hindi ka papadaig pero alam mo na," nagkibit balikat siya at saka ngumisi, "baka makarma ka."
Sabay silang tumawa kaya binatukan ko silang parehas dahil sa sobrang gigil ko sakanila. Concern daw tapos biglang mag aasar at saka ako pagtatawanan.
"Alam mo, tara na, malelate pa tayo sa last subject. Kailangan ko na din magpakita sa iba ko pang mga tropa. Ilang araw na kong MIA." pag aaya ko sakanila.
Tumayo na kaming tatlo para bumalik sa university kung saan kami nag aaral ng masscom. Last subject na namin to at pagkatapos ay dederecho na ako sa apartment kung saan ako umuuwi para magpahinga. Wala din kase akong duty ngayon sa sinasidelinan kong trabaho bilang barista.
"Huy, Xhanaia, may laro tayo bukas ha," pagpapaalala ng isa sa mga co-volleyball player kong kaibigan.
"Oo, kanina ka pa banggit ng banggit." Pagrereklamo ko.
Narinig ko siyang bumuntong hininga bago sumagot, "Duh, pano ba naman hindi ka sumasagot. Malay ko ba kung iindianin mo nanaman kami para manlalake. Anyway, after non, manonood tayo ng basketball."
Hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin yung sinabi niya at um-oo nalang din ako.
Matapos ang usapan namin, ay parehas kaming namahinga saglit at saka gumayak para pumunta sa party. All present na kase ang iba naming girlfriends. Kaya naman pagdating namin ay sinalubong nila kami ng hiyaw na nakakabingi.
"Xhan, Jas!" Bulyaw nila ng sabay sabay.
Agad naman kaming lumapit sakanila, at bumeso bilang pagbati. Iba talaga pag mga babaeng bruha ang kasama, literal na malilimutan mo problema mo kase mga loka loka sila.
Nagpaalam saglit si Hera para magrestroom tapos pagbalik niya ay tila sinakluban na ng langit at lupa ang mukha niya. Sa bandang likuran niya ay napansin namin yung ex niya na para bang hinahabol siya.
Seryoso sila pareho at mukhang nag away nanaman.
"Uy si Hera," Sambit ni Jas bago tumayo. "Halika puntahan natin?"
Tumayo yung iba pero ako, "Naku, bahala kayo dyan. Baka mamaya di ko mapigilan sarili ko maupakan ko pa yang babaerong yan."
Iniwan ko muna sila doon at saka ako sumayaw sayaw sa gitna. Ng mapagod ako ay pumunta ako sa bar counter para kumuha ng alak.
Nakaharap ako sa bartender habang ineenjoy ang alak na hawak ko. Pagkatapos ay tila humaplos sa ilong ko ang mabangong amoy na nanggagaling sa likuran ko.
"Isa ngang..." Di ko na narinig yung mga sunod niyang sinabi. Pano napako na yung tingin ko sakanya.
Kanina ay wala ako sa mood lumandi pero parang bumabalik na ung harot ko.
Nakatingin lang ako sakanya ang minamasdan siya. Syempre minsan ay napatingin din siya pero saglit lang iyon.
'Bakla ata,' bulong ko sa sarili ko na buti ay hindi niya narinig.
Pano ba naman ay sa lakas ba naman ng appeal ko, sino bang hindi mapapasecond look sakin.
"Nang irap pa. Kaloka." Reklamo ko matapos niya makaalis.
Siguro nga ay wala talaga akong swerte sa landi ngayon gabi kaya mas mabuti pa na magpakawalwal nalang tapos sayaw para humupa ang kalasingan.
"Kuya, isa pa nga," sabi ko sa bartender bago pumunta sa gitna at ipakita ang galing ko sa paggiling.
Matapos kong magpapawis ay pumunta ako ng CR para siyempre umihi. Bago ako lumabas ng toilet ay nakakarinig ako ng mga bulungan, tungkol sa lalaking bilyonaryo na gwapo daw pero suplado. Narinig ko pa nga ang balak nilang akitin ito pero natawa nalang ako.
Ano naman kung gwapo at mayaman? Kung ang ending naman ay iiwan kang luhaan?
Ng makalabas ako ng restroom ay ramdam ko pa din ang matinding pagkahilo kaya naman sinubukan kong bumalik sa lugar kung nasaan ang mga kaibigan ko pero hindi na ako nakarating don dahil bumagsak ako.